Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Michael M Yu, tagapanguna sa foreign language training program ng Tsina

(GMT+08:00) 2009-04-10 14:40:21       CRI

Ang 30 taong reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina ay nagtulak sa maraming Tsino sa paggagalugad ng kanilang sariling kahalagahan at bunga nito'y nabago ang nilang kapalaran. Si Michael M Yu ay isa sa kanila. Mula isang maralitang lalaki hanggang sa pagiging Chairman of the Board ng New Oriental Education and Technology Group, pinakamalaking institusyong pang-edukasyon ng Tsina para sa pagsasanay ng mga mag-aaral na nakahandang mag-aral sa ibayong dagat, at itinuturing siya bilang tagapanguna sa foreign language training program ng Tsina.

Noong 1980, pagkatapos ng 3 beses na pambansang pagsusulit, si Michael Yu ang tinanggap sa Peking University, pinakamabuting unibersidad sa Tsina. Mula noo'y nahaharap siya sa pagsubok ng kapalaran at humuhugot ng lakas mula sa kahirapan.

"Bata ako galing sa nayon at pagkaraan ng tatlong beses na pambansang pagsusulit, pumasok ako sa wakas sa Peking University. Noong panahong iyon, mas mahusay kaysa sa akin ang aking mga kaklase sa pag-aaral. Napakahamak ko."

Dahil walang kaibigan at buhay-romantiko, lahat ng panahon niya'y ginamit sa pag-aaral. Bumasa siya ng maraming libro at natamo ang maraming kaalaman at lakas. Nang balik-tanawin ang pamumuhay noon, nalilipos siya ng pasasalamat sa panahong iyon. Sa kanyang talumpati sa Peking University noong 2008 bilang namumukod na graduwado, sinabi niyang: "Binago ng Peking University ang aking buong pamumuhay. Nag-iwan ito sa akin ng maraming maganda't mapait na alaala. Sa mga ito'y nakahanap ako ng aking sarili at nagsimula ako na makapag-ambag sa sarili, pamilya at lipunan. "

Pagkatapos ng 4 na taong pag-aaral, nanatili si Yv sa Peking University bilang isang guro. Nang panahong iyon, naging moda ang pagpunta sa ibayong dagat para mag-aral. Para matugunan ang tunguhing iyon, unti-unting nangagsulputan sa mga lugar na kinaroroonan ng mga pamantasan at kolehiyo ang mga institusyon para sa English training. Nagbitiw si Yv sa Peking University at sumapi sa mga institusyong ito upang magturo ng Ingles hanggang noong 1993, kung kailan nakahanda siyang itatag ang kanyang sariling paaralan. Sinabi niyang:

"Iniisip kong puwede kong itatag ang mas mabuting paaralan, kasi: una, mabuti ako sa aking mga mag-aaral at ikalawa, gusto ng mga mag-aaral ang aking pagtuturo."

Dahil sa kanyang pagsisikap at katigayahan, matagumpay na itinatag niya ang kanyang paaralang New Oriental at naging kilalang kilala. Nakuha ng kanyang mga mag-aaral ang mataas na marka sa kanilang TOEFL, GRE at iba pang eksam. Kasabay ng paglakas ng New Oriental, inanyayahan ni Yv ang kanyang dating kaklasa na gaya nina Wang Qiang, Xu Xiaoping at Hu Min para magturo sa kanyang paaralan at ngayon silang lahat ang kilalang personahe sa larangan ng English training. Noong 2006, inilist sa New York Stock Exchange ang New Oriental School at si Yv ang naging pinakamayamang guro sa Tsina. Ang pagbibigay ng tulong sa lipunan ay naging isyung pinagtutuunan ng kanyang pansin. Sinabi niyang:

"Nang i-list sa stock market ang New Oriental School, inisip ko kung papaanong gagamitin ang aming kita. Ngayon, nagkakaloob ako sa mga 2000 mahihirap na mag-aaral ng kanilang matrikukla at nag-abuloy din ako sa mga nilindol na purok sa Sichuan. Umaasa akong itatatag ang isang nonprofit private university."

Bihasa na siya sa tawag na guro Yv, sa katunayan, iba-iba ang tungkulin niya: guro, mangangalakal at social activist. Sinabi niyang:

"Mas matagumpay ako bilang isang guro, kasi mas mahusay ako sa pagtuturo. Sa isang makabagong bayan, ang isa sa mga kabutihan para sa isang tao ay puwedeng paulit-ulit na baguhin ng isang tao ang kanyang karera: ang isang estudyante ay maaaring maging isang sundalo, isang magsasaka ay maaaring maging mangangalakal at isang residente sa lunsod ay maaaring maging magsasaka. Ang gayong malayang pagbabago ng papel ng tao ay mahalagang palatandaan ng pagiging moderno at masagana ng isang bansa."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>