|
||||||||
|
||
Ang pinakaromantikong pista sa daigdig ay araw ng mga puso na natatapat sa ika-14 ng Pebrero ng bawat taon. Sa kasalukuyan, ang pistang ito ay naging popular para sa mga batang Tsino at sa araw na ito, laging makikitang ang mga magkasintahang Tsino na may hawak na rosas.
Nang pumasok sa Pebrero, namamayani ang romantikong atmospera sa araw ng mga puso sa mga lunsod ng Tsina. Nagsimulang maghanda ang mga Tsino ng regalo para sa kanilang kasintahan, abalang abala ang mga magtitinda ng mga may kinalamang regalo sa pistang ito. At may handog pa silang mga aktibidad na gaya ng sayaw sa parke para sa mga magkasintahan. Bago sumapit ang araw na ito, nagsimula na ang mga tindahan ng bulaklak na tanggapin ang pag-oorder ng rosas ng araw ng mga puso. Ang rosas ay may iba't ibang magandang pangalan na gaya ng Snow White, Green Beauty na nagpapahiwatig ng romansa. Sinabi ni Jia Hongli, amo ng isang tindahan ng bulaklak sa Beijing, na bago ang araw ng mga puso, naghanda na sila ng ilampung uri ng bulaklak para sa mga mamimili. Sinabi niya na
"Ang bawat araw ng mga puso ay pinakamagandang panahon ng pagbebenta ng mga bulaklak sa isang taon."
Sa araw ng mga puso ng Tsina, bukod ng mga bulaklak, nagpapalitan pa ang mga magkasintahan ng regalo. Si Liu Xinxin ay isang guro ng Beijing Union University. Ang araw ng mga pusong sa taong ito ay kauna-unahang araw na ito pagkatapos ng pag-aasawa niya. Naghanda nang maaga siya ng isang regalo na puno ng pagmamahal. Sinabi niya na
"Para sa araw ng mga puso sa taong ito, naghanda ako ng isang album para sa aking asawa na inilakip ang aming mga larawan nitong 7 taong nakalipas at isinama pa ang ilang pangungusap sa aking talaarawan bilang pasasalamat sa kanya."
Si Gao Yuan ay asawa ni Liu, sinabi niya na noong araw na iyon, matunog na sinigwan niya ang kanyang asawa ng "mahal kita" sa purok na pampubliko ng Beijing sa harap ng maraming tao. Nang sariwain ni Liu ang tagpong iyon noon, sinabi niyang kahit nahihiya siya sa sandaling ito, puno ng kasayahan ang kanyang loob. Ipinalalagay niya na ang araw ng mga puso ay nagsisilbing magandang pagkakataon ng pagpapalalim ng damdamin sa pagitan ng mga kasintahan.
Sa kasalukuyan, dumarami nang dumaraming magkasintahan ay pumili na magpalipas ng kanilang araw ng mga puso sa labas ng kanilang tahanan. Noong nagdaang sabado ay araw ng mga puso, inorganisa ng mga mangangalakal ng Tsina ang mga makulay at mayamang aktibidad para sa mga magkasintahan. Sinabi ni Zhang Chengbao, chief art supervisor ng Happy Valley, pinakapopular na nakalilibang na parke ng Beijing, na
"Sa araw ng mga puso ng taong ito, may inihandog kaming maraming aktibidad para sa mga magkasintahan na gaya ng maringal na seremonyang panalubong, pagkanta ng grupo ng magkasintahan, pag-aalay ng mga tungkos ng rosas at paligsahan ng halik ng mga magkasintahan at may mga gantimpala."
Sa araw ng mga puso ng taong ito, idinaos ng mga shopping mall o SM ng Tsina ang iba't ibang aktibidad para sa mga magkasintahan na gaya ng sale promotion, libreng pagbibigay ng rosas at iba pa.
Sa international Sculpture Park ng Beijing, inihanda ang isang masked ball para sa mga magkasintahan. Sinabi ni Zhang Heng, namamahalang tauhan nito, na
"Inihanda namin noong araw ring iyon ang isang masked ball at inaanyayahan ang ilang banda para sa pag-awit ng mga matandang love songs. Umaasa kaming sa pamamagitan ng naturang mga aktibidad, maihahatid sa mga mamamayang Tsino ang atmospera ng araw ng mga puso."
Bukod ng pagpapahayag sa isa't isa ng kamahalan, ang aktibidad na kultural ay naging isa sa mga pagpili ng mga magkasintahang Tsino para mapalipas ang araw ng mga puso. Upang salubungin ang pistang ito, espesyal na naghanda ang mga sinehan ng Tsina ng maraming love films sa loob at labas na bansa. Kasabay nito, ang mga magkasintahan ay nakapagtamasa ng ibang mga aktibidad na kultural na gaya ng vocal concert ng popular star, romantikong dula at dayuhang symphony orchestra. Noong nagdaang araw ng mga puso, ang mga magkasintahang Tsino ay nagkaroon ng isang romantiko at masayang araw.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |