|
||||||||
|
||
Ngayong gabi, iri-reveal ko naman sa inyo kung ano ang tatlong awiting pinakanagugustuhan ng listeners. Hayaan niyong ulitin ko muna ang limang kanta na ini-recommend ko sa Pop China nitong nakaraang Linggo: "Inang Bayan" nina Jacky Chen at Chen Yuanyuan, "Butterfly" ni Jolin Tsai, "Pagkalipas ng 700 taon" ni Eason Chen, si Nicolas Tse at ang kanyang "After the True Love", at si Shadya at ang kanyang bagong kantang "Lihim".
Bumoto na ba kayo para sa number one Chinese song at number one Chinese song artist sa aking message board o sa pamamagitan ng text messages?
Una, tingnan natin ang ikatlong pinakapopular na kanta.
"lihim" ni Shadya
Ang naririnig ninyo ay ang kantang "lihim" ni Shadya. Napakalamig na boses at napakahinhing babae. Bagong mang-aawit pa lamang siya pero magandang maganda na ang standing niya sa iba't ibang music charts. Sa pagmamahalan, parang pare-pareho lang ang nararamdaman natin, kaya naman nagkatimo sa ating pareho ang kantang ito.
"Butterfly" ni Jolin
Ikalawa, "Butterfly." Nananatiling ika-2 pinakapopular na kanta ang "Butterfly" ni Jolin sa ating programa sa loob ng dalawang linggo. Talagang ang lakas ng dating niya. Sabi nga ng mensahe ng listener na si Shasha: "Si dancing diva, ok sa akin iyan. Very lively performer. Di lang singer, choreographer pa. She is real stunning.".
Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin namang i-text ninyo ang inyong nararamdaman para sa alinmang kanta o koment dito sa 09212572397.
Si Eason Chan at ang kanyang "Pagkalipas ng Pitong Daan Taon"
Punta na tayo sa pinaka-exciting moment: Sino ang pinakapopular na Chinese singer sa ating programa? Iba iba ang sagot, pero, para sa gabing ito, Si Eason Chan at ang kanyang "Pagkalipas ng Pitong Daan Taon" ang muling nagwagi.
Ok, sa susunod, dalawa pang bagong kanta ang iiintrodyus ko sa inyo. Alin ang gusto niyong marinig? Mag-iwan lang kayo ng mensahe sa aming website o magteks sa amin, ok?
Isasapubliko ni Wilber Pan ang kanyang bagong album na entitled <007>, ito rin ang ika-7 na album niya pagkaraang siyang pumasok sa sirkulo ng entertainment. naririnig ninyo ang pangunahing kantang "Be With You" ng nila ni Akon, sikat na hip-hop singer na Amerikano. Tingnan natin kung anong kataka-takang karanasan ang maipakikita ng tambalang ito sa atin.
"Be With You" nina Wilber Pan at Akon
Kapuwa nasa parehong music company, at sa koordinasyon ng pangalawang direktor ng kompanya, natapos nina Wilber at Akon ang recording ng kantang ito sa Tokyo. Si Wilber Pan ay tagahanga ni Akon, kaya naman naghahanap siya ng mga regalong may estilong Tsino para kay Akon, na gaya ng traditional Chinese garments at traditional hand puppet show at iba pa. Anong alam niyo, nagsi-share din sila ng kani-kaniyang karanasan sa paghanap ng babae.
"Unclosable Window" ni Chou Chuen Hung o Steve Chou
Naririnig ninyo ang bagong kanta ni Wilber Pan –"Be With You". Ok, susunod, isa pang bagong kanta ang ire-recommend ko para sa linggong ito. Ito ay ang "Unclosable Window" ni Chou Chuen Hung. Kanino mo binuksan ang bintana ng puso mo? Ngayon, hindi mo masarhan-- at ayaw mong isara.
Ok, uulitin ko ang limang kanta for this week: "Be With You" nina Wilber Pan at Akon, "Unclosable Window" ni Chow Chuen Hung, "lihim" ni Shadya, "Butterfly."ni Jolin Tsai at "Pagkalipas ng Pitong Daan Taon" ni Eason Chan. Mag-iwan lang kayo ng mensahe sa aming website o magteks kayo sa amin. Linggu-linggo, pipili kami ng isang listener at random, at padadalhan namin ang masuwerteng tagapakinig na ito ng CD ng isang Chinese singer. Ang album na ipapadala namin para sa Linggong ito ay ang "Butterfly" ni Jolin Tsai. Hihintayin ko ang inyong messages.
Sa ika-2 bahagi ng programang Pop China ngayong gabi, gusto kong magpatugtog ng kanta para sa ilang listerners. Puwede kayong mag-dedicate ng kanta para sa inyong mga kaibigan o kapamilya sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming website o pagteteks sa amin.
Sabi ni Bernie Brown : "thank you for the music. It soothes my bleeding heart." Bakit Bernie, ano ang nangyayari? Mag-e-mail ka sa akin if you wish to share with me your sorrow and pain. Tulad din ito ng message na ipinadala ng tagapakinig na si Ronnalyn sa aming website. Sabi: "When you are heartbroken, music will see you through the crisis." Ang kantang "after the true love" ay para sa iyo.
Mensahe mula sa 9179606218 : "Hindi ako marunong gumawa ng music o mag-play ng music pero marunong akong makinig ng music. Siguro ikaw din mahusay sa music appreciation."
Maraming maraming salamat sa iyong textmessage. Ang kantang "transparent na pakpak" ni Angela Chang ay para sa iyo, Sana makaroon ka at ang lahat ng iba pang tagapakinig ng isang masayang linggo. Hope you are all safe and sound and happy. Para sa anumang mungkahi, welcome kayong mag-e-mail sa babae_sissi@yahoo.com.cn, o just add me up sa inyong yahoo messenger.Ito muli si Sissi, see you next week.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |