|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan ng pamahalaang Tsino ang malawak na aktibidad para wasakin ang mga napiratang katha at inorganisa rin ng iba't ibang sirkulong panlipunan ang mga aktibidad para pataasin ang kamalayang pampubliko sa pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari sa likhang-isip o IPR. Unti-unting tinanggap ng mga mamamayang Tsino ang konseptong ang pangangalaga sa IPR ay lumikha ng kayamanan at nagiging komong palagay ang paglikha ng mabuting kapaligirang pangkaunlaran para sa mapanlikhang kabuhayan.
Sa 31 lalawigan, rehiyong awtonomo at munisipalidad ng Tsina, winasak kamakailan ang 46.85 milyong napiratang katha at ilegal na publikasyon. Sa lugar na pinangyarihan ng pagwasak ng mga napiratang katha sa Beijing, sinabi ni Jiang Jianguo, pangalawang puno ng General Administration of Press and Publication ng Tsina, na
"Ang katuturan ng mga aktibidad ay ibayo pang nagpapakita ng mtatag na paninindigan at determinasyon ng aming bansa sa pagbibigay-dagok ng illegal copy at pangangalaga sa IPR at natamong mahalagang bunga para maakit ang mas maraming mamamayang Tsino na lumahok sa gawaing pagbibigay-dagok ng illegal copy at pangangalaga sa IPR."
Lumahok din sa aktibidad na ito si William Feng, punong kinatawan ng Motion Picture Association of America sa Tsina. Sinabi niya na
"Sa palagay ko, ito'y palatandaan ng determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pagbibigay-dagok ng illegal copy at pagtatatag ng sariling mapanlikhang kabuhayan."
Kasunod ng pagpasok sa bagong siglo, itinakda ng pamahalaang Tsino ang estratehikong target ng pagtatatag ng mapanlikhang bansa at sa pambansang estratehikong plano ng IPR na opisiyal na pinairal noong nagdaang taon, ibayo pang pinlano ang gawaing pangangalaga sa IPR. Sa isang dako, walang humpay na nagbibigay-dagok ang estado sa illegal copy at sa kabilang dako, nagsisikap ito para pataasin ang kamalayan ng buong lipunan sa IPR at lumikha ng kultura ng IPR na paggalang ng kaalaman, pagpapahalaga ng inobasyon.
Noong 2004, itinakda ng Tsina na mula ika-20 hanggang ika-26 ng Abril bawat taon ay linggo ng pagpapalaganap ng pangangalaga sa IPR at sa pamamagitan ng aktibidad ito, idaos bawat taon ng National Copyright Administration ng Tsina ang mga aktibidad ng pagpapalaganap ng IPR. Sa taong ito, kauna-unahang idinaos ng departamentong ito ang malaking pagtatanghal na pansining hinggil dito. Inilahad ni Wang Ziqiang, isang opisiyal ng departamentong ito, na
"Ang layunin ng pagtatanghal na ito ay para magpakita sa publiko na ang pangangalaga sa IPR ay hindi lamang nagbibigay-dagok ng illegal copy, kundi nagpapasigla sa inobasyon at nagpapasulong sa kasaganaan at kaunlaran ng kabuhayan, lipunan at kultura."
Umaksyon naman ang sirkulo ng copyright ng Tsina para aktibong pangalagaan ang IPR. Sinabi ni Wang Chun, Chief Executive Officer ng VODone Group ng Tsina, na
"Sa internet, napakarami ang illegal copy at sa katotohanan, ito'y nagdulot ng malaking kapinsalaan sa bawat website. Ang IPR ay lumikha ng kayamanan at upang makinabang sa inobasyon ang bawat website, dapat naming boykoteyuhin ang illegal copy at kung magkakagayon, saka lamang matamo namin ang pinakamalaking kapakanan."
Bukod dito, lumalaganap rin sa mga karaniwang mamamayan ang mga ganitong uri ng aktibidad. Sa ilalim ng pagtataguyod at pagkatig ng pamahalaan ng Shijiazhuang ng lalawigang Hebei, nangagsulputan ang mga boluntaryo ng pangangalaga sa IPR. Sa pamamagitan ng kanilang aktuwal na aksyon, iniinkorahe ng mga boluntaryo ang kanilang mga kamag-anak, kabigan at katrabaho sa pagpoykoteyo sa illegal copy. Si Zhang Jiyong, puno ng isang aklatan, ay isa sa kanila. Sinabi niya na
"Nagpapatakbo ako ng aklatan sa loob ng 18 taon at lubos na nauunawaan na malaki ang kapinsalaan ang idinulot ng illegal copy sa aming buong industrya. Kaya nagpatala ako sa pagiging ng boluntaryo. Dahil para sa amin, ito'y nakakatulong sa pangangalaga sa interes ng aming buong industriya. Umaasang magiging boluntaryo ang lahat ng mga manbabasa para bigyang-dagok ang mga mangangalakal na pumalaot sa illegal copy."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |