Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Shi: lumalakad ang buhay

(GMT+08:00) 2009-04-10 14:40:48       CRI

"Ang inyong buhay ay nasa paglalakad at ang inyong kapalaran ay nasa paglalakad. Ito ang aking nararamdam."

Ang nakita ninyo ay sinabi ni Wang Shi, bita ng aming programa. Nitong nakalipas na 30 taon, walang humpay na lumalakad si Wang Shi at walang anumang bagay ang nakakahadlang sa kanyang hakbang: Mula civil servant, magtitinda ng kumpay, hanggang sa isang real estate magnate. Dahil sa kanyang katapangan at katalinuhan, matagumpay siya sa iba't ibang larangan. Ang kanyang tagumpay ay hindi naihihiwalay sa panahon ng bansa na kanyang ikinabubuhay. Ang kalayaan ng lakas-produktibo at ng kanyang kamalayan na dulot ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina ay naglatag ng pundasyon para sa kanyang pag-unlad.

Noong 1977, pagkatapos ng pag-aaral sa unibersidad, ini-arrange si Wang Shi na magtrabaho sa departemento ng daambakal ng Guangzhou bilang isang tekniko. 3 taon pagkaraan nito, nagtrabaho siya sa Lupon ng kabuhayan at kalakalang panlabas ng Guangdong. Noong panahong iyon, ang naturang lupon ay pinananabikan ng maraming tao. Ngunit, para kay Wang Shi, hindi ganyan. Noong 1983, nagbitiw si Wang ng kanyang tungkulin at nagsimulang maghanap ng sariling pangarap. Dahil sa reporma at pagbubukas sa labas ng Shenzhen, natuklasan ni Wang ang pagkakataon doon.

Ang kauna-unahang negosyo ni Wang Shi ay pagbebenta ng mais. Kahit nakaranas siya ng maraming kahirapan, matagumpay siya sa wakas.

Isang taong pagkaraan nito, itinatag ni Wang ang Sentro ng pagtatanghal at pagbebenta ng instrumento ng siyensiya at edukasyon ng Shenzhen na nagbenta ng video tape recorder, copycat, computer at iba pa at nagi siyang pinakamalaking selling agency ng pag-aangkat doon sa Shenzhen.

Para sa bahay-kalakal na ito, ang taong 1988 ay masusing taon. Noong taong iyon, ipinapasok ni Wang ang joint share system sa kanyang bakay-kalakal at nagsimulang dumako sa pampamilihang kabuhayan mula sa planned economy. Ang kanyang bahay-kalakal ay pinalitan ng "Wanke Corporation, LTD". Noong 1991, pumasok sa Shenzhen Stock Exchange at naging isa sa mga pinakamaagang bahay-kalakal ng mainland na ini-list sa stock market. Ngayon, ang Wanke ay naging pinakamalaking kompanya ng real state ng Tsina na ini-list sa stock market.

Ang mga pabahay na itinatag ng Wanke ay mabuti sa kalidad at pinapurihan ng mga mamimili ang serbisyo. Hinggil dito, sinabi ni Wang na:

"Nakakasalubong ako paminsan-minsan ng maraming mamimiling pumupuri sa serbisyo ng Wanke. Para sa amin, hindi ito sapat. Nagisiskap kami sa larangan ng disenyo, konstruksyon, paggagalugad at iba pa."

Hinggil sa tagumpay ng Wanke, ipinalalagay ni Wang na ang pagsasamarkil ay pangunahing dahilan nito at isa pa, maagang silang kumilos. Itinuturing niyang isang tagapanguna sa larangan ng real state ang kanyang korporasyon. Sinabi niyang:

"Nagkakaiba ang tagapanguna at mamumuno. Ang mamumuno ay pinakamalakas, pero ang tagapanguna ay posibleng maging isang martir at ang tagapanguna ay hindi siguradong magiging numoro uno."

Noong 1999, nagbitiw si Wang ng kanyang tungkulin bilang manedyer ng Wanke at naging tagapangulo lamang ng board. Kaya, mayroon siyang mas maraming oras. Sa kanyang libreng oras, pumili siyang exploration. Mountaineering at paraglider ang paborito niyang palakasan. Noong 2003, matagumpay na umakyat siya sa Everest. Pagkaraan, nakayapak siya sa tugatog ng mga pinakamataas na bundok ng daigdig at pagtawid sa South Pole at North Pole. Noong 2005, nagbago rin ang kanyang isip. Sinabi niyang:

"Lumalaki ang impluwensiya ng kompanya, inisip ko na dapat samantalahin ang pagkakataong ito para dumako sa gawaing pangkawanggawa sa bansa."

Pinagsanib niya ang kanyang pagkatao at ang gawaing pampubliko at nagsimula siyang bigyan ng pansin ang pangangalaga sa kapaligiran at diversity ng mga bagay na may buhay.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>