|
||||||||
|
||
Sa salitang Mongolian, ang Hohhot ay nangangahulugan ng "luntiang lunsod". Ang Xiongnus, Xianpeis, Tujues at iba pang minority nationalities ng sinaunang Tsina ay nanirahan dito sa mga siksikang komunidad na nagbigay sa lunsod ng mayamang pamana ng pambansang kultura. Ang Hohhot sa kasalukuyan ay isnag sentro ng tela. Ang iba pang industria dito na nagtamong malaking progreso ay kinabibilangan ng katad, asukal, paggawa ng makinarya, asero at pagpoproseso ng mga produktong galing sa hayop.
Sa mga lugar na pang-akit sa mga turista, ang unang-unang ipinagmamalaki ng Hohhot ay ang Dazhao Temple. Ang templong ito ay nasa lumang lunsod ng Hohhot. Itinayo noong 1580 at pinalawak sa mga unang taon ng Qing Dynasty, ang templo ay binubuo ng ilang bulwagan at may siya-na-silid na gusali. Ito ay naglalaman ng maraming mahahalagang relikya ng kinabibilangan ng pilak na istatuwa ng Buddha at ng tubog sa bakal na leon.
Nandito rin sa lumang lunsod ng Hohhot ang Diamond Throne Dagoba na tinatawag ding Wu Dagoba. Ito ay isang istruktura na yari sa bricks at may taas na 13 metro. Ang ibabang bahagi ng Dagoba ay napalilibutan ng Vajrasana o diamond Sutra sa Mongolian, Tibetan at Sanskrit. Sa likod ng Dagoba ay may isang screen wall na napalilibutan ng isang astronomical chart na inukit sa bato na kawili-wili dahil sa kahalagahang historikal nito.
Matatagpuan naman sa labas ng hilagang tarangkahan ng lumang lunsod ng Hohhot ang Grand Mosque. Ang konstruksiyon ng moske ay sinimulan sa panahon ng paghahari ni Emperor Qian Long, A.D. 1730-1795, ng Qing Dynasty noong ang malaking bilang ng mamamayang Hui ay lumipat mula sa Xinjiang patungo sa Hohhot. Itinatahan ng Moske ang 30 kopya ng Koran sa Arabic.
Isa pa ring pang-akit sa mga turista ang Wutusuzhao Temple. Ito ay nasa katimugang paanan ng kabundukan ng Daqing, 10n kilometro sa hilagang-kanluran ng Hohhot. Ito ay binubuo ng limang marilag na monasteryo na ang una ay itinayo sa huling bahagi ng Ming Dynasty noong 1583 samantalang ang konstruksyon naman ng huling dalawa ay naganap sa panahon ng Qing Dynasty, noong 1725.
May isang pagoda pa rin sa silangang karatig ng Hohhot sa kanluran ng isang village na tinatawag na Baita. Ang pagodang ito na yari sa bricks at kahoy ay may pitong palapag, at itinayo sa panahon ng paghahari ni Empero Shen Zong, A.D.983-1031, ng Liao Dynasty. Ang panlabas na dingding ng una at ikalawang palapag ay napalilibutan ng pigura ng Buddha, heavenly kings at iba pang legendary figures na inukit sa bricks. Ang panloob na dingding ng unang palapag ay nadedekorasyon ng mga inskripsiyon na iniwan ng mga bisita sa wikang Tsino, Qidan, Nuzhen, Mongolian, Ancient Syrian at Persian.
Hindi dapat mawala sa itinerary ng sinumang bibisita sa Hohhot ang Zhaojun Tomb. Ang libingan ito ay nasa katimugang pampang ng Ilog Dahei, 9 na kilometro sa katimugan ng Hohot. Kung titingnan sa malayo, ang labas ng libingan ay parang dark green. Kaya ito ay tinawag na "green tomb".
Si Wang Zhaojun ay isang abay na pandangal sa palasyong imperyal ng Han Dynasty. Noong 33 B.C., inialok ni Huhanxie Chanyu, ang puno ng Xiongnus, ang ugnayan ng mabuting pagsasamahan sa Han Court sa pamamagitan ng kasalan. Noong pakasalan ni Zhaojun si Huhanxie, dinala niya ang mayamang kultura ng Central China Plain sa mamamayang Xiongnus sa hilaga.
Ang Zhaojun Tomb ay katulad ng imperial tombs ng Han Dynasty na itinayo sa gitnang kapatagan ng kaharian. May mga pabilyon sa paligid ng libingan kung saan maaaring magpahinga ang mga bisita. Ang mga relikyang kultural na nagpapagunita kay Zhaojun ay nakatanghal sa isang exhibition roon sa malapit.
Dalawa ang pangunahing hotel na tinutuluyan ng mga bumibisita sa Hohhot: ang Hohot Hotel sa Yingbin Road at ang Xincheng Hotel sa South Hulun Road.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |