![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ang Dazhao Temple ay nasa matandang lunsod ng lunsod ng Huhehaote, punong lunsod ng Inner Mongolia. Sa wikang Mongoliyano, tinatawag itong Yikezhao na nangangahulugang malaking templo. Itinatag ang Dazhao Temple noong taong 1580, Ming Dynasty ng Tsina. Katangi-tangi ang arkitektura ng Dazhao Temple, idinadambana nito ang isang pilak na istatuwa ng Sakyamuni, kaya, tinatawag pa itong templo ng pilak na buda. Nakolekta ng Dazhao Temple ang maraming cultural relics na naging mahalagang materyal sa pag-aaral ng kasaysayan ng lahing Mongolia at kulturang panrelihiyon.
Ang Dazhao Temple ay sumasaklaw ng mahigit 30 libong metro kuwadrado. At ang floor area nito ay umabot sa mahigit 8 libong metro kuwadrado ang floor area. Ang pangunahing bulwagan ay tanging lama temple na pinag-isa ng istilo ng lahing Han at Tibet. Sa mga cultural relics sa Dazhao Temple, ang pilak na buda, iskultura ng dragon at Wall painting ay pinakakilala na itinuturing na tatlong kababalaghan ng Dazhao Temple.
Ukol sa mahalagang katayuan ng Dazhao Temple sa sirkulong panturista ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia, isinalaysay ni G. Burenbat na:
"Nagkaroon ang Dazhao Temple ng di-mahahalinhang papel sa pagpapatuloy ng kaugaliang panrelihiyon ng lahi at bayan at ito ay isang nakaaakit na bahagi sa pagpapasulong ng industriyang panturista ng Inner Mongolia.
May isang tradisyonal na aktibidad na panrelihiyon ang Dazhao Temple-sayaw ng enkantada. Ang sayaw na ito ay may maraming pahiwatig: pagpapalayas ng sama, pagdiriwang ng ani, pagbati sa kinabukasan at iba pa. Bawat Enero at Hunyo sa kalendaryong Tsino, idaos ng Dazhao Temple ang malaking aktibidad ng sayaw ng enkantada. Sa panahong iyan, ang mga monk doon ay naka-espesyal na kasuutan at maskara at nagpapanggap na hitsura ng iba't ibang enkantada at nagsasayaw sa pagsaliw ng torotot, gong at iba pang instrumentong musical. Seryoso't masigla ang tagpo. Ganito ang sinabi ni Lamang Jin Cheng na:
" Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng pagkukumpuni at pagbuti ng kapaligiran ng Dazhao Temple, hinihikayat nito ang maraming manlalakbay at pilgrims mula sa loob at labas ng bansa. Malaki ang kagustuhan ng mga mamamayan sa sayaw ng enkantada, pagdasal at ibang pang aktibidad na panrelihiyon."
Nitong ilang taong nakalipas, naglaan ang pamahalaan ng Inner Mongolia ng malaking pondo at nagsagawa ng malawakang pagkukumpuni sa Dazhao Temple, nagiba ang maraming panganib, lumang bahay at mga arkitekturang komersiyal sa paligid ng temple, nang sa gayo'y muling lumitaw ang kahanga-hangang bighani ng Dazhao Temple.
Walang humpay na lumalaki ang bilang ng mga turista sa Dazhao Temple. Ipinalalagay ni Cui Jin, isang manlalakbay na ang katangiang panrelihiyon dito ay isang pangunahing elementong hinihikayat ang mga manlalakbay. Sinabi niyang:
"Kung mapapanatili ang kasaysayan ng bawat templo, malalaman ng mga mamamayan ang kultura sa lokalidad, ito ay pamanang pangkultura."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |