Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga nilindol na purok sa Tsina, maaga ang tagsibol

(GMT+08:00) 2009-04-13 16:42:22       CRI

Ang Lalawigang Sichuan, sa timog kanluran ng Tsina, ay kilalang kilala dahil sa masaganang yamang panturista nito. Pero sanhi ng napakalakas na lindol noong ika-12 ng nakaraang Mayo, bumaba nang malaki ang konsumong panturista sa lalawigang ito. Pagkaraan ng pagsisikap nitong nakalipas na halos isang taon, nagiging masigla na ang turismo sa mga nilindol na purok ng Sichuan.

Habang nagmamaneho kami papuntang Dujiangyan mula sa Chengdu sa Marso, datapuwa't may kalamigan pa ang klima, naging ginhawa ang damdamin namin sa pag-injoy ng namumukadkarang rape flower sa magkabilang daan, mistulang nagpapahiwatig sa amin na andyan na ang tagsibol. Pagkaraan ng pagsubok ng napakalakas na lindol, nagbagong-buhay na muli ang Dujiangyan na may mahigit 2000 taong kasaysayan at sinasalubong ang mga turista mula sa iba't ibang lugar sa bagong anyo.

Si Ginang Guo Yi at ang kanyang mga kaibigan ay galing sa Beijing, sinabi niya na,

"May malayang oras kami at gustong makita ang kalagayan dito pagkaraan ng lindol. Ang unang impresyon namin ay totoong maganda ang Sichuan, di-malinaw ang kapinsalaan sa ibang scenic spots, pero napakagrabe ng kapinsalaan sa Dujiangyan, kahina-hinayang ito."

Tulad ni Ginang Guo, gusto ng maraming tao na sumaksi silang mismo sa bakas na iniwanan ng napakalakas na lindol sa Sichuan noong nakaraang taon. Ilampung kilometro lamang ang layo ng scenic spots ng Dujiangyan sa Bayang Yingxiu, epicenter ng naturang lindol, nakasira ang maraming scenic spots, bumagsak sa lindol ang Erwang Temple bilang paggunita sa tagadisenyo ng Dujiangyan Water Project at muling binuksan ito sa publiko hanggang noong katapusan ng nakaraang Setyembre.

Isinalaysay ni Ginang Ji Yanli, pangalawang puno ng departamento ng pamilihan ng Dujiangyan scenic spot na,

"Pagkaraan ng lindol, muling binuksan ang scenic spot noong ika-29 ng Setyembre ng 2008 at hanggang ika-31 ng nakaraang Disyembre, ang bilang ng mga natanggap na turista ngayon ay katumbas ng 76% sa gayun ding panahon ng taong 2007. Ikinasisiya namin ang bilang na ito, dahil mas mabuti ang kalagayan kumpara sa inaasahan namin at nakakaramdam kaming pinahahalagahan at pinag-uukulan ng pansin ng mga turista mula sa iba't ibang lugar ng daigdig ang pamanang pandaigdig at binibigyan din nila ng lubusang pagkatig ang rekonstruksyon pagkaraan ng lindol, kaya sa maikling panahon, napanumbalik ang produksyon at pamumuhay at ang kariktan ng Dujiangyan."

Upang mapasigla ang industryang panturista, aktibo ang mga pamahalaan sa iba't ibang antas sa lokalidad sa paggawa ng plano para sa rekonstruksyong panturista at puspusang pagpapasulong ng paghikayat ng mga mangangalakal at pagpapasimula ng maraming bagong proyekto.

Kasabay ng pagpasok sa tagsibol, idinisenyo ng maraming ahensyang panturista ang mga bagong linya para makahikayat ng mas maraming turista. Bukod dito, upang mapasulong ang turismo sa mga nilindol na purok, buong sikap na ginagawa at kinukumpuni ng iba't ibang lugar ang mga landas. Inilathala naman ng mga departamentong panturista ang mga pamplet hinggil sa scenic spots, komunikasyon at iba pang impormasyon ukol sa paglalakbay sa mga nilindol na purok.

Si Ginang Duan Hong ay customer manager ng tanggapan ng China International Travel Service sa Sichuan. Parang isang bangungot ang naranasan niya at ng kanyang kompanya noong nakaraang taon, pero optimisitko siya sa negosyo sa kasalukuyang taon.

"Halos isang taon makaraan ng lindol, matumal ang buong industrya ng turismo. Bumaba nang 70% hanggang 80% pataas ang negosyo namin kumpara noong dati. Umaasa kaming magiging mainam ang negosyo sa kasalukuyang taon at kung kalagayan ng negosyo ngayon ang pag-uusapan, tiyak na magiging mas mainam ito kumpara sa taong 2008."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>