Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pinapurihan ng komunidad ng daigdig ang aksyon ng Tsina sa pagharap ng krisis na pinansiyal

(GMT+08:00) 2009-04-13 12:32:34       CRI

Sapul nang pumasok sa taong 2009, ang pandaigdigang krisis na pinansiyal na tumagal ng isang taon ay nagiging mas grabe. Tinaya ng mga organong pandaigdig na kinabibilangan ng International Monetary Fund o IMF o World Bank o WB na lalo pang bababa ang paglaki ng kabuhayan ng buong daigdig. Sa ilalim ng background na ito, bilang ikatlong ekonomy sa daigdig, itinakda ng Tsina sa 8% ang paglaki ng kabuhayan nito, at ang aksyong ito ay naging pokus na sinusubaybayan ng buong daigdig. Sa taunang pulong ng Porum sa pag-unlad ng Tsina sa mataas na antas sa taong 2009, ipinahayag ni Li Keqiang, pangalawang premiyer ng Tsina na ang Tsina ay may kakayahan na isakatuparan ang target na panatilihin ang matatag at mabilis na paglaki ng kabuhayan.

"hindi baguhin ang pudasyon at mabuti ang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina. Ang Tsina ay nasa yugto ng mabilis na pag-unlad ng industriyalisasyon at urbanisasyon, malawak ang prospek ng pamilihang panloob, malaki ang espasyo ng pag-unlad ng kabuhayan. At may kompinyansa, kondisyon at kakayahan na panatilihin ang tunguhin ng matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayan."

Sapul noong huling hati ng nakaraang taon, nagsagawa ang pamahalaang Tsino ng isang serye ng hakbangin bilang pagharap sa krisis na pinansiyal, na kinabibilangan ng pagdagdag nang malaki ng pondo ng pamahalaan at pagpapalakas ng kakayahan ng mga mamamayan sa konsumo, pagsagawa ng plano ng pagpapasigla ng industriya, pagsasaayos ng estruktura ng industriya at iba pa.

Para sa Tsina, maliwanag ang katangian ng exported-oriented economy nito, kaya napakalaki ng epekto sa industriya ng pagluluwas na dulot ng krisis na pinansiyal. Sa ilalim ng kalagayan ng mabilis na pagbaba ng pangangailangang panlabas, nagsasagawa ang ilang bansa ng proteksyonismong pangkalakalan, kaya lalo pang pinalakai nito ang presyur na kinakaharap ng mga bahay-kalakal ng Tsina na ang pangunahing negosyo ay pagluluwas sa labas, ayon sa estadistika, sa sunud-sunod na 4 buwan, lumitaw sa Tsina ang negative growth sa halaga ng pagluluwas at pag-aangkat, at napakahigpit ng kasalukuyang kalagayan.

Sa naturang taunang pulong, ipinahayag ni Chen Deming, ministro ng komersyo ng Tsina na patuloy na aktibong gagamitin ng Tsina ang mga puhunang dayuhan at pasisiglahin ang pamumuhunan sa labas, kasabay nito, binigyan-diin niyang tulad ng dati, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang proteksyonismong pangkalakalan.

"ang kasaysayan ay nagpapakita na ang malaya at malusog na pag-unlad ng kalakalan at pamumuhunan sa daigdig ay isang mahalagang puwersa ng pagpapasulong ng recovery ng kabuhayang pandaigdig. Ang kasalukuyang pandiagdigang krisis na pinansiyal ay nagdulto ng grabeng kahirapan sa buong daigdig, at ang proteksyonismong pangkalakalan ay tiyak na makapagdudulot lamang ng mas masamang epekto sa pandaigdigang kabuhayan."

Noong Pebrero ng taong ito, sa pamumuno ni Chen Deming, isang malaking grupo ng pamimili na binuo ng mahigit 200 mangangalakal ay pumunta sa Alemaya, Switzerland, Espanya, Britaniya at nagsagawa ang grupong ito ng isang serye ng talakayan, at pag-uusap ukol sa pamimili at pamumuhunan, at ang lahat ng halaga ng order na nilagdaan ay lumanpas ng 10 bilyong dolyares.

Ipinalalagay ni Joseph Stiglitz, propesor ng unibersidad ng Colombia ng E.U., na dapat gamitin ng iba pang bansa ang karanasan ng Tsina dahil mahalaga ito.

"sa proseso ng pagsasakatuparan ng recovery ng kabuhayan ng buong daigdig, maaaring panatilihin ng Tsina ang paglaki ng kabuhayan nito at ikalawa, maaaring tulungan ng Tsina ang iba pang bansa kaya maaaring magbigay ang Tsina ng ambag para sa recovery ng kabuhayan ng buong daigdig. "

salin:wle

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>