Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Beijing Botanical Garden, masikat na araw at mabangong bulaklak

(GMT+08:00) 2009-04-24 18:22:34       CRI

Ang Beijing Botanical Garden ay pinakamalaking halamanan sa dakong hilaga ng Tsina. Nang dumating ang Tag-sibol at namumukadkad ang iba't ibang uri ng bulaklak, liban sa pagmamasid sa iba't ibang uri ng mabango at magandang bulaklak doon, ang mga bisita ay maaaring uminom ng tsaa roon habang nag-iinjoy ng mainam na atmospera sa paligid. Sa programang ngayong gabi, pakinggan ninyo ang hinggil sa Beijing Botanical Garden.

Ang Beijing Botanical Garden ay itinatag noong 1956 at may mahigit 10 libong uri ng mga halaman. Ang pestibal ng peach flower na idinaos doon tuwing tag-sibol ay nagsisilbing tampok na nakakaakit ng mga bisita. Ang kasalukuyang pestibal na binuksan noong ika-21 ng nagdaang buwan ay tatagal hanggang sa ika-5 ng susunod na buwan at ayon sa salaysay ni Zhao Shiwei, pangalawang Direktor ng halamanang ito na itinatangahal sa psetibal na ito ang mahigit 200 uri at 600 libong paro ng bulaklak. Sinabi niya na

"Ayon sa dating karanasan, tinayang mga 1.5 milyong turista ang paparito para pagmasdan ang bulaklak sa panahon ng pestibal na ito. Sa kulturang Tsino, ang peach flower ay nagpapahiwatig ng kasaganaan at suwerte, kaya umaasa ang mga turista na matatamo ang mabuting palad pagkatapos ng pagmasid ng peach flower."

Si Gu Xiaochen ay isang kawani ng pamahalaan ng Beijing. Noong nagdaang Linggo, pinuntahan niya at ng kanyang nobya ang halamanang ito para pagmasdan ang peach flower at kumuha ng larawan, sinabi niya na

"Sa isang dako, malaki ang presyur na iniatang sa akin pang-araw-araw na gawain, kaya pumarito ako para mag-injoy ng bulaklak at magrelaks, sa kabilang dako naman, apisyunado ako sa pagkuha ng larawan, kaya gusto kong kunan ng mga larawan ang marikit na bulaklak dito."

Bukod ng pestibal na ito, sa kalagitnaan ng buwang ito, itatanghal sa halamanang ito ang mga tulip. Inilahad ni Zhao na sa kasalukuyan, nagkakaroon ang halamanang ito ng mga kilalang bulaklak sa daigdig na bihirang nakikita noon sa mga halamanan.

Sa kasalukuyan, ang halamanang ito ay nagkakaroon ng pinakamalaking greenhouse ng pagtatanghal sa Asya na may mahigit 3100 uri ng halaman sa topical at sub-topical zone. Bukod dito, nagkakaroon ang greenhouse na ito ng mga pambansang bulaklak na galing sa Laos, San Marino, Zambia at iba pa. Ang naturang mga kilala at magandang bulaklak ay nakakagayuma ng maraming turista, sinabi ni Ginang Pan, isa sa mga turista, na

"Sa greenhouse ng halamanang ito, nakakakita kami ng mga magandang bulaklak na hindi nakita noon. Labis na nagagayuma ako sa mga ito."

Bukod dito, itinatanghal sa greenhouse ang mga pambihirang halaman na gaya ng double coconut, pinakamalaking seed sa daigdig at tinatawag ito ng mga mamamayang lokal na bunga ng pagsinta. Inilahad ni Wang Mengmeng, giya ng halamanang ito, na

"Nag-ipon kami ng mga pambahirang halamang gaya ng double coconut na galing sa Seychelles sa Indian Ocean. Ang pangunahing katangian nito ay ang seed nito ay mukha ng puwit ng tao."

Sa panahon ng pestibal na ito, idinaos ng halamanang ito ang isang serye ng aktibidad na kultural na gaya ng pagtatanghal at palabas ng kultura ng Tsaa. Inilahad ni Li Mingxin, may kinalamang namamahalang tauhan, na

"Ang ginagawa namin ay nagkaloob ng isang mabuting atmospera sa mga bisita para sa pagpapasasa ng mga inumin at pagpapahinga. Masasabing ito ay nagiging popular."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>