|
||||||||
|
||
Ang Tsina ay isang malaking bansa ng argrikultura, sa 1.3 bilyong populasyon, ang 900 milyon ay magsasaka. Nitong nakalipas na ilang taon, isinagawa ng pamahalaang Tsino ang serye ng mahalagang proyektong kultural para mapalakas ang konstruksyon ng imprastruktura sa kanayunan upang makapagbigay ng mayamang aktibidad na kultural. Mainit na tinanggap ng mga ito ang mga magsasaka at malaki ang ipinagbabago ng konstruksyong pangkultura sa kanayunan.
Sa kanayunan, ang kawalan ng kaalaman, teknolohiya at impormasyon ay nagiging sagabal sa pagiging mayaman ng mga magsasaka at unibersal ang penomina ng kakulungan ng pamumuhay na pangkultura sa mga liblib na lugar sa kanayunan. Para malutas ang problemang ito, sa nakaraang maraming taon, ang mga may kinalamang departemento ng pamahalaang Tsino ay nagsagawa ng malaking pagsisikap. Inilagay ng pamahalaan ang pokus sa "pagpapalakas ng konstruksyon ng kultura sa kanayunan" at isinasagawa ang proyektong ito sa ilang aspekto. Sinabi ni Ouyang Jian, pangalawang Ministro ng Kultura ng Tsina, na:
"Nitong nakalipas na ilang taon, inilagay namin ang pokus sa kanayunan. Itinatag namin ang mga komprehensibong estasyong kultural para organisahin ang mga aktibidad sa kanayunan."
Inihanda ng naturang estasyon ang mga libro at magasin, may ipinalabas na mga sine at TV programa at madalas na inioorganisa ang mga aktibidad para sa pagpapalaganap ng siyensiya at iba pang entertaining programme.
Sa nayong Ershilipu ng lusond Dalian ng lalawigang Liaoning ng Tsina, itinatag noong 2006 ang isang estasyong kultural na may saklaw na halos 3 libong metrong parisukat. Ang estasyon ay binubuo ng reading room, gymnasium, Multifunctional Hall at malaking tanghalan. Sinabi ni Gu Yizhang, puno ng naturang estasyon na:
"Hanggang ngayon, nagdaos kami ng mahigit 20 palabas at mahigit 30 pagsasanay. Lubos na ginagamit ang estasyon. Kumakanta at sumasayaw ang mga magsasaka at dito't lumalahok sila sa mga paligsahan."
Sa Lunsod Zaozhuang ng lalawigang Shandong, binabalak nilang mahigit sa kalahati ng lahat ng nayon ang may sarili nilang reading room. Sa nayong Shangyan, naitayo ang gayong kuwartong may mahigit 12 libong libro na kinabibilangan ng "Bagong Teknolohiya Hinggil sa Pagpigil at Paggamot ng mga Plant Disease and Pets". Sinabi ni Zhu Guangxin, isang residente na:
"Sapul nang magkaroon kami ng kuwartong ito, madalas akong pumunta rito para bumasa at mag-aral, lalong lalo na ng mga aklat hinggil sa kaalamang agrikultural. Maraming residente ang bumasa o humiram ng mga libro rito. Nakabubuti ang mga libro sa pagpapataas ng aming kita."
Ang naturang proyekto ng pagtatayo ng reading room ay pangunahing isinasagawa ng General Administration of Press and Publication ng Tsina. Inialok ng naturang departemento ang mga libro, magasin at video at binabalak nilang itatatag sa lahat ng kanayunan ang gayong reading room sa loob ng 10 taon.
Bukod dito, inanyayahan din ng mga nayon ang mga propesyonal na grupong pansining para itanghal. Sinabi ni Yao Hong, bantog na aktor at singer ng Tsina, na:
"Kinakailangan ng mga sibilyan ang aktibidad na kultural. Maraming beses na pumunta ako sa kanayunan para ipalabas at malaman ko ang kanilang sabik."
Ipinahayag ni Ginoong Ouyang na kinakatigan ng pamahalaan ang pagtatatag ng mga magsasaka ng sariling grupong kultural at paggawa ng mga espesyal na produktong kultural para sa kanila. Sinabi niyang:
"Espesyal na gagawa kami ng mga produktong kultural para sa mga magsasaka na gaya ng sine, TV series, impormasyon, libro at magasin. Gagawa kami ng mga ito ayon sa katangian at kagustuhan ng mga magsasaka para mapayaman ang kanilang pamumuhay na kultural."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |