|
||||||||
|
||
Kamakailan, naging bukambibig ang sine "Mei Lanfang" sa Tsina. isinasalaysay ng sineng ito ang kuwento ni Mei Lanfang, Master sa Beijing Opera, isa sa mga quintessence of Chinese culture. Dahil sa sineng ito, nagiging interesado ang mga kabataang Tsino sa Beijing Opera. Para ipagpatuloy ang sining na ito, noong isang taon, nagsimula ang Ministri ng Edukasyon ng Tsina ng mga experimental klase ng Beijing Opera sa mga mababa't mataas na paaralan sa di iilang lalawigang Tsino. Ang Lunsod Taizhou ng lalawigang Jiangsu ay lupang-tinubuan ni Master Mei Lanfang, doon, ipinagagalap ang aktibidad na ito ng maraming paaralan.
Isinilang sa lunsod ng Taizhou ng lalawigang Jiangsu sa silangang Tsina noong 1894 si Master Mei. Ang mga taga-Taizhou ay mahilig sa Beijing Opera: bata man at matatanda ay marunong umawit ng ilang aria.
Sa kindergarten ng Taizhou, sinusubok nilang magturo ng Beijing Opera sa kindergarten para tulungan ang mga bata na magkaroon ng saligang karunungan sa Peking Opera. Sa kindergarten, may isang mahabang pasilyong puno ng mga larawan at sulat ukol sa Peking Opera. Sa klase, ang facial makeup at kasuotan sa opera rin ay ipinakilala sa mga bata. Sinabi ni Zhu Hui, puno ng kindergarten na ito na:
"Nais naming ipaalam sa mga bata na ang Beijing Opera ay katangi-tangi sa Tsina at napakaganda nito. Nais naming hubugin ang mga bata sa paghilig sa Beijing Opera at kanilang pag-usbong ng pagkamapagmalaki sa bayan. Sa proseso nito, hinahalubilo ito ng edukasyon hinggil sa kagandahan at moral."
Sa kindergarten na ito, ang klase ng Beijing Opera ay tinanggap ng nakararaming mag-aaral at guro. Sinabi nilang:
"Kawili-wili ang Beijing Opera. Sa pamamagitan ng pagtuto nito, ibayo pang nauunawaan ko ang tradisyonal na kulturang Tsino at pinayaman nito ang aming pamumuhay na pansining."
"Nagkaloob kami ng pagkakataon sa mga mag-aaral na magtamasa at magpapatuloy ng kakanggata ng kulturang Tsino."
Ang pagpasok ng Beijing Opera sa klase ay isa ring hamon para sa mga estudyante at guro. Ipinalalagay ni Li Weikang, bantog na artista sa Beijing Opera na ang pangunahing gawin ng mga guro ay patnubayan ang mga bata na unawain ang Beijing Opera at tanggapin ang paghubog ng tradisyonal na sining ng kulturang Tsino.
Bilang baying-tinubuan ni Master Mei Lanfang, matatag ang pundasyon ng Taizhou sa kultura at arte. Lubos na pinahahalagahan ng pamahalaan at sibilyan sa lokalidad ang pagpapatuloy ng Beijing Opera. Noong katapusan ng taong 2008, idinaos sa Taizhou ang kapistahang pansining ni Master Mei Lanfang. Lumhok sa kapistahan si Mei Baojiu, anak ni Mei Lanfang at bantog na artista ng Tsina at dumalaw rin siya sa bagong itinatag na museo ni Mei Lanfang. Sa harap ng isang lumang larawan, naispatan niya ang kanyang sarili noong bata pa. marami siyang sinabi:
"Sa pagkita ng mga kasangkapang ito, parang bumalik ako sa panahon ng pagkabata. Sa harap ng salaming ito, nagsanay ang aking tatay. Nagsanay din ako sa harap ng salaming ito. Ang mga kasangkapan ay testigo ng aking paglaki."
Dumalaw sa museo ni Mei Lanfang ang maraming residente ng Taizhou. Ang 90 taong gulang na si Ginoong She Chufeng ay isang bantog na apisyunado sa Beijing Opera. Sa loob ng museo, nagpalabas siya ng Beijing Opera at matunog na pinapalakpakan. Sinabi ni She na:
"Para sa akin, mapagmalaki at maligaya ako sa pagtira sa lupang-tinubuan ni Master Mei Lanfang."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |