|
||||||||
|
||
Noong taong 1745, sa kanyang daan pauwi mula sa Tsina, lumubog ang Gotheborg, isang bapor na komersyal ng Sweden. Pagkaraan ng 241 taon, nang sisirin ang mga paninda sa nasabing bapor, kagulat-gulat na natuklasan ng mga maninisid na maiinom pa ang mga green tsaa ng Tsina na nakahimlay sa ilalim ng tubig nang mahigit 200 taon at mabango pa. Isa sa nasabing mga tsaa ay Wuliqing na galing sa Bundok Xianyu ng lalawigang Anhui sa Gitnang Tsina.
Nang umalaalang muli ng kalagayang iyan, sinabi ni Max Larsson, isa sa mga maninisid sa pakilahok sa nasabing gawain ng paninisid na:
"Natuklasan namin ang 370 toneladang matadang tsaa ng Tsina sa mga labi ng Gotheborg, idinaos namin ang isang pagtitipon para tumikim ng tsaa, napakaganda ng lasa nito."
Ang wuliqing ay isa sa mga mahal na uri ng tsaa na tanging natatagpuan lamang sa Bundok Xianyu. Umabot sa mahigit 1300 metro ang pangunahing tatuktok ng Bundok Xianyu at ito ay isang purok na panturista na may tanawing ekolohikal at kultural. mahaba ang kasaysayan ng Bundok Xianyu na pinagtataniman ng tsaa.
Ayon sa materyal na pangkasaysayan, pinagtanim na ang Bundok Xianyu ng tsaa mula taong 300 AD, marami ang uri ng tsaa na ipinoprodyus ng Bundok Xianyu, bukod ng Wuliqing, kinala-kilala rin ang Qinmen black tea.
Hindi lamang espesyal ang bango ng tsaa ng Bundok Xianyu, kundi mayroon ito ng maraming elemento na nakakabuti sa katawan ng tao. Ang mga ito ay utang sa espesyal na heograpiya, panahon at kapaligiran ng bundok. Ang Bundok Xianyu na sagana sa magandang tanawin ay tinawagang purok na pinaninirahan ng mga bathala.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |