|
||||||||
|
||
Kamakailan, opisyal na itinatag ang International Copyright Transaction Center na magkasamang itinaguyod ng Copyright Protection Center of China at pamahalaan ng distritong Dongcheng ng Beijing. Ito ang kauna-unahang pambansang Copyright Transaction Center at pinakamalaki at pinakaautorisadong sentro ng pagtatala ng copyright, pamilihan ng komprehensibong transaksyon ng copyright at plataporma ng operasyon ng kapital ng copyright. Ipinakikita ng pagtatatag ng naturang sentro na nagsisikap ang Tsina para hanapin ang bagong porma ng transaksyon ng copyright upang mas mabisang mapangalagaan ang Karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip o IPR ng Tsina.
Nakatayo sa Zhongguancun Science Park ang sentrong ito. Sa seremonya ng pasinaya nito, ipinahayag ni Yan Xiaohong, pangalawang puno ng State Copyright Bureau ng Tsina, na ang pagkatatag ng plataporma para sa trasaksyon ng copyright ay mahalagang hakbangin para mapasulong ang pag-unlad ng mga may kinalamang industriya ng copyright. Sinabi niyang:
"Dahil hindi kompleto ang sistema ng sosyalistang pampamilihang kabuhayan ng Tsina, hindi sapat ang transaksyon ng copyright ng iba't ibang uri ng katha at iba pang elemento, ang pag-unlad ng mga indutriyang may kinalaman sa copyright ay limitado. Ang pagkatatag ng International Copyright Transaction Center ay isang hakbangin para mapasulong ang trasaksyon ng copyright. Umaasang batay sa platapormang ito, pasusulungin ang inobasyon, pangangalaga, transaksyon at paggamit ng copyright ng iba't ibang uri ng katha. "
Ipinalalagay ni Duan Gui, direktor ng Copyright Protection Center of China, na sa pampasigla ng mga may kinalamang patakaran ng bansa, mabilis na umuunlad ang industriya ng copyright ng Tsina at sa gayo'y kasabay nito, dapat ibayo pang pasulungin ang komprehensibong serbisyo sa copyright. Sinabi niyang:
"Ang serbisyo sa copyright ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng sarilinang inobasyon ng bansa. Sa platapormang ito, dinagdag namin ang iba pang serbisyo para mapasulong ang mga may kinalamang transaksyon ng copyright upang likhain ang isang pandaigdigang sentro ng transaksyon ng copyright."
Isinasalaysay ni Yin Zhisong, maneger ng International Copyright Transaction Center, na ang sentrong ito ay nagkakaloob ng plataporma ng transaksyon para sa panig ng may-ari ng copyright, panig ng paggamit ng copyright at mga agency. Hinggil sa pagkakaiba ng tradisyonal na paraan at bagong paraan ng transaksyon ng copyright, sinabi niyang:
"Sa proseso ng tradisyonal na transaksyon ng copyright, ang transaksyong ito ay kulang sa garantiya mula sa propesyonal na serbisyo. Ang gawain ng sentro ay lumikha ng gayong kapaligiran kung saan maigarantiya ang transaksyong isagawa sa mas mabuti at matapat na kapaligiran."
Ipinahayag ni Direktor Duan na patuloy na naghahanap pa sila ng bagong paraan ng transaksyon ng copyright. Sinabi niyang:
"Ito ang isang starting point. Binabalak itatag namin itatag ang isang digital plataporma ng network para ipagkaloob ang 365 araw na serbisyo bawat taon. Dapat walang humpay na hanapin ang mas maginhawa at mabisang paraan ng transaksyon."
Ipinalalagay ng mga may kinalamang tauhan na ang pagkatatag ng naturang sentro ay makakabuti sa transaksyon ng IPR, paglaban sa pamdarambong at pagkakalabag at pangangalaga sa IPR.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |