|
||||||||
|
||
Ang tradisyonal na kapistahan ng Tsina, Spring Festival, ay darating. Kahit nananatili pa rin ang krisis na pinansiyal sa buong mundo, ang pinakamahalagang tradisyonal na kapistahan ng Tsina ay nagpapasulong ng pamilihan ng konsumo sa iba't ibang lugar. Sa kasalukuyan, sapat ang pinanggagalingan ng paninda sa pamilihan, espesyal na mga pamilihan para sa spring festival sa iba't ibang lugar ng Tsina. Malakas ang kompinyansa ng mga mamimili ng Tsina.
Sa Guangzhou, isang lunsod sa dakong timog silangan ng Tsina, ang mga mangangalakal sa buong lunsod ay aktibong nakisangkot sa "happy shopping carnival, happy new year", isang akdibidad ng sales promotion na may pinakamalaking saklaw sa kasaysayan ng Guangzhou. At winewelkam ng mga mamimili ang akdbidad na ito. Sinabi ni Jiang Chao'e, isang taga-Guangzhou na :
"bumili ako ng mga damit, sapatos at iba pa at ang aking ina ay bahala sa mga paninda para sa kapistahan. "
At sa Shaan xi, isang lalawigan sa dakong kanluran ng Tsina, binuksan ang "2009 shaan xi new year shopping festival " sa pandaigdigang sentro ng eksibisyon sa dakong timog ng Xi an. Mahigit 10 libong paninda na inialok ng mahigit 600 bahay-kalakal mula sa iba't ibang lugar ng Tsina ang naka-display sa mahigit 500 booth sa loob ng sentro at mahigit 1000 metro kuwatradong open air nito. Habang papalapit ang Spring festival, para igarantiya ang suplay ng pamilihan, isinagawa ng departemento ng komersyo ng Shaan xi ang mga hakbangin para makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Isinalaysay ni Bi Pingyang, opisyal ng departemento ng komersyo ng Shaan xi na :
"Una, dapat igarantiya ang pag-suplay ng mga panindang may mahigpit na kaugnayan sa pamumuhay ng mga mamamayan. At ikalawa dapat igarantiya ang pangkagipitang pagsuplay ng ilang mahalagang paninda. "
Sa Shanghai, pinakamalaking lunsod ng insutriya at komersyo ng Tsina, sinamantala ng mga mangangalakal ang pagkakataon sa pag-oorganisa ng mga aktibidad para mapasigla ang sales promotion. Sinabi ni Wang Jin, isang mamamayan ng Shanghai na:
"bumili ako ng ilang paninda para sa spring festival. At bumili ako ng ilang regalo para sa ama at ina ko."
At sa Sichuan, isang lalawigan na nakaranas ng lindol noong nakaraang taon, sinimulan ng pamahalaan ang akdibidad ng "shopping month". Sa loob ng dalawang buwan na akdibidad, isasagawa ng lahat ng industirya sa Sichuan ang sales promotion activities. Sinabi ni Li Weimin, pangalawang puno ng departemento ng komersyo ng Sichuan na :
"Ang krisis na pangkabuhayan na dulot ng krisis na pinansiyal ay nanganinag na sa ilang bahay-kalakal. Sa ilalim ng kalagayang ito, itinaguyod ng lokal na pamahalaan ang sales protomtion. At ito ay makakabuti sa mga mamamayan."
Ipinahayag ng ilang dalubhasa na sa kaslaukuyan, dahil sa pandaigdigang krisis na pinansiyal, nananatili ang kalagayan ng depression ng kabuhayan sa buong mundo. Ngunit, limitado ang epekto nito sa Tsina. Ayon sa estadistika na ipinalabas ng Pambansang kawanihan ng estadistika ng Tsina, nananatiling mataas ang index ng kompinyansa sa konsumo ng mga mamamayan sa lunsod at nayon. Inaasahan ng buong sambayanang Tsino na ang darating na bagong taon ay makakapagloob sa kanila ng isang mapayapa at masaganang taon. Kaya, may pag-asang mapanatili ang matatag na paglaki sa pamilihan ng komsuno sa panahon ng spring festival.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |