|
||||||||
|
||
Sa isang welcome meeting na idinaos sa Beijing noong ika-17 ng buwang ito, magkakasamang inawit "You and Me", theme song ng 2008 Beijing Olympic Games ng halos 40 batang Tsino na inampon ng 34 na dayuhang pamilya na galing sa Estados Unidos, Britanya, Canada, Denmark, Netherlands at Norway. Sa kasalukuyan, sinimulan nila at kanilang tagaampon ang halos kalahating buwang biyahe sa Tsina para bumisita sa kanilang lupang-tinubuan.
Ang karamihang ampong Tsino ay galing sa ampunan ng Yangzhou ng lalawigang Jiangsu. Ang biyaheng ito'y nagkaloob ng pagkakataon sa kanila na umuwi sa kanilang lupang-tinubuan para bisitahan ang ampunan nila at madama ang pagbabago ng Tsina.
Ang 12 taong gulang na si Rate ay isa sa kanila at ito'y kauna-unahang pagbalik niya sa Tsina pagkaraang ampunin siya. Nang mabanggit ang impresyon sa Tsina, sinabi niya na
"Sa palagay ko, maganda ang Tsina at iniibig ko ito. Nakakita ako ng maraming Tsino na kamukha ko."
Sa kasalukuyan, hindi nakapagsalita si Rate ng wikang Tsino, datapuwa't nananatili pa rin ang likas na damdamin niya sa Tsina. Sa kanyang pananatili sa Beijing, bumisita si Rate at ang kanyang mga tagaampon sa mga bantog at makasaysayang pook na gaya ng Tian'anmen Square, Great Wall at Bird's Net. Sa susunod, babalik siya sa ampunan ng Yangzhou.
Nang mabanggit ang orhinal na layunin ng biyaheng ito, sinabi ni Guo Jiamin, opisiyal ng tagapag-organisa nito, na
"Habang nananatili ang naturang mga ampon sa ibang bansa, gustong-gusto nilang malaman ang kalagayan ng kanilang lupang tinubuan. Kaya inorganisa namin ang biyaheng ito para magkaloob ng isang pagkakataon sa kanila para umuwi sa kanilang lupang-tinubuan at malaman ang kulturang Tsino at ito'y nakakabuti sa kanilang paglaki."
Ang ina ni Rate na si Jeilyn Bunman ay isang Amerikano. 6 na taon ang nakararaan, inampon niya at ng kanyang asawa ang 6 na bata na galing sa ibang bansa. Ipinahayag niya na makabuluhan ang biyaheng ito, dahil para kay Rate, ito'y kauna-unahang pagkakita niya ng maraming kamukha niyang Tsino sa halip ng isang ina lamang na may gintong buhok at asul na mata. Nang mabanggit ang dahilan ng pag-ampon ng batang Tsino, sinabi niya na mahusay si Rate at siya'y nagdudulot ng maraming kasiyahan sa kanyang buhay. Sinabi niya na
"Iniibig namin ang bata at kinakailangan ng naturang kaibig-ibig na bata ang isang pamilya. Nakapagbibigay-tulong kami sa kanila at kasabay nito, nagbibigay sila ng walang hanggang kaligayahan sa amin. Salamat sa biyaheng ito, ito'y nakakatulong sa pagiging mas mabuti ng buhay ni Rate."
Sapul noong ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, batay sa prisipyong ipauna ang kapakanan ng mga bata, isinagawa ng pamahalaang Tsino ang gawain ng pag-ampon ng mga dayuhan ng batang Tsino. Isinagawa ng may kinalamang departamento ang imbestigasyon sa mga dayuhan na mag-aplay para ampunin ang batang Tsino sa mga aspeto na gaya ng lagay ng pamilya, pag-aasawa at pagkita para pilhin ang pinakamabuting pamilya na magkapagkaloob sa naturang mga ampunang Tsino ng mas mabuting kapaligiran ng pamumuhay, pag-aaral at paglaki.
Sa nabanggit na welcome meeting, espesyal na pinasalamatan ni Dou Yupei, pangalawang Ministro ng mga suliraning pansibil ng Tsina, ang pag-ampon ng mga dayuhan ng mga batang Tsino. Sinabi niya na
"Ang Tsina ay isang umuunlad na bansa. Dahil sa likas na kapahamakan, kahirapan at iba pa, nawalan ang ilang bata ng kanilang pamilya, itinayo ng pamahalaang Tsino ang maraming ampunan para alagaan ang naturang mga bata. Datapuwa't nadama namin na kahit mabuti ang kondisyon ng mga ampunan, ngunit hindi maihahambing sa pamilya. Kaya hinanap namin ang mga pinakamabuting pamilya sa loob at labas na bansa para alagaan sila. Sa kasalukuyan, ikinagagalak kong makitang tanggapin ng naturang mga ampong Tsino ang mabuting pag-alaga at malusog na lumaki sila."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |