Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Alamat at imbensyon ng mga sinauang Tsino

(GMT+08:00) 2017-01-12 18:10:52       CRI


Ngayon araw, ibabahagi namin sa inyo ang mga kaalaman hinggil sa kultura ng sinauang Tsina. Alam mo ba kung ano ang Chinese Lunar Calendar at apat na pinakamahalagang imbensyon ng Tsina? Sino si Hou Yi at kanyang asawang si Chang E? Lahat iyan ang ikukuwento namin sa inyo sa episode na ito.

Kalendaryong Tsino at pagbago ng buwan

Ang kalendaryong Tsino o Nong Li ay ang tradisyonal na kalendaryo ng Tsina, at kadalasang ginagamit sa agrikultura.Ayon sa Nong Li, ang buwang gasuklay ay lumilitaw sa unang araw ng kada buwan, at ang bilog na buwan naman ay lumalabas sa kalagitnaan ng kada buwan. Ang siklong ito ay tumatagal ng mga (humigit-kumulang) tatlumpung araw.Ayon sa magkakaibang posisyon ng araw, dalawamput apat na araw ang tanda ng dalawamput apat na dibisyon sa solar na taon ng Nong Li.Halimbawa, ang dibisyon na Li Chun o pagsisimula ng tagsibol ay nagpapaala-ala sa mga tao na parating na ang tagsibol.

Ang Jing Zhe o paggising ng mga insekto ay nangangahulugang magiging nagiging mainit na ang panahon.Ang Li Xia o pagsisimula ng tag-init ay ang panahon ng pag-usbong ng mga pananim.

Ang Da Han o Dakilang Lamig ay ang katapusan ng mabagsik na taglamig.Lahat ng mga ito ay bumubuo sa isang siklo ng pag-ikot ng mundo sa araw.Ang ikatlumpung araw ng ikalabindalawang buwan ng Nong Li ay ang bisperas ng Bagong Taong Tsino; at ang susunod na araw ay ang Pestibal ng Tagsibol.Taun-taon, nararanasan ng mga mamamayan ang mga misteryo ng kalikasan dahil ayon sa Nong Li.

Ngayon, narito naman ang kuwento ng araw at buwan ayon sa mga Tsino.

Ang Tai Yang o araw ay nagbibigay ng liwanag at bitalidad sa mundo.Ayon sa mga alamat, noong sinaunang panahon, may sampung Tai Yang sa kalangitan. Hindi matiis ng mga tao ang init na dulot ng sampung Tai Yang na ito.Gamit ang pana at palaso, tinudla ng isang bayaning nagngangalang Hou Yi ang siyam sa mga Tai Yang.Ang mga Tsino ay gumawa ng kalendaryo base sa anino ng huling Tai Yang.

Dalawampu't apat na termino hinggil sa araw ang ginawa ng mga Tsino ayon sa batas ng sirkulasyon ng Tai Yang. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuntunan sa pagsasaka. Ang pagsikat at paglubog ng Tai Yang ay kumakatawan sa pag-asa sa kaibuturan ng puso ng mga Tsino.

Ang mga karakter na ito ay nangangahulugang pagbabago ng anyo ng buwan.Sa mga alamat ng Tsina, maraming kathang-isip na pakahulugan ang ipinatutungkol sa Yue Liang.Ayon sa alamat, ninakaw at ininom ni Chang E, asawa ng bayaning Tsino na si Hou Yi, ang eliksir ng imortalidad.Dahil dito, siya ay naging diwata at lumipad patungong Yue Liang. Maliban sa isang kuneho, mag-isa lamang siyang namumuhay sa Yue Liang. Ang pagsamba sa Yue Liang ay isang sinaunang kaugalian sa Tsina. Ang bilog na Yue Liang ay kumakatawan sa pagsasama-sama ng pamilya, at nagpapaala-ala sa mga tao ng kani-kanilang pamilya. Ayon sa isang sinaunang tulang Tsino, "pagtaas ng aking mga mata sa Yue Liang, ibababa ang aking ulo at iisipin ang aking pamilya.

Ilan sa mga imbensyon ng sinaunang Tsina ay Kompas, Pulbura, Papel at Paglilimbag. Ang apat na ito ang itinuturing ng mga Tsino na 4 na pinakamahalagang imbensyon at kontribusyon ng Tsina sa daigdig.

Itinuturto ng kompas o Zhi Nan zhen ang hilaga at timog.Ito ay naimbento ng mga Tsino, 2,000 taon na ang nakakaraan.Ang mga sinaunang Zhi Nan Zhen ay mukhang kutsara.Kapag ang kutsara ay inilagay sa ibabaw ng plato, ang hawakan nito ay tuturo patimog dahil sa magnetismo.Di-naglaon, ang kutsara ay pinalitan ng karayom ng mga Tsino. Dahil dito, mas madali nang bitbitin ang Zhi Nan Zhen.Animnaraang taon na ang nakakaraan, pitong beses na naglakbay sa Timog-silangang Asya at Karagatang Indiyano si Zheng He, isang kilalang manunuklas at mandaragat na Tsino.Sa tulong ng Zhi Nan Zhen, naabot ni Zheng ang Pulang Karagatan. Ang imbensyong ito ay nakapagpasulong sa larangan ng nabigasyon sa dagat.

Ang pulbura o Huo Yao ay isa pang imbensyon ng sinaunang Tsina.Aksidente lamang ang pagkakatuklas nito.Mahigit isang libong taon na ang nakakaraan, natuklasan ito ng mga taong nag-e-eksperimento sa paggawa ng gamot.Nadiskubre nila na kung pagsasamahin ang takdang bahagi ng asupre, uling at potassium nitrate, ito ay sasabog.Binago ng pulbura ang estilo ng digmaan. Natapos ang panahon ng bakal at naging pangkaraniwang-gamit ang mga armas na gumagamit ng pulbura.Mahigit animnaraang taon na ang nakakaraan, ang mga sinaunang baril ay ginamit sa Tsina.Ang mga bala ng kanyon ay inilunsad sa pamamagitan ng pagsabog ng Huo Yao.Sa ngayon, karaniwan ding ginagamit ang Huo Yao sa mga paputok.Nakilala at umani ng paghanga mula sa mga manonood ang kagila-gilalas na mga paputok sa Olimpiyada ng Beijing.

Ang papel o Zhi ay isang imbensyon ng Tsina.Dalawang libong taon na ang nakakaraan, naimbento ng mga Tsino ang paggawa ng papel.Ang Zhi na ito ay gawa sa seda at lubhang napakamahal: ang emperador at mayayaman lamang ang nakakabili nito.Isang libo't siyamnaraang taon na ang nakakalipas, isang kapon na nagngangalang Cai Lun ang nagpabuti ng proseso ng paggawa ng papel.Gumawa siya ng mura at manipis na Zhi mula sa balat ng puno at retaso.Dahil sa pagpapabuti sa proseso ng paggawa ng papel, ang Zhi ay kumalat sa maraming lugar, at maraming uri ng Zhi ang naimbento ng mga Tsino.Ang Xuan Zhi, na isang mataas na uri ng papel ang pinakamabuting nagpapakita ng alindog ng tradisyonal na estilo ng pagpipinta at kaligrapiya ng Tsina.Ang papel na Jute ay ginagamit din sa pagsasalin ng mga klasikong Tsino.Di-naglaon, ang Zhi ng Tsina ay kumalat pakanluran sa pamamagitan ng Daan ng Seda.Ang kultura at sibilisasyon sa loob ng libu-libong taon ay naitala sa Zhi at ito ay ipinasa sa ibang bahagi ng mundo.

Isang Tsinong nagngangalang Bi Sheng ang naka-imbento ng naililipat na tipong panlimbag, mga isang libong taon na ang nakakaraan.Ang mga naililipat na bahagi ay mga kyub na gawa sa hinurnong luwad. Ang mga karakter na Tsino ay inukit sa bawat piraso ng luwad, na mukhang mga seal na malawakang ginagamit sa Tsina.Ang mga naililipat na bahagi ay maaaring malayang ayusin para makabuo ng ibat-ibang bokabularyo at pangungusap.Ang mga ito ay ikinakabit sa mga isang platong gawa sa bakal na may kuwadra, at nakasunod sa isang tiyak na pagkaka-ayos.Sunod, ang mga ito ay nilalagyan ng pintura at pagkatapos ay nilalapatan ng papel. Sa paraang ito nagagawa ang pag-i-imprenta.Pinabuti ng paraang ito ang episyensya ng paglilimbag at binago ang tradisyonal na pagsasalin tungo sa makabagong paglilimbag.Ang mga kasulatan at pinta ay lumaganap sa mundo sa tulong ng Yin Shua.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>