Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagmamasid ng magnolia flowers sa West Hill ng Beijing

(GMT+08:00) 2009-05-07 19:27:15       CRI

Nang pumasok sa tag-sibol at mamulaklak ang mga bulaklak, magtatamasa kayo ng espesyal na libangan kung pupunta sa Dajue Temple sa West Hill ng Beijing at magmamasid ng magnolia flowers doon. Nitong nakalipas na maraming taon, nagmamasid ang maraming tao ng magnolia flowers doon bawat tag-sibol. Kasabay ng pamumulaklak ng magnolia flowers, sinimulan ang kapistahan ng pagpapasasa ng tsaa at pagmamasid ng magnolia flowers. Sa palatuntunan ngayong gabi, dadalhin kita sa Dajue Temple at mag-iinjoy ng magandang tanawin doon.

Sinimulang itatag ang Dajue Temple sa Liao Dynasty noong 1086 at halos sanlibong taon ang kasaysayan nito. Makikita ninyo ang mga historikal na materyal sa bawat sulok ng templo na gaya ng stele sa Liao Dynasty, arkitektura sa Ming Dynasty at inskripsyon ng emperador sa Qing Dynasty. Ang pinakakilala sa mga ito ay isang matandang magnolia tree na may halos 350 taong kasaysayan. Sinabi ni Ginang Sun Rongfen, namamahalang tauhan ng Dajue Temple na,

"Sa panahon ng pamumulaklak ng magnolia flowers, idinaos namin ang kapistahan ng magnolia flowers. Kasabay nito, inihandog namin ang kinauukulang pagtatanghal at koleksyon ng mga larawan, at nang bumisita sa pagtatanghal, ang mga bisita ay maaaring magmasid ng bulaklak, magpasasa ng tsaa at marinig ang musika ng Budismo, talagang ideyal na lugar para sa paglilibang."

Ang magnolia flowers ay pinakamagandang tanawin sa Dajue Temple, ito rin ang isa sa mga palatandaan ng templong ito. Ang Dajue Temple ay hindi siyang tanging lugar sa Beijing na may magnolia flowers, bakit kilalang kilala ang kapistahan ng magnolia flowers doon? Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Ginang Xuan Lipin, direktor ng departamento ng negosyo ng lupong tagapamahala ng Dajue Temple na,

"Mahigit 300 taon ang kasaysayan ng naturang magnolia tree sa aming templo at pinakamatanda ito sa Beijing, kaya ito ay naging tampok ng Dajue Temple. Bago o makalipas ang ika-5 ng Abril bawat taon, namumulaklak ang punong ito, dahil matanda ang puno, napakalaki ang bulaklak nito at napakaganda."

Bukod sa pagmamasid ng bulaklak, maaaring hanapin ng mga bisita ang isang napakatahimik na lugar sa templo—Minghui Tea House. Sinabi ni Ginang Murong Zigui, punong manedyer ng tea House na ang bukal ng matandang templong ito ay nakapagbigay ng espesyal na diwa sa tsaa doon.

"Ang kalidad ng tsaa ay depende sa kalidad ng tubig. Sa Dajue Temple, de-kalidad ang bukal at maganda ang tanawin, bukod sa pag-inom ng tsaa, maaaring makita ninyo ang likas na tanawin. Bawat umaga, humuhuni ang mga ibon, naglalaro ang mga squirrel at namumulaklak ang mga magnolia flowers sa simoy ng hangin. Ang Minghui ay nangangahulugang matalino at marunong, nang magpasasa ng tsaa doon, maaaring sariwain at isipin ang buhay ninyo."

Pagpasok sa tag-sibol, sunud-sunod na pumarito ang mga bisita at nakaramdam ng katangi-tanging katuwaan ng Dajue Temple. Nagkoment si Ginang Wang Jin, isang turista na,

"Sinabi ng aming kaibigan na maganda ang Dajue Temple at malapit ito sa bahay ko. Talagang maganda ang lugar na ito at parang Shangri-La, di tulad ng lunsod, sariwa ang hangin doon at may maraming matandang puno. Gusto kong dalhin ang bata ko sa templong ito para bumisita sa historic site at makaramdam ng hangin at bulaklak sa labas ng lunsod at malaman ang kuwento at kasaysayan ng naturang mga historical site.

Datapuwa't nakaranas ng pagsubok ng ula't hangin nitong nakalipas na sanlibong taon, lipos ng kasiglahan pa rin ang Dajue Temple at nakakahikayat ito ng maraming turista.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>