|
||||||||
|
||
Ang Guangzhou, isang lunsod sa katimugan ng Tsina, ay mahalagang puwerto ng kalakalang panlabas ng Tsina mula sa sinaunang panahon at tinatawag itong "puwertong panimula ng Silk Sea Route". Sa palatuntunan ngayong gabi, dadalhin kita sa isang aktibidad na pangkaugalian sa lokalidad na may kinalaman sa pag-aalok ng sakripisyo sa dagat at malalaman ang tradisyon at modernong kultura ng lunsod na ito.
Idinao sa buwang ito sa Boluo Temple o templo ng diyos ng South China Sea ang ika-5 Guangzhou Cultural Festival & Huangpu "Boluo Birthday" Temple Fair. Mahigit 1400 taon ang kasaysayan ng Boluo Temple na nasa Huangpu District ng Guangzhou. Mula sa Sui Dynasty at Tang Dynasty, ipinadala ng mga emperador ang mga opisyal sa templong ito para mag-alok ng sakripisyo sa diyos ng South China Sea at ipagdasal ang kapayapaan.
Ang Boluo Temple o templo ng diyos ng South China Sea ay pinakamalaking templo ng diyos na pandagat sa Tsina, ito rin ang pasimula ng Silk Sea Route.
Napakaringal ng kasalukuyang temple fair, ang seremonya ng pagbubukas na may elemento ng mundo at Asian Games ay nakakahikayat ng libu-libong turista.
Idaraos sa Guangzhou ang 2010 Asian Games. Upang ipropaganda ang naturang pagtitipong pampalakasan, inihandog ng kasalukuyang temple fair ang mga palabas na gaya ng pagsayaw ng sangdaang tao at pagsigaw ng sanglibong tao ng islogan bilang pagsalubong sa Asian Games.
Ang 105 taong gulang na si Li Yan ay pinakamatanda sa mga kalahok sa palabas. Datapuwa't kailangang sakay ng wheelchair, dumating nang maaga siya ng lugar na pinagdarausan ng palabas. Sinabi niya na,
"Mapagmalaki at masayang masaya ako sa pagsalubong sa Asian Games, bumangon ako noong alas-7 ngayong umaga at nag-eehersisyo bawat araw."
Isinalaysay naman ni Yang Qiubin, namamahalang tauhan sa palabas ng pagsigaw ng sanglibong tao ng islogan ng Asian Games, na ibinuhos nilang lahat ang napakalaking kasiglahan para sa pagpopropaganda ng Asian Games.
"Naka-T-shirt na kinasusulatan ng islogan ng Guangzhou Asian Games ang sanglibong mamamayan. Sumigaw kami, pangunahin na, ng 2 islogan: isa ay "Thrilling Games, Harmonious Asia" at isa pa'y "Come On Guangzhou, Come On Asian Games."
Ginanap naman sa kasalukuyang temple fair ang Ying-Ge dance, isa sa mga Intangible Cultural Heritage ng Tsina. Ying-Ge ay nangangahulugang sayaw para sa mga bayani. Bawat tradisyonal na kapistahan, nagtitipun-tipon ang mga mamamayan at nagsasayaw ng Ying-Ge dance para ipagdasal ang good luck. Isinalaysay ni Chen Laifa, namamahalang tauhan ng naturang palabas na,
"Ito ang kauna-uahang pagkakataong gumanap kami sa Boluo Temple fair. Pinag-iisa ng Ying-Ge dance ang Chinese Wushu, palakasan, sayaw at musika. Nanood minsan sina dating pangulong Mao Zedong at premyer Zhou Enlai ng pagsayaw ng Ying-Ge. Noong nakaraang taon, lumahok kami sa aktibidad na kultural ng Beijing Olympics at nagpalabas sa Tiananmen Square."
Bukod sa mga palabas, itinanghal sa kauna-unahang pagkakataon sa Boluo temple ang bunga ng pangangalaga sa Intangible Cultural Heritage ng Guangzhou. Napag-alaman, lumalawak nang lumalawak ang saklaw ng "Boluo Birthday" temple fair at lumalakas nang lumalakas ang impluwensiya nito. Kung gusto mong maramdaman ang masaganang kultura at kaugalian ng Guangzhou, welkam sa "Boluo Birthday" Temple Fair.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |