|
||||||||
|
||
Si Zhang Quanshou ay isang simbol ng mga migrant workers ng Tsina o magsasakang nagtatrabaho sa lunsod. 40 taong gulang siya at matangkad. Itinatag niya ang isang kompanya sa Shenzhen ng lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina at ang tanging layunin ng kanyang kompanya ay areglahin ang hanap-buhay ng mga migrant workers. Sa kasalukuyan, mahigit 18 libong migrant workers na ipinadala ng kompanya ni Zhang sa mahigit 60 bahay-kalakal sa mga lalawigang Guangdong, Fujian, Zhejiang at munisipalidad ng Shanghai. Kaya siya ay tinatawag na puno ng mga migrant workers.
Mahigit 20 taon na ang nakararaan, si Zhang ay isa pa mahirap na bata na nakatira sa isang nayon ng Zhumadian ng lalawigang Henan sa dakong ginta ng Tsina at dahil mahirap ang kanyang pamilya, nang 16 na taong gulang pa siya, nagsimula na siyang magtrabaho para sa pagkatig ng kanyang pamilya. Basta't makikita, kahit anong uri ng trabaho ang ginagawa niya. Nang sariwain ang kalagayan noong panahong iyon, sinabi niya na
"Kay hirap ng mga araw sa panahong iyon, maging ako sarili ay hindi nakakaalam kung papaanong nakakaranas sa mga mahirap na araw na ito. Totoo maraming beses na lumuluha ako at lagi nakatago ako sa bahay na ayaw magpakita sa iba."
Datapuwa't hindiing hindi yumuko si Zhang sa mga kahirapan. Noong 1993, lumisan siya ng Henan papunta sa Shenzhen para palakarin ang isang restawran. Dahil laging kumain sa kanyang restawran ang mga taga-Henan, nalaman niya na mahirap na mahahanap nila ang trabaho. Sinabi niya na
"Nakita kong lagi silang nagbubuntong-hininga dahil sa walang hanap-buhay, umiisip akong may katulad nilang karanasan ako, kaya nais kong tulungan sila."
Noong 1999, itinatag ni Zhang ang isang bahay-kalakal sa pagpoproseso ng mga laruan. Minsan, tinawagan siya ng kanyang kaibigan at nagtanong kung puwedeng ipahiram ni Zhang sa kanya ang mga manggagawa dahil daw kulang na kulang siya sa mga trabador para tupdin ang order. Maalwan ang kooperasyong ito at sa tingin ni Zhang, ang paraang ito'y nakakabuti sa kanyang sarili at kanyang mga ka-probinsyang manggagawa. At mula noo'y laging pinuntahan ni Zhang ang mga bahay-kalakal na nangangailangan ng mga manggagawa at pagkatapos natuklasan niyang ang naturang mga bahay-kalakal ay nakahandang gamitin ang mga manggagawa sa pamamagitan ng ganitong paraan ng pag-arkila ng mga manggagawa.
Kaya noong 2004, itinatag ni Zhang ang isang kompanya ng pagpapaupa ng mga manggagawa. Isinailalim ng kanyang kompanya sa mahigpit na may kinalamang pagsasanay na bokasyonal ang mamamasukan sa kanyang kompanya na trabahador at pagkatapos ay ipinadala sila sa mga bahay-kalakal na kinakailangan ang mga manggagawa. Upang maigarantiya ang lehitimong karapatan, kapakanan at kita ng naturang mga trabahador, nilagdaan naman ng kompanya at mga pinapasukang nilang bahay-kalakal ang isang kasunduan hinggil sa suweldo, pamantayan ng pamumuhay, kaligtasang personal at iba pang nilalaman.
Unti-unting nagiging popular ang kompanya ni Zhang. Noon una, ang mga ka-lalawigan niya lamang ang sumapi sa kanyang kompanya, at ngayo'y ang mga migrant workers na galing sa lalawigang Anhui, Hebei, Shaanxi at Shandong at iba pa ay humiling din ng pagsapi sa kompanyang ito. Liban sa tagumpay ng kanyang negosyo, ikinagagalak ni Zhang ang isa pang bagay: nahalal siya na kinatawan ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC noong 2008, sinabi niya na
"Bilang isang migrant workers at anak ng magsasaka, ikinararangal ko ang pagiging kinatawan ng NPC para mas mabuting mangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga migrant workers."
Sa taunang pulong ng NPC ng taong ito, isinumite ni Zhang ang isang panukalang-batas hinggil sa pagpapalakas ng pagsasanay sa mga migrant workers at tinanggap ang pagkatig ng ibang mga kinatawan. Sinabi niya na
"Ang pagsasagawa ng pagsasanay na bokasyonal sa mga migrant workers ay nakakatulong sa pagtaas ng kanilang suweldo, dapat pabutihin ang pagsasanay na may maliwanag na target at direksyon."
Kaugnay ng kung papaanong palalakasin ang pagsasanay sa mga migrant workers, sinabi ni Zhang na
"Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking hangarin ko ay magpapatayo ng isang paaralan ng mga migrant workers sa hinaharap para magturo sa kanila ng ilang kaalamang panlipunan, may kinalamang batas at regulasyon at iba pang mga may kinalamang kahusayan."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |