|
||||||||
|
||
Nagsimula Hunyo 7 at magpapatuloy hanggang Hunyo 15, 2019 ang Philippine Food Festival sa Makan Kitchen ng Hilton Beijing.
(L-R) Sina Ambassador Jose Santiago Sta. Romana, Chef Aaron Valeroso, Chef Armando Marca IV, Chef Joseph Ledesma, at General Manager Stefan Schmid ng Hilton Beijing
Tatlong Pilipino Chefs na mula sa Conrad Manila ang kasalukuyang nasa Beijing upang itampok ang natatanging mga putahe at panghimagas na Pinoy. Ito ang unang dalaw nila Armando Marca IV, Aaron Valeroso, Joseph Ledesma sa Beijing at una ring paglahok sa Pinoy food fest sa ibang bansa.
Umaasa ang tatlong dumadalaw ng chefs na maa-appreciate ng mga bisita ang kanilang efforts, magiging proud ang mga Pinoy sa pagpapakilala ng mga lutuing sariling atin at higit sa lahat ay mag-eenjoy ang lahat sa kanilang pagsasalu-salo.
Ang Philippine Food Fest ay 2 taong nang idinadaos ng Makan Kitchen ng Hilton Beijing, sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy at Conrad Hotel Manila. Ibinahagi ni Stefan Schmid, General Manager ng Hilton Beijing ang kanyang kasiyahan na maging bahagi ng aktibidad ng mga Pilipino.
Samantala sa kanyang speech, sinabi ni Aaron Valeroso na lubos nilang ikinalulugod na maging bahagi ng Philippine Promotion Week. Ibinahagi niyang ang Pilipinas ay isang unique melting pot ng magkakaibang kalinangan at tradisyon sa pagluluto na makikita sa 7,641 isla ng bansa. Masaya siyang ibahagi ang mga signature creations na Pinoy na Pinoy at inihahaing mula sa kanilang mga puso. Pakinggan ang kanilang mga pahayag sa ekslusibong panayam ni Mac Ramos para sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |