|
||||||||
|
||
Ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng Suzhou Industrial Park(SIP) sa Lalawigang Jiangsu sa Silangang Tsina, ito ay proyektong pangkooperasyon ng mga pamahalaan ng Tsina at Sinagapore. Ang SIP ay may mahigit 1400 Sino-foreign joint venture at ang 50% sa mga ito ay Sino-Europeo at Sino-Amerikano joint venture; ang mga produkto ng SIP ay pangunahin na, iniluluwas sa pamilihan ng EU at E.U. at ang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ay bumubuo nang mahigit 50% sa kabuuan ng buong bansa. Isiniwalat ni Ma Minglong, namamahalang tauhan ng SIP na sa ilalim ng pandaigdig na krisis na pinansyal, ang pagluluwas ng SIP ay naapektuhan. Sinabi niyang:
"60% ng halaga na industrial ng SIP ay galling sa IT. Ang gayong laki ng pagkabukas sa labas ay walang duda, naaapektuhang malaki ng pandaigdig na krsis na pinansiyal. Kinakaharap nito ang malaking hamon. Dahil, marami ang kalakalan ng pag-aangkat at pagluluwas, malaki ang epekto sa amin ng pandaigdig na pamilihan. Kaya, mula noong Nobyembre ng taong nakalipas, lumalalim ang epektong dulot ng pandaigdig na krisis sa SIP at bumababa ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas. "
Ayon sa estatisdika, noong ika-4 na kuwarter ng 2008, ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng SIP ay umabot sa 12.85 bilyong dolyares, ngunit, noong unang kuwarter ng taong ito, ang bilang na ito ay nabawasan ng mahigit 3 bilyong dolyares at noong Enero sa partikular, lumitaw ang negative growth sa pagluluwas.
Ang SAMSUNG ay isa sa mga dayuhang bahay-kalakal na pinakamaagang pumasaok sa SIP, ipinahayag ni Lee Byung Chul, punong maneger sa rehiyong Tsino ng SAMSUNG na, sa ilalim ng impakto ng krisis, sa isang dako, hindi paliliitin ng kaniyang kampanya ang pamumuhunan sa Tsina, at sa kabilang dako naman, patuloy na palalakihin ang laang-gugulin sa edukasyon, proteksyon ng kapaligiran at konstruksyon ng kanayunan at iba pang usaping panlipunan. Bukod dito, hindi naman babawasan ang mga tauhan ng kompanya. Sinabi niyang:
"Ipinatalastas na ng aming kampanya na sa kasalukuyang krisis, hindi babawasan ang mga tauhan. Bukod dito, sa kasalukuyan, dinagdagan na ang mga tauhan sa ilang pabrika. "
Paanong mapapalipas ang krisis ng mga bahay-kalakal na gaya ng POSITEC sa SIP? Nang kapanayamin si Wu Xiaodong, pangalawang punong maneger ng POSITEC, ipinahayag niyang dapat samantalahing ang pagkakataon ng krisis at magpaunlad ng nagsasariling inobasyon. Sinabi niya na:
"Ang aming bahay-kalakal ay nag-laan ng 50 milyong yuan RMB para sa pananaliksik at paggagalugad ng mga bagong produkto noong isang taon at sa taong ito, ang laang-guuglin namin sa aspektong ito ay lalaki nang 30% hanggang 50%. Ang pangunahing layunin namin ay lubos na samangtalahin ang pagkakataong nasa resesyon ang ekonomiya ng buong daigdig at humihina ang negosyo ng mga malaking kampanya para sakupin ang pamilihang pandaigdig. "
Lubos ang kompiyansa ni Ma Minglong, namamahalang tauhan ng SIP sa hinaharap, sinabi niyang:
"May kompiyansa ako sa kasalukuyang paglaki, at kasabay nito'y, may kompiyansa ako sa hinaharap, ibayo pang patatasin ang antas ng industrya, pabubutihin ang serbisyo at palalakasin ang kakayahang kompetetibo sa siyensiya at teknolohiya. May 2 target ang SIP, sa hinaharap, alalaong baga'y, magiging isang hi-tek industrial park kung saan magtipon-tipon ang mga industrya, mga talento at malakas ang kakayahang kompetetibo sa daigdig; isa pa, magiging isang pandaigdig, makabago, inpormasyonal, ekologikal at innobasyonal na industrial park."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |