Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Reporma sa industriya ng paglilimbag ng Tsina, mabilis

(GMT+08:00) 2009-04-28 15:16:27       CRI

Isinapubliko kamakailan ng General Administration of Press and Publication ng Tsina o GAPP ang plano hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng reporma sa sistema ng industriya ng paglilimbag para itakda ang roadmap at timetable ng repormang ito. Ipinalalagay ng maraming tao sa sirkulo ng paglilimbag na ito ay nagpapabilis ng pagbubukas ng industriyang ito.

Noong una nang hindi bumukas ang industriya ng paglilimbag ng Tsina sa labas, ang lahat ng libro ay dapat ilathala ng limbagan na ari ng estado. Kasunod ng bumibilis nang bumibilis na reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas, unit-unting lumilitaw ang mga problema sa industriyang ito na gaya ng maliit ang saklaw, mahina ang kakayahang kompetetibo at iba pa. Upang baguhin ang kalagayang ito , sinimulang isagawa ng Tsina ang reporma sa sistema ng industriyang ito na 6 na taon na ang nakararaan. Ang China Science Publishing Group ay isa sa 21 limbagan na pinakaunang isinagawa ang reporma. Noong 2005, ang grupong ito ay naging isang bahay-kalakal mula isang institusyon na ari ng estado. Noong nakaraang ilang taon sapul nang isagawa ang reporma, maliwanag ang pagiging malakas ng kakayahang kompetetibo ng grupong ito at tulut-tuloy na lumalaki ang taunang pagkita nito. Inilahad ni Wang Jixiang, tagapangulo ng grupong ito, ang hinggil sa pagbabago na dulot ng reporma. Sinabi niya na

"Sa pamamagitan ng ilang taong pagplano at reporma, sa kasalukuyan, natapos sa kabuuan ang aming reporma sa sistema at naging mabuti ang aming ideya at episiyensiya ng operasyon. Masasabing ang repormang ito ay maglalatag ng mabuting pundasyon sa aming pag-unlad sa hinaharap."

Pagkaraan ng ilang taon, komprehensibong natapos ang reporma ng iba pang 20 limbaga\at kasabay nito, sumusulong ang reporma sa buong industriyang ito. Inilahad ni Jiang Jianguo, pangalawang puno ng GAPP, ang diin ng repormang ito. Simabi niya na

"Ang ubod ng repormang ito ay bumago ng mga limbagan na ari ng estado sa bahay-kalakal at magtatag ng modernong sistema ng bahay-kalakal para pataasin ang kakayahang kompetetibo at sa gayo'y mapasulong ang kasaganaan ng industriya ng paglilimbag."

Ipinalalagay ni Zhou Weihua, editor-in-chief ng China Renmin University Press, na ang repormang ito ay nakakabuti sa pagpapalakas ng kasiglahan ng mga limbagan ng pamantasan. Sinabi niya na

"Dapat baguhin ang mga limbagan na ari ng estado sa bahay-kalakal, kung magkakagayon, saka lamang palalakasin ang kasiglahan nito para mapasulong ang sariling kaunlaran. Sa tingin ko, ito'y direktang katuturan ng repormang ito."

Ipinalalagay ng mga tauhan ng industriyang ito, na may isang malaking breakthrough na natamo ng repormang ito ay kinilala ang mga limbagan na di-ari ng estado na bagong sumisibol na produktibong lakas ng kultura at ang pag-unlad nito ay kinakatigan ng bansa. Ipinaliwanag ng planong ito na isasagawa ang pilot work ng magkasanib na operasyon ng mga limbagan na ari ng estado at pribado para itatag ang platapormang pangkaunlaran sa mga limbagan na di-ari ng estado.

Ayon sa roadmap hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng repormang ito, pasusulungin ng Tsina ang pagsanib at muling pagtayo ng mga limbagan, itatatag ang mga malaking bahay-kalakal ng paglilimbag at media na may malakas na puwersa at pandaigdig na impluwensiya at pasisiglahin ang mga may kakayahang bahay-kalakal ng paglilimbag at media na itatatag ang mga sangay nito sa ibayong dagat.

Bukod dito,aktibong pasusulungin ng Tsina ang pagpapalitang panlabas sa larangan ng paglilimbag, eenkorahehin ang pagsalin at paglilimbag ng mga mahusay na katha sa loob at labas na bansa sa pamamagitan ng tulong ng pamahalaan, buong sikap na pasusulungin ang pagpasok ng mga industriya ng paglilimbag sa pangunahing dayuhang pamilihan sa pamamagitan ng iba't ibang tsanel para ibayo pang palawakin ang pandaigdig na impluwensiya at kakayahan ng pagpapalaganap ng kulturang Tsino.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>