Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtitipon ng mga camellia sa Dali ng Lalawigang Yunnan

(GMT+08:00) 2009-05-20 19:38:28       CRI

Ang camellia ay kilalang tradisyonal na bulaklak ng Tsina, ito rin ang isa sa mga kilalang bulaklak sa daigdig. Dahil maganda at maluningning ang bulaklak at lunti-luntian ang dahon, minamahal ng mga maghahalaman sa buong daigdig ang camellia. Sa palatuntunan ngayong gabi, ang camellia sa Prepecturang Awtonomo ng Lahing Bai ng Dali sa Lalawigang Yunnan ng Tsina ang papaksain namin.

Masagana ang yaman ng bulaklak sa Dali sa Gitnang Yunnan. Kung pupunta sa Yunan, ang camellia ay dapat pagmasdan ninyo. At ang camellia sa Dali ay pinakamaganda sa Yunnan. Ayon sa historical record, malawakang itinanim sa Dali ang camellia noong Tang Dynasty at Song Dynasty. Noong ika-17 siglo, ipinasok sa Britanya, sa kauna-unahang pagkakataon, ng mga Briton ang camellia mula sa Dali. Kasabay nito, kilalang kilala ang camellia sa buong Europa at magkakasunod na ipinasok ito sa maraming bansa sa Amerika at Asya.

Bilang mahalagang pinag-mulan ng camellia, ang Dali ay nagiging pangunahing rehiyong nagtatanim ng camellia sa Tsina. Ipinahayag ni Zhang Jianchun, tagapangulo ng Samahan ng Camellia ng Dali, na mahigpit ang pakikipag-ugnayan ng mayamang camellia sa espesyal na kondisyong natural at heograpikal ng Dali.

"Ang pinag-mulan ng camellia ng Yunnan ay, pangunahin na, sa mga malamig na nagtataasang bulubunduking purok ng Bundok Diancang at Bundok Gaoligong. Sanhi ng espesyal na kondisyong likas, depersipikado ang uri ng halaman sa Dali. Kabilang dito, nagtatampok ang camellia at azalea. Halimbawa, ang 8 pinakakilalang uri ng camellia sa Yunnan ang itinatanim sa Dali."

Nitong nakalipas na sanlibong taon, nagugustuhan, itinatanim at pinagmamasdan ng mga taga-Dali ang camellias. Makikita ninyo ang mga mahigit sandaang taong gulang na camellia tree sa bawat sulok ng Dali at makikita naman ang camellia tree sa bawat pamilya doon.

Upang buuin ang pandaigdig na tatak at propesyonal na pamilihan ng camellia, itinatag ng Dali ang isang kalye ng camellia. Si Zhang Ruirong ay isa sa mga magtatanim ng camellia sa kalyeng ito. Sinabi niya na,

"Sapul nang itatag ang kalye ng camellia noong 2007, pumasok sa bawat pamilya ang camellia. Nagtatanim ako, pangunahin na, ng 4 na kilalang uri ng camellia at pinakamarami ang itinatanim ko sa Dali. Noong dati, medyo mataas ang presyo ng camellia, pero pagkaraang idaos ng Dali ang ekspo ng camellia, tamang-tama ang naging presyo nito at mabuti ang negosyo namin."

Mula noong 2008, inihahandog ng Dali ang serye ng malaking aktibidad sa kalye ng camellia na kinabibilangan ng pandaigdig na ekspo ng orchid at camellia bawat taon. Salamat sa naturang mga aktibidad, kinikilala ng mga dalubhasa sa camellia ang katayuan ng camellia sa Dali. Binigyan naman ng lubusang pagpapahalaga ni You Muxian, pangalawang tagapangulo ng International Camellia Society sa Tsina ang impluwensiya ng naturang mga aktibidad.

"Pumunta ako sa Dali nang 5 beses. Sa tingin ko, mas mabuti ang ekspo ng camellia sa taong ito kumpara noong isang taon, dahil mas marami ang mga itinanghal na uri at mas malaki ang bilang ng mga itinanghal."

Napag-alaman, bilang kilalang destinasyong panturista at isa sa mga purok-panirhan ng mga etnikong grupo, hinaluan ng elemento ng bulaklak ang turismo sa Dali. Ang tradisyonal na etnikong pista sa lokalidad ay isang magandang halimbawa. Isinalaysay ni Zhang Yanchun, puno ng samahan ng camellia ng Dali na,

"Ang kalye ng camellia sa taong ito ay isang mahalagang nilalaman ng aming pista ng Dali. 136 na uri ng camellia ang itinatanghal sa pista. Ang kalye ng camellia sa taong ito ay nagsisilbing isang mabuting plataporma para sa pagbibigay ng espesyal na serbisyo sa mga manlalakbay na habang namamasiyal ay makakapagpili ng sarili nilang paboritong camellia, sa gayo'y ipinakikita ng pistang ito ang bagong imahe nito sa mga manlalakbay."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>