|
||||||||
|
||
Ni Hao Philippines
|
Lumahok ang mga batang Tsino na may edad 8 hanggang 15 taon sa Ni Hao Philippines Agosto 9, 2018.
Mga batang Tsino na kalahok sa Ni Hao Philippines
Ang Ni Hao Philippines pahayag ni Irish Kay Kalaw-Ado, Second Secretary and Consul ng Philippine Embassy ay regular na aktibidad ng embahada para sa mga Tsino at dayuhang estudyante na nais magkaroon ng kaalaman hinggil sa Pilipinas
Presentasyon hinggil sa kasaysayan, kultura at turismo ng Pilipinas
Tampok sa presentation ni Joan Pichay, Cultural Attache ang pagtututo ng simpleng mga salitang Filipino, kaalaman hinggil sa kasaysayan, kultura at turismo ng Pilipinas.
Si Zhang Hong, guro sa Renmin Primary School
Si Yang Xiaokun, Guro ng Embassy Business and Culture Net
Si Liu Hui, Grade 10 sa Yuying International School
Ang grupo na binubuo ng 64 kabataan at 5 guro ay kabilang sa summer camp na Little Chinese Digital Culture Ambassador ng Embassy Business and Culture Net. Ang mga mag-aaral ay mula sa Beijing at lalawigang Hebei at Sichuan.
Mga palabas at aktibidad sa Ni Hao Philippines
Ito ang ikalawang pagdalaw ng Little Chinese Digital Culture Ambassador sa embahada ng Pilipinas. Sa programa, ipinakita ng ilang mga bata ang sayaw ng Lahing Zang ng Tibet at pagtutugtog ng pluta at tradisyunal na instrumentong pipa.
Si Tomasito Umali, Tourism Attache (kanan) habang kinakapanayam ni Mac Ramos ng Serbisyo Filipino, CRI
Katuwang ng Pasuguan ng Pilipinas ang Department of Tourism- Beijing sa Ni Hao Philippines ngayong taon. Sinabi ni Tomasito Umali, Tourism Attache, "Naniniwala akong matatamo ng Pilipinas at Tsina ang pangmatagalang partnership at benefitial relationship sa pagitan ng mga mamayan kung ang pagsisimulan ng magandang ugnayan ay mga kabataan."
Sina Tourism Attache Tomasito Umali (gitna) at Deng Chengpu (kaliwa) sa pagpapalitan ng mga regalo
Habang nagpapalitan ng mga regalo, tinanggap ni Umali ang isang makabuluhang calligraphy. Ito ay mula kay Deng Chengpu, 15 taong gulang na estudyante ng Keystone Academy sa Beijing. Ani Umali ang translation ng calligraphy sa Ingles ay "No matter what happens, we can overcome it." Akmang akma para sa relasyon ng Pilipinas at Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |