Kapag naghanap ng kakanin o kaya ay tipo ng cake na nakasanayan sa Pilipinas, isang brand sa WeChat, sikat na social messaging APP sa Tsina, ang sasagi sa isipan. Ito ang Sweet Indulgence ni Leng Zhao.
Si Leng Zhao (sa harapan), kasama si Mac Ramos (sa likoran)
Sa Pilipinas, kwento ni Leng, nagsimula siya sa buying and selling ng baked goods lalo na kapag panahon ng Kapaskuhan. Pero nang nagdesisyon siya at asawang Tsino na si Ric na permanenteng manirahan sa Beijing noong 2012, ang libreng oras ay ginugol niya para mag-bake. Matapos ang maraming trial and errors, nahuli niya sa wakas ang tamang lasa na papatok sa mga Tsino. Dito nagsimula ang sariling baked products business kilala ngayon bilang Sweet Indulgence. Bukod sa cakes, mabili rin ang mga traditional rice cakes ni Leng.
Bilang isang entrepreneur, alamin natin ang mga struggles ni Leng Zhao at kung paano niya binabalanse ang demands ng isang stable job at ang pagtugon sa hilig niyang gumawa, from scratch ng baked goodies sa programang Mga Pinoy sa Tsina.