|
||||||||
|
||
Sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina noong 1978, mahigit 1 milyong Tsino ay pumunta sa ibayong dagat para mag-aral at humanap ng landas ng pagiging talento at pagpapayabong ng nasyong Tsino. Pagkatapos ng kanilang pag-aral, umuwi ang ilang bahagi ng mga estudyanteng ito para maglingkod sa inangbayan at aktibong lumahok sa konstruksyong pangkabuhayan ng Tsina. Ang kanilang sulong na karanasan at ideyang pinulot mula sa ibayong dagat ay gumanap ng mahalagang papel sa proseso ng pagmomodernisa ng bansa. Ang mga mag-aaral na ito ay tinawag sa Tsina na mga balik-bayang mag-aaral Tsino.
Si Wang Huiyao ay pangalawang puno ng Western Returned Scholars Association ng Tsina o WRSA at puno ng Chamber of Commerce ng WRSA o WRSACC. Ang kanyang karanasan ng pag-aaral sa ibayong dagat at pagsisimula ng negosyo sa loob ng bansa ay nagsisilbing microcosm ng buhay ng mga balik-bayang mag-aaral.
Si Wang ay unang pangkat na estudyante ng pamantasan pagkaraang mapanumbalik ng pamahalaang Tsino ang sistema ng pangangalap ng mga estudyante ng pamantasan sa pamamagitan ng pambansang eksam at bukod dito, siya ay isa rin sa unang panghat na estudyante na pumunta sa ibayong dagat para mag-aral ng MBA. Sinabi niya na
"Noong panahong iyon, nalaman kong may MBA subject sa ibayong dagat na sumasaklaw sa kaalaman ng pangangasiwa, pag-oorganisa, pinansiya at personnel affairs. Sa tingin ko, mabuti ang subdyekt na ito, kaya ipinasiya ko na pumunta sa ibayong dagat para mag-aral."
Nang tapusin ang kanyang kurso sa pamantasan, ang unang pagpili ni Wang ay manatili sa ibayong dagat para maghanap-buhay at pagkatapos, nagtrabaho siya sa mga transnasyonal na bahay-kalakal at departamento ng pamahalaan sa loob at labas ng bansa. Datapuwa't sa sandali ng pagiging maalwan ng kanyang karera sa ibayong dagat noong kalagitnaan ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, tahasang ipinasiya niya na umuwi para sa pagsisimula ng sarili nitong negosyo, sinabi niya na
"Sa palagay ko, ang panahong iyon ay isang mabuting pagkakataon, dahil kasunod ng pag-unlad ng Tsina, kinakailangan ang mas maraming talentong internasyonal at dagdag pa, lumaki ako sa loob ng bansa, minamahal ko ang sariling inangbayan."
Bilang isang balik-bayang mag-aaral na pinakamaagang umuwi para sa pagsisimula ng negosyo, natural lamang na binibigyan niya ng pansin ang mga katulad nito. Ipinalalagay niya na ang naturang mga balik-bayan ay naging isang malaking bagong sirkulo at isang mahalagang puwersa sa lipunan ng Tsina. Gumaganap sila ng malaking papel sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino at pagbabago ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Gusto niyang pagbuklurin at pasiglahin ang mga balik-bayang mag-aaral na iugnay ang kanilang sariling karera sa pag-unlad ng Nasyon at bansa, sinabi ni Wang na
"Nitong nangakaraang taon, isinagawa ko ang mga gawaing pampubliko at kasabay nito, higit akong intersado sa pananaliksik sa mga balik-bayang mag-aaral. Sa tingin ko, ang penomeno ng balik-bayang mag-aaral ay nagpapakita ng pagiging internasyonal ng Tsina at isang natatanging penomino ng 30 taong reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas."
Simula ng ika-21 siglo, nagiging mas mabilis ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino at lumalaki nang husto ang bilang ng mga balik-bayang mag-aaral na umuwi para sa pagsisimula ng negosyo sa Tsina at ito'y naging isang mainit na tunguhin. Sa ilalim ng kalagayang ito, noong Oktubre ng 2002 itinatag ni Wang ang WRSACC, organisasyon para sa paglilingkod sa balik-bayang mag-aaral.
Sa kasalukuyan, nagbibigay si Wang ng mas maraming pansin sa mga aktibidad na panlipunan at pananaliksik sa mga balik-bayang mag-aaral na Tsino. Bukod dito, siya ay visiting professor sa 5 pamantasan ng Tsina, gusto niyang isalin ang lahat niyang karanasan sa mga estudyante para maging talento sila sa lalong mdaling panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |