|
||||||||
|
||
Mga giliw na tagapakinig, mula noong 1978 hanggang 2008, nitong 30 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, napakalaki ang proporsiyon ng pribadong kabuhayan sa pambansang kabuhayan ng Tsina. At ang lunsod ng Wenzhou ay nagtagumpay sa paglikha, pag-unlad at mga bunga ng pribadong kabuhayan. Ang pag-unlad ng kabuhayan nito ay bumuo ng isang natatanging "modelo ng Wenzhou"
Ang "modelo ng Wenzhou" ay unang nabanggit sa "Jiefang Daily" noong ika-12 ng Mayo ng 1985. Sa panahong iyon, ipinalalagay ng mga ekspertong pangkabuhayan na ang modelong pangkabuhayang ito ay isang uri ng bagong modelo ng pagpapaunlad ng lipunan at kabuhayan sa kanayunan na gawing batayan ang mga pamilya, gawing patnubay ang pamilihan at gawing gulugod ang mga talento sa kanayunan.
Si Lin Guang ay isang kilalang mangangalakal ng Wenzhou. Nagsimula siya sa isang maliit negosyo at naging isang kilalang empresaryo. Sa kasalukuyan, maraming empresaryo sa Wenzhou na kinabibilangan ni Lin ay humahanap ng pagkakataon para baguhin ang negosyo. Hinggil dito, sinabi ni Lin na:
"Pagkaraan ng 30 taong pag-unlad sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, hanggang sa kasalukuyan, naganap ang ilang kahirapan sa proseso ng pagunlad ng kabuhayan ng Tsina, sarado na ang maraming bahay-kalakal, masasabing nagsimula ang ilang bahay-kalakal sa paghahanda para baguhin ang kanilang negosiyo. "
Sa panahon iyon, nakuha ni Lin ang malaking pagkakataong komersiyal mula sa estratehikong pagbabago ng mga patakaran ng Tsina at malaking pontensyal ng paggagalugad ng pamilihan. Ipinasiya niyang gawing ito ang isang starting point ng estrathikong pagbabago ng kanyang bahay-kalakal. Ngunit, sa man paggagalugad sa bagong pamilihan, pagsubok-yari ng bagong produkto, nakakatagpo si Lin ng mga kahirapan sa teknolohiya at pondo. Ngunit, nakahanap siya ng kalutasan sa problemang ito sa maikling panahon, sinabi niyang:
"Kakaunti ang pag-asa ng tagumpay sa sariling pagsubok-yari at nangangailangan pa ito ng mahabang panahon. Kaya, bilang isang bahay-kalakal na pribado na kulang sa sapat na pondo, ang pinakamagandang kalutasan ay kooperasyon. Awamang porma ng kooperasyon at sa anumang larangang tulad ng patente, pagmamay-ari isip at iba pa. Ito ay isang shortcut namin."
Alam ni Li na ang kooperasyon ay hindi nangangahulugang itakwil ang inbobasyon ng teknolohiya at sarilinang brand, kundi dapat nitong pabilisin ang inobasyon ng teknolohiya at pataasin ang imahe ng sarilinang brand at katayuan ng pamilihan, batay sa mutuwal na kapakinabangan.
Ang tagumpay sa negosyo ay nagdulot ng malaking pondo sa mga mangangalakal sa Wenzhou. May malaking pondo sa kamay, dumako sila sa capital market. Ang Wenzhou ay may mas malaking kapital kaysa iba pang lunsod sa Tsina. Sa kasalukuyan, kung paaanong mas mabuting gagamitin ang naturang malaking kapital ay isang problema na iniisp ni Lin at iba pang mangangalakal ng Wenzhou.
"May malaking kapital sa Wenzhou, kung gagamitin nang mabuti ang naturang kapital, ang pondong ito ay maaaring gamitin sa pagbabago ng negosyo at pagpaunlad ng mga bahay-kalakal ng Wenzhou. ito ay tiyak na magpapasulog ng lalo pang sustenableng pag-unlad ng Wenzhou. "
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |