Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Batang Tsino, nagpupunyagi para sa kanilang hangaring pansining

(GMT+08:00) 2009-04-10 14:26:34       CRI

Malamig na malamig ang panahon ng Tsina sa Pebrero, datapuwa't masiglang masigla ang tagpo ng pagpapatala sa entrance examination ng iba't ibang kilalang kolehyong pansining ng Tsina. Upang isakatuparan ang kanilang hangaring pansining, sa kabila ng matinding lamig, libu-libong bata ang naghinhintay sa harap ng mga kolehyong pansining para tanggapin ang interbyu. Ang maapoy ng tagpong ito ay naging isang penomonong panlipuan na dapat bigyan ng pansin.

Ang 19 taong gulang na si Li Ning ay taga-Shandong, isang lalawigan sa dakong silangan ng Tsina. Siya ay isa sa ilampung libong batang lumahok sa entrance examination ng kolehyong pansining. Bago ang pambansang eksam ng pamantasan sa Hunyo bawat taon, ang mga nagpapatala sa espesiyalidad na pansining ay dapat lumahok muna sa espesyal na eksam na pansining ng mga pamantasan. Sa kasalukuyan, ang sangkatlo ng mahigit 1800 kolehiyo at pamantasan ng Tsina ay may mga subdyekt na pansining na gaya ng musika, sayaw, pagpipinta, palabas, broadcaster. Sa lalawigang Shandong lamang, halos 150 libong bata ang nagpatala sa paglahok sa eksam na pansining ng mga pamantasan. Kaya sa landas ng pag-aaral, ang malaking hirap at mas maraming panahon ang inialay ng mga naghahangad na maging isang estudyante sa espesiyalidad na pansining kumpara sa iba pang estudyante.

Noong nakaraang 3 taon, nang manood si Li ng sayaw na 4 na lalaki at naakit siya. Nang sariwain ang damdamin niya iyon noon, sinabi niya na

"Cool. Naantig nang husto ako. Gayon lamang ang ganda ng sayaw ng mga lalaki. Sa sandaling ito, umusbong sa puso ko ang pangarap sa magiging isang mahusay na mananayaw sa hinaharap."

Mula noon, ipinasiya ni Li na matuto sa pagsasayaw. Kahit nabigla ang kanyang mga magulang sa kapasiyahan niya, iginalang ito nila at ipinadala siya sa pinakamabuting dance training school sa lokalidad.

Para sa isang taong ginawang espesiyalidad ang pagsasayaw, ang 15 taon gulang ay hindi ankop na gulang sa pagtuto ng pagsasayaw dahil nabuo nang ganap na ang katawan. Ang anlinmang saligang pagsasanay ng pagsasayaw ay puno ng kahirapan at kapaguran para kay Li. Noong unang dalawang taon si Li sa high school, nag-aral siya sa paaralan bawat araw at pagkatapos ng kanyang pag-aaral, nag-aral siya ng pagsasayaw bawat gabi. Noong huling taon siya sa high school, buong araw na ang ginugol niya sa pagsasanay sa dance school. Sinabi niya na

"Mula alas-7 hanggang alas- 11'y medya bawat umaga, gumawa ako ng saligang pagsasanay at mula alas-1'y medya hanggang alas-5'y medya bawat hapon, nagpraktis ako ng mga taktika at katha ng sayaw. Mula alas-7 hanggang alas-9'y na medya bawat gabi, ipinakita ko sa aking guro ang tungkol sa pagsasanay ng buong araw."

Sa taong iyon, liban sa oras sa pagkain at pagtulog, ang iba pang malayang oras ni Li ay ginamit para magpraktis ng pagsasayaw. Katulad ng kanyang mga kaklase, sa isang banda, nag-aaral si Li Ning sa high school ng mga kursong kompulsaryong gaya ng Chinese, math, Ingles at pisika, sa kabilang banda naman, nagpraktis siya ng pagsasayaw sa dance training school upang maghanda para sa espesyal na eksam na pansining.

Upang pataasin ang lebel ng pagsasayaw ng mga batang ito bago ang espesyal na eksam na pansining, dinana ng guro ni Li Ning sina Li sa Beijing para mapahusay ang kanilang teknika sa pagsasayaw. Upang matuto nang mas marami sa pinakamaiksing oras, sina Li ay sumailalim na sa matingding traing class sa loob ng 2 linggo. Sa panahong iyon, 15 oras bawat araw ang ginamit nina li para sa pagsasayaw. Sinabi niya na

"Mahalaga ang pagkakataon ng pagtuto sa mga guro ng Beijing. Hindi dapat mag-aksaya kami ng kahit isang minuto. Kahit pagod na pagod kami tuwing gabi, isinulat namin ang lahat ng itinuro ng guro sa buong araw para paulit-ulit na repasuhin at magpraktis."

Sinabi ni Li na mapagod ang pamumuhay sa Beijing, pero para sa kanya, kay bilis ng paglipas ng oras at iilan araw na ang natitira para sa kanilang paglahok sa espesyal na eksam na pansining na may masidhing kompetisyon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>