Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Luoyang, lunsod ng peony

(GMT+08:00) 2016-09-15 15:12:11       CRI

Ang lugar na pupuntahan natin ngayon ay Luoyang. Sa dating episode, isinalaysay na natin ang isang matandang punong lunsod ng Tsina, Kaifeng. Ang Luoyang ay isa ring matandang kabisera, pero, mas matanda kaysa Kaifeng. Kapuwa ang Luoyang at Kaifeng ay matatagpuan sa Lalawigang Henan, at malapit sa Ilog ng Huanghe o Yellow River. Sinasabing dito nagsimula ang sibilisasyon ng Nasyong Tsino.

Ang Luoyang ay isa sa mga lunsod na may pinakamahabang kasaysayan sa Tsina. Ito'y itinayo noong 2070 BC at ang unang tatlong dinastiya ng Tsina ay pawang nagtayo ng kani-kanilang kabisera sa lugar na ito. Pagkaraan nito, ang Luoyang ay naging kabisera rin ng ilang mahalagang dinastiya ng Tsina at nananatili itong isa sa mga pinakamahalagang lunsod sa kasaysayan ng bansa.

Sa kasaysayan, mayroong 13 dinastiya ang magkakasunod na nagtatag ng kapital doon na tumagal nang mahigit 1500 taon. Sapul noong sinaunang panahon, maraming literati ang nagtipun-tipon doon, kaya tinawag ding "Poem Capital" ang Luoyang, at dahil sa magandang poeny, tinagurian din itong "Kapital ng Bulaklak o Lunsod ng Peony." May mahigit 1400 taon na ang kasaysayan ng pagtatanim ng peony sa Luoyang. Dahil sa angkop na angkop na lupain at klima sa lokalidad, ang bolyum ng mga peony na naitatanim sa Luoyang ay pinakamalaki sa Tsina at isa rin ito sa pinakamagandang bulakalak sa Tsina.

Idinaraos ang Luoyang Peony Festival bawat tagsibol, mula Abril hanggang Mayo. At ang venue nito ay Luoyang National Peony Garden, na nasa Bayan ng Mangshan na karatig ng Luoyang. Ang Luoyang National Peony Garden ay may lawak na halos 1/3 square kilometres, at dito itinatanim ang mahigit 400 uri ng peony. Bawat taon, mula mid-April hanggang mid-May, ang mga peony sa Luoyang National Peony Garden ay lubos na namumukadkad. Ang pinakamabuting panahon para panoorin ang mga bulaklak ay ika-15 hanggang ika-25 ng Abril. Iba't ibang kulay ang mga bulaklak: pink, rose, reds mixed with whites, yellow at purple.

Ang Luoyang Peony Festival ay kilala sa mga turista ng Tsina at buong daigdig, kaya, sa panahon ng festival, napakrami ang mga turista sa Luoyang. Kailangang maagang i-book ang hotel, kung hindi, ang paghahanap nito ay magiging mahirap, at ang presyo ay tataas. Kung hindi peony ang target ng inyong pagpasyal, huwag maglakbay sa Luoyang sa panahong ito.

Kung pupunta ka sa Luoyang para sa peony festival, narito ang location ng Luoyang National Peony Garden: crossing ng Jichang Road at Wangcheng Road; Transportation: Bus No.27, 51, 83, ang mga ito ay direktang nagpupunta sa Luoyang National Peony Garden. Opening Hours: 5:30 a.m. - 9:30 p.m. Admission Fee: CNY30 (CNY55) for each during the festival). Tip: Although the peonies are beautiful, huwag pitasin ang mga ito.

Nabanggit natin ang National Peony Garden ay nasa Bayan ng Mangshan. Hindi malayo mula dito, may isa pang lugar na panturista, ito ay Mangshan Mountain. Noong sinaunang panahon may kasabihan ang mga tao na, kahit 50 milya ang haba ng Mangshan, walang bakanteng lote dito para higaan ng baka" .

Ang Mangshan Mountain na tinatawag din na Northern Mangshan ay matatagpuan sa hilaga ng Luoyang City. Sa Mangshan Mountain maaari mong mapuntahan ang Wulongfeng (Peak of Five Dragons), na pangunahing scenic spot sa purok na ito. Maroon ding iba pang mga scenic spot na gaya ng Yinluxuan (Guiding Corridor), Kaijinxuan (Corridor of Broadening the Mind) at Zijinge (Purple and Golden Pavilion), Shanheyilanxuan (Corridor of Overlooking the Mountain and River).

White Horse Temple

Mayaman ang tanawing kultural ng Luoyang. Kabilang dito, ang Longmen Grotto ay isa sa tatlong malalaking grotto ng Tsina, at ang White Horse Temple ay unang buddhism temple na itinaguyod ng panig opisyal sa Tsina. Mula noong sinaunang panahon, naging mapagkaibigan at bukas ang Luoyang, at ito ang tulay ng komunikasyon sa panahong iyon. Ang "Silk Road" na bantog sa loob at labas ng bansa, ay nagsisimula sa dakong silangan ng Luoyang at nagtatapos sa silangang pampang ng mediterranean sea, abalang-abala ang linya ng transportasyong ito at tuluy-tuloy ang mga mamimili at mangangalakal.

Ang Longmen Grotteos ay nasa magkabilang pampang ng ilog Yihe, 13 kilometro ang layo sa timog ng lunsod Luoyang. Marikit ang tanawin dito, at may mga templo. Sa mula't sapul pa'y lugar na ito ng mga makata at turista. Ginawa ang Longmen Grotteos noong 493 AD nang ilipat ni emperador Xiaowendi ang kabisera ng imperyo sa Luoyang. Ginawa ang groto sa loob ng mahigit 400 taon ng iba't ibang denastiya. Masikip na parang bahay ng bubuyog ang malalaking kuweba sa loob ng kabundukan na umaabot na mahigit 2300 lahat-lahat. Mayroon doong mahigit l00,000 rebulto at mahigit 3600 lapida at 40 tore ng Budismo.

Longmen Grotteos

Ang Longmen Grottoes ay isa sa "apat na pinakalaking grottoes" ng Tsina. Ang makukulay na makasining na rebultong kinatha ng mga maestro ng sining noong sinaunang panahon ay naging mahalagang materyal sa pananaliksik sa sinaunang kasaysayan at sining ng Tsina.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>