|
||||||||
|
||
Ang Lalawigang Jilin sa hilagang silangan ng Tsina ay kilalang lugar para sa pagbisita sa rime fog sa tag-lamig at nakakahikayat ito ng maraming turistang Tsino't dayuhan. Bukod dito, salamat sa likas na yamang niyebe't yelo at bentaheng topograpikal, katangi-tangi ang skiing at paglalakbay sa tag-lamig sa lalawigang ito at kilalang kilala sa buong daigdig. Sa palatuntunan ngayong gabi, ang Lalawigang Jilin ang papaksain natin.
Ang naririnig ninyo ay isang kilalang nursery rhyme na nagpapahayag ng kasiglahan ng mga bata sa hilagang silangan ng Tsina nang makita ang niyebeng nagsasayaw sa himpapawid, ang Jingyuetan Park na binanggit ng naturang nursery rhyme ay isa sa mga lugar kung saan naglalaro sa niyebe ng mga bata. Ngayong tag-lamig, idinaos sa Jingyuetan Park, pinakamalaking forest park sa Asya, ang Changchun Jingyuetan Ice and Snow Tourism Festival. Mahigit 2 libong atleta't manlalakbay mula sa 25 bansa't rehiyon na gaya ng Estados Unidos, Hapon, Norway, Sweden, Finland at Timog Korea ang lumahok sa aktibidad na ito.
Sa Jingyuetan Skiing Slope, masayang masayang nag-iisking ang mga skier mula sa iba't ibang lugar ng daigdig. Si Chen Zhencai, manlalakbay mula sa Lalawigang Sichuan ng Tsina ay isa sa mga ito. Sinabi niya na,
"Exciting na Exciting. Ikinasigla ko ang bilis ng pagdulas mula sa itaas. Sa tingin ko, napakalaki ng pagkakaiba ng tanawin sa dakong hilaga at dakong timog ng Tsina. Napakaganda rin ng ice sculpture at icicle. Palagiang inaasahan ko ang pagkita ng tanawing ito at nakita ngayon sa wakas."
Matatas ang pagsasalita ng wikang Tsino ni Alice White na galing sa Estados Unidos. ito ang ika-2 beses na pumunta siya sa Changchun. Nang mabanggit ang impresyon niya sa Changchun, ganito ang koment niya,
"Magandang maganda ang ice sculpture ng Changchun at hindi nakita ko ito noong dati. Napakaganda ng lawa at bundok sa Jingyuetan Park. Maganda naman ang sentro ng lunsod ng Changchuan. Namasiyal minsan ako sa ilang liwasan doon. Malaki ang espasyo para sa pag-unlad ng lunsod na ito."
Idinaos na ang 12 Changchun Jingyuetan Ice and Snow Tourism Festival. Sa kasalukuyan, naging kapistahan ng mga taga-Changchun na ang ganitong tourism festival. Kasabay ng pagpasok sa Changchun ng Vasaloppet ng Sweden, pinakamalaking cross-country skirace sa daigdig, tumataas nang tumataas ang digri ng pagsangkot ng mga mamamayan.
Bukod sa Changchun, katangi-tangi naman ang palakasan at paglalakbay sa yelo't niyebe sa pook na may Bundok Changbai. Maaga at mahaba ang tag-niyebe at mabuti ang kalidad ng niyebe doon. Mula Nobyembre bawat taon hanggang katapusan ng Mayo ng susunod na taon, naging paraiso ng mga tagahanga ng skiing.
Noong nakaraang Enero, pormal na binuksan sa labas ang Changbaishan International Natural Ski Park, ito ang siyang tanging bukas na parkeng natural ng skiing sa Tsina. Sinabi ni Michael Wolf, isang tagahanga ng skiing na galing sa Swiden na,
"Mas maliit ang lunsod-paninrahan ko kumpara sa Changchun. 20 libo lamang ang populasyon ng aking lunsod, pero mahigit 3 milyon ang populasyon ng Changchun, kaya mas marami ang pabahay, lugar na komersyal at sasakyang de motor sa Changchun. Para sa akin, nakakabuti sa kalusugan ang skiing."
Bukod sa makukulay na winter sports, sa kasalukuyang taon, nag-aalok din ang Changbaishan ng mga katangi-tanging nakalilibang aktibidad sa niyebe. Welkam sa Lalawigang Jilin ng Tsina at makakaranas ng kaakit-akit na skiing doon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |