|
||||||||
|
||
Sa taong ito, ang bilang ng mga bagong graduwadong Tsino ng pamantasan ay aabot sa 6.11 milyon na magiging rekord sa kasaysayan, at dahil sa epekto ng mga elemento na gaya ng pandaigdig na krisis na pinansiyal, magiging napakakritikal ang kalagayan ng paghahanap-buhay ng naturang mga bagong graduwado. Upang maigarantiya ang maalwang paghahanap-buhay nila, kasabay ng pagsasagawa ng pamahalaan, pamantasan, kolehiyo at lipunan ng iba't ibang hakbangin, batay sa kani-kanilang kalagayan, isinasaayos ng mga bagong graduwadong ito ang kanilang kaisipan sa pagpili ng trabaho at buong sikap na hinahanap nila ang trabaho.
Si Fu Yannan ay isang bagong graduwado ng School of Journalism and Communication ng Peking University at sa kasalukuyan, nagpapraktis siya sa isang media. Ipinahayag niya na masuwerte siya at sa kasalukuyan, wala pang 10 sa kaniyang mahigit 40 kaklase ay siguradong magkahanap-buhay, sinabi niya na
"Ang kalagayan ng paghahanap-buhay sa taong ito ay di-mabuti kumpara sa noong nakaraang ilang taon at ang karamihang kaklase ko ay naghahanap pa ng trabaho."
Datapuwa't hindi kasingmasuwerte ni Fu si Tang Guangjun, bagong graduwadong naman ng law school ng Peking University. Nagpraktis siya minsan sa isang bahay-kalakal na ari ng estado noong huling hati ng nagdaang taon, pero sa epekto ng krisis na pinansiyal, kinansela ang plano ng pangangalap ng mga bagong trabahador ng bahay-kalakal na ito. Pinagpipitan niyang magpadala ng kanyang resume sa iba't ibang yunit. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit sandaang resume ang ipinadala niya, pero wala siyang natatanggap na sagot. Ibinuhos niya ang halos lahat niyang enerhiya sa paghahanap ng trabaho. Sinabi niya na
"Ang unang bagay na ginawa ko pagkatapos ng pagbangon tuwing umaga ay bumisita sa mga website para makuha ang impormasyon hinggil sa hanap-buhay."
Kaugnay ng kritikal na kalagayan ng paghahanap-buhay sa taong ito, isinagawa na ng pamahalaang Tsino at mga institusyon ng edukasyon ang mga hakbangin para tulungan ang paghahanap-buhay ng mga bagong graduwado, ipagkaloob ang nakatugong serbisyo ng paghahanap-buhay. Ipinahayag ni Chen Yongli, namamahalang tauhan ng Student Career Center ng Peking University, na upang tulungan ang maalwang paghahanap-buhay ng mga bagong graduwado, isinagawa ng pamantasang ito ang iba't ibang mga hakbangin. Sinabi niya na
"Inanyayahan namin ang mga dalubhasa sa pagpapaplano ng karera at pamilyar sa pamilihan ng trabahador para magbigay ng espesyal na lecture sa mga bagong graduwado, madalas na nakikipag-ugnayan kami sa mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal para lumikha ng mas maraming pagkakataon ng hanap-buhay para sa mga bagong graduwado."
Nitong ilang taong nakalipas, iniharap ng pamahalaang Tsino at mga institusyon ng edukasyon na dapat magbigay ang mga bagong graduwado ng mas maraming pansin sa paghahanap-buhay at pagsisimula ng negosyo sa kanayunan. Isinapubliko naman ng pamahalaan ang may kinalamang patakaran para enkorahehin ang paghahanap-buhay ng mga bagong graduwado sa kanayunn. Kaugnay nito, sinabi ni Chen na
"Dapat baguhin ng mga bagong graduwado ang kanilang ekspektasyon sa hanap-buhay at kung pupunta sila sa dakong kanluran ng bansa o sa nakabababang yunit, malaki ang posibilidad na magkahanap-buhay."
Sa kasalukuyan, pinili ng dumarami nang dumaraming bagong graduwado ang paghahanap-buhay sa kanayunan. Ang taga-Guangxi na si Huang Huang ay isa sa kanila. Noong 2007, nagkahanap-buhay siya sa distrito ng Fangshan ng Beijing pagkatapos ng kanyang kurdo ng unibersidad. Nang sariwain ang pagpili niya noong panahong iyon, sinabi niya na
"Sa palagay ko, ang trabahong ito ay nagkaloob sa akin ng mas malawak na prospek ng pag-unlad at para sa mga bagong graduwado, ang mga nayon ay nagsisilbing isang malawak na espasyong pangkaunlaran at magkapaggaganap sila ng kanilang papel doon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |