|
||||||||
|
||
Ang magandang peonies ay nagugustuhan ng mga mamamayang Tsino mula sa sinaunang panahon. Ang Luoyang sa Lalawigang Henan sa gitang Tsina ay isang lunsod na may pinakamahabang kasaysayan sa Tsina. Bukod sa mahabang kasaysayan, ang lunsod na ito ay kilala naman sa peonies. Dahil mainit ang klima, mataba ang lupa at mahusay ang maghahalaman, ang peonies sa Luoyang ay pinakamaganda sa daigdig. Sa palatuntunan ngayong gabi, ang peonies sa Luoyang ay pagmamasdan namin.
Sa Luoyang, ang peonies ay bulaklak ng lunsod at nagi itong maluningning na name-card ng lunsod.
Mahaba ang tradisyon ng pagtatanim at pagmamasid ng peonies ng mga taga-Luoyang at noong nakaraang mahigit sanlibong taon, kilalang kilala sa daigdig ang peonies sa Luoyang. Sapul noong 1983, idinaos ng lunsod na ito ang kapistahan ng peonies bawat taon at nakakahikayat ng maraming manlalakbay. Isinalaysay ni Guo Hongchang, alkalde ng Luoyang na,
"Hanggang sa kasalukuyan, ang kapistahan ng peonies ng Luoyang ay nagiging isang komprehensibo't malaking aktibidad sa Henan kung saan pinag-iisa ang pagmamasid ng bulaklak, pagbisita sa tanawin, pagdadambana sa mga ninuno, pagpapalitang pangkabuhayan, paglilibang at paglalakbay. Noong 2007, inilakip ang kapistahang ito sa listahan ng 10 pinakamalaking gayong uring kapistahan ng Tsina, at noong 2008, inilakip ito sa listahan ng national intangible cultural heritage."
Mula Abril hanggang Mayo bawat taon, namumulaklak ang mga peonies sa Luoyang. Sinabi ni Chen Liyan, isang turista mula sa Zhengzhou na,
"Sa tingin ko, ang peony dito ay totoong maituturing na bulaklak ng estado, nagpapakita ito ng diwa ng aming bansa, magaan ang loob ko nang pagmasdan ang mga ito at ang halimuyak nito ay nagpapahiwatig ng pagdating ng tagsibol."
Ang patak ng hamog sa mga peonies ay parang malakristal na perlas na nagniningning sa sikat ng araw. Nagpahayag ang isang turista mula sa New York ng kanyang pag-ibig sa peonies sa wikang Tsino. "Pinakamaganda sa daigdig ang peonies ng Luoyang."
Medyo mahaba ang panahon ng pamumulaklak ng peonies ng Luoyang. Nang simulang malanta ang mga peonies sa mga parke sa paligid ng Luoyang, ang mga peony sa mga bulubunduking purok sa timog Luoyang ay namumukadkaran.
Sinabi ni Wang Guangyi, pangalawang direktor ng Kawanihan ng Pangangasiwa sa Bundok Baiyun ng Bayang Song ng Lalawigang Henan na,
"Ang ligaw na peony sa scenic spots ng Bundok Baiyun ay napakabihirang uri ng peony, iba ito sa peonies na itinanim ng tao. Sa ika-10 ng Mayo, ang bulaklak ng peonies dito ay pumasok sa panahon ng pamumukadkaran at tatagal ito hanggang ika-10 ng Hunyo."
Sa kapistahan ng peonies sa taong ito, inihandog ang iba't ibang makukulay na palabas at makakaramdam ang mga bisita ng kultura ng peonies habang pagmasdan ang mga bulaklak. May mga manlalakbay ang nabighani ng mga aktibidad na pansining sa mga scenic spots at nagpaliban ng kanilang pagtira. Pagkaraang manood ng palabas, nagkoment ang isang manlalakbay na si Wu Zunyi na,
"Habang pinagmamasdan ang bulaklak, nanonood kami ng mga palabas na gaya ng acrobatics, awit at sayaw, talagang maganda ang lahat. Maraming lugar ang binisita ko, pero walang nakita ko ang ganitong tanawin at palabas. Ikukuwento ko ang mga ito sa aking mga kaibigan at kasamahan."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |