|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, mga 20 milyong migrant workers ng Tsina ay nawalan ng trabaho dahil sa masamang kalagayang pangkabuhayan. Para tulungan ang naturang mga migrant workers na muling maghanap ng trabaho, pagkaraan ng Spring festival, ipinalabas ng Tsina ang no.1 sentral na dokumento sa taong 2009 na nagpokus sa isyu ng agrikultura, kanayunan at magsasaka. Sinabi ni Chen Xiwen, opisyal na namamahala sa agrikultura ng Tsina na sa bagong taon, magsasagawa ang Tsina ng mabisang hakbangin para panatilihin ang sustenableng paglaki ng kita ng mga magsasaka
"una, enkorahehin ang mga bahay-kalakal sa mga lunsod at rehiyon sa babaying dagat na hindi tanggahin ang mga migrant workers, ikalawa, ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon ng pagsasanay para palakasin ang kanilang kakayahan ng pagtatrabaho, ikatlo, ang konstruksyon ng pubulikong pasilidad ay tumanggap hangga't maaari ng migrant workers at ikaapat, tulungan ng pamahalaan ang mga migrant workers na mag-negosyo. "
At isinasagawa ang naturang mga hakbangin sa iba't ibang lugar ng Tsina. Katulad ng lalawigang Jiangxi, napag-alaman ng mamamahayag mula sa lokal na departementong agrikultural, na sa kasalukuyan , pinaplano ng lalawigang Jiangxi na i-arrange ang 200 milyong yuan RMB na pondo para sa pagsasanay sa balikbayang migrant workers.
At bilang tugon sa pangangailagan ng muli-pagkahanap-buhay ng mga migrant workers pagkaraan ng spring festival, pinasusulong ng ilang lalawigan ng Tsina ang muling paghahanap-buhay ng mga migrant workers sa pamamgitan ng pagdaraos ng job fairs, pagkakaloob ng impormasyon hinggil sa empleyo, serbisyo at iba pang paraan.
Bukod sa isyu hinggil sa mga migrant workers, ang isyu ng paghahanap-buhay ng mga graduates ng mga unibersidad ng Tsina ay isang problema na kinakaharap ng pamahalaan. Sa 5.6 milyong graduates noong nakaraang taon, 1.5 milyong tao ang walang matatag na trabaho. Sinabi ni Fu Yannan, isang graduates sa taong ito, na :
"Kumpara sa nangakaraan taon, hindi optimistiko ang kalagayan ng paghahanap-buhay."
At hinggil dito, iniharap ng pamahalaang Tsino na mula taong ito, i-oorganisa ang 1 milyong graduates na hindi makahanap ng trabaho na lumahok sa practical trainning , at eekorahehin ang mga bahay-kalakal na umupa muna ng mga graduates na nasa ilalim ng practical training. Bukod dito, eekorahehin ang mga graduates na mgatrabaho sa nakabababang yunit. Isinalaysay ni Xu Mei, tagapagsalita ng ministri ng edukasyon, na :
"Ang naturang plano ay kinabibilangan ng pagpapasigla ng mga graduwado sa paglilingkod sa kanlurang Tsina bilang boluntaryo sa agrikutura, sa edukasyon at sa gawaing medikal at pagtulong sa mga mahihirap, at iba pa."
Sinabi ni Yin Chengji, tagapagsalita ng Ministri ng labour resources at social security ng Tsina, na kasabay ng pagbubuti ng kabuhayan ng Tsina, unti-unting bubuti rin ang kapailgiran ng paghahanp-buhay.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |