Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, naglaan ng malaking pondo para sa medikal na seguridad

(GMT+08:00) 2009-04-16 15:09:17       CRI

Isinapubliko kamakailan ng pamahalaang Tsino ang bagong plano ng repormang medikal at ayon sa planong ito, itatayo ng Tsina ang saligang sistema ng medikal na seguridad na sumasaklaw sa mga mamamayan ng lahat ng mga lunsod at nayon sa loob ng 3 taon para malakas na mapataas ang lebel ng medikal na serbisyo at mapababa ang gugulin ng mga mamamayan. Naglaan ang pamahalaang Tsino ng 850 bilyong yuan RMB para mapalakas ang konstruksyon ng imprastrukturang medikal. Isinalaysay ni Wang Jun, Pangalawang Ministrong Pinansyal ng Tsina kung papaanong gagamitin ang 850 bilyong yuan RMB. Sinabi niyang:

"Dapat maigarantiya na ang napakalaking bahagi ng pondong ito ay gagamitin sa nakabababang yunit. "

Kung papaanong malutas ang isyu ng kahirapan sa pagpapagamot? Ang isyung ito ay binibigyan ng napakalaking pansin ng mga mamamayan. Ang pangunahing dahilan ng mataas na presyo sa pagpapagamot ay mahal ang gamot. Sa mahabang panahon sa nakaraan sa anggulong pangkalakalan, nais ng mga medikal na institusyon na gumamit ng mga gamot na mataas ang presyo at ito ay naging dahilan na nagdulot ng malaking pansinin sa mga mamamayan.

Kaya, iniharap ng bagong plano ng repormang medikal na dapat itayo ang sisitema ng pagsuplay ng gamot batay sa pambansang sisitema ng saligang gamot, alalaong baga'y, itinakda ng bansa ang presyo ng mga saligang gamot,bawasan ang mga tsenal sa pagitan ng pagsuplay at yunit na ginamitan ng gamot ang presyo ng gamot. Ipinalalagay ni Chen Zhu, Ministro ng Kalusugan ng Tsina na pagkaraan ng pagsasagawa ng bagong plano ng repormang medikal, bababa ang proporsiyon na binabayaran ng mga mamamayan at malaking bababa ang presyo ng gamot. Ang mga saligang gamot na ginagamit ng mga karaniwang mamamayan ay mataas ang kalidad at sapat ang pagsuplay at sa gayo'y matutupad ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga mamamayan.

Ang iba pang dahilan ng isyung mahal ang pagpapagamot ay ang saligang sistema ng seguridad na medikal ay hindi pa ganap na sumasaklaw sa lahat at hindi sapat ang seguridad.

Hinggil dito, maliwanag na iniharap ng bagong plano ng repormang medikal na dapat mapalawak ang saklaw ng saligang sisitema ng seguridad na medikal, bukod dito, kasunod ng pagtaas ng lebel ng kabuhayan, dapat mapalaki ang subsidy ng pamahalaan sa serbidyong medikal ng mga mamamayan. Sinabi ni Hu Xiaoyi, Pangalawang Ministro ng Paggawa at Segurong Panlipunan ng Tsina na:

"Ang paglutas ng isyu ng kahirapan sa pagpapagamot ng mga mamamayan ay isang masalimuot na proyekto. Una, dapat mapalawak ang saklaw ng sisitema ng seguridad at ang isa sa mga mahalagang tungkulin namin sa susunod na 3 taon ay magtatamasa ang lahat ng mga mamamayan ng saligang seguridad na medikal, sa gayo'y, bababa ang gugulin ng mga mamamayan sa pagpapagamot."

Dahil ng pagkabahala sa mga isyung gaya ng pagpapagamot at pensyon sa hinaharap, naging popular ang kinagawian ng mga mamamayang Tsino na nag-impok. Ipinalalagay ng mga eksperto na kasunod ng pagsasagawa ng bagong plano ng repormang medikal, ang mga mamamayan ay bibigyan ng mas maraming garantiya sa serbisyong medikal, bagay na makakaalis ng pagkabahala nila at sa gayo'y, magpapasulong sa konsumo at pangangailangang panloob at ito ay ibayo pang mapapasulong ang pag-unlad ng kabuhayan. Sinabi ni Li Ling, pangalawang Direkdor ng Sentro ng Pananaliksik ng Kabuhayan ng Tsina ng Beijing University na :

"Ang reporma ng sistemang medikal ay hindi lamang maaaring makalutas ng isyu ng kahirapan ng pagpapagamot ng mga mamamayan, kundi makakabuti sa kanilang seguridad na pangkalusugan at makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan. Ang pagpapalaki ng laang-gugulin ng pamahalaan ay magpapalaki ng pangangailangang panloob."

salin:wle

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>