|
||||||||
|
||
Isang taon na mula noong ika-12 ng Mayo ng nagdaang taon hanggang sa kasalukuyan. Sa panahong ito, nakaranas ang mga tao sa nilindol na purok sa lalawigang Sichuan ng Tsina ng kritikal na pagsubok: sa isang dako, kinakaharap nila ang trauma ng lindol, sa kabilang dako naman, isinasabalikat ang mahalagang tungkulin ng muling pagtatayo ng kanilang tahanan. Sa pamamagitan ng iba't ibang paraan, nagpapahayag ang mga tao ng iba't ibang sirkulo ng lipunang Tsino ng kanilang pagmamalasakit at nagbibigay ng tulong sa mga mamamayan ng mga nilindol na purok para magtasama ng normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon. Sa lahat ng mga sinalantang tao, ang mga ulila ay binibigyan ng malaking pansin ng buong lipunan.
Si Qing ay isang mag-aaral sa Guangya middle school ng Dujiangyan ng Sichuan. Sinabi niya na
"My name is suzi. I'm thirteen years old. My favorite sport is swimming, I like play the piano. I like eat fruit. I like panda"
Noong ika-12 ng Mayo ng nagdaang taon, ilang oras bago maganap ang lindol, binisita si Qing ng kanyang mga magulang sa kanyang paaralan. Pero ang kanyang mga magulang ay nawala na nang dumaan ng nayong Yingxiu na tinamaan ng super lindol.
Nang maganap ang lindol, nag-aaral si Qing sa paaralan. Sinabi ni Wu Xiaoxia, guro ni Qing, na
"Sa sandali ng pagganap ng lindol, malakas na yumanig ng silid-aralan at hindi kami makatayo. Mabilis na hinila naming mga guro ang mga mag-aaral papunta sa palaruan."
Dahil sa pait na iniwan ng lindol at nawawala ang mga magulang, si Qing ay naging masyadong pighati. Maraming tao ay nagbigay-tulong sa kanya. Pagkaraang malaman ang kasawing-palad ni Qing, pinayayaan siya na nakatira sa dorm ng paaralan at ipinangako pa ng principal na tulungan si Qing na tapusin ang kanyang kurso. Ito'y isang malakas na pagkatig sa pamumuhay ni Qing sa hinaharap. Sinabi ng principal na ito na
"Unang una, ang paaralan ay bahala sa lahat ng kanyang matrikula mula middle school hanggang university at kanyang pocket money. Sa palagay ko, mas maaga ang pagbibigay-tulong sa kanya ay mas mabuti para sa kanya."
Bukod dito, tinulungan siya ng mamamahayag ng China Radio International o CRI sa paghahanap ng mga magulang sa pamamagitan ng pagsasahimpapawid at BBS. Kahit lahat ng pagsisikap ay nauwi sa walang-silbi, dinulutan ng mga ito si Qing ng kaaliwan sa kanyang pangungulila, nagi siya isang ulila. Ayon sa tadhana ng Ministri ng mga Suliraning Sibil ng Tsina, tinatanggap tuwing buwan ng mga ulila sa lindol ang 600 yuan RMB na subsidy mula sa pamahalaan para sa kanilang gastusin sa pamumuhay. Bukod dito, nagbibigay sa kanila ang iba't ibang pamahalaan sa lokalidad ng iba pang daragdagang tulong sa pondo at tumatanggap pa sila ng tulong mula sa publiko, kaya walang problema si Qing sa pamumuhay.
Upang magpahilom ng trauma ni Qing, lumikha ang kanyang mga guro, kaklase at kamag-anak ng isang mapagkaibigang kapaligiran para palayain siya sa pangungulila. Sinabi ni gurong Wu na
"Nag-aaral at namumuhay si Qing at ang kanyang mga kaklase na tulad ng magkakapatid. Sa Sabado at Linggo, paminsan-minsang sumama siya sa kanyang kaklase. Laging bumibisita kay Qing ang kanyang tiyo. Kaya sa semestreng ito, naging masigla at masaya siya."
Sa kasalukuyan, muling may kompiyansa si Qing sa pamumuhay at nagpakikita ng kanyang kahusayan. Sa isang pambansang paligsahan sa wikang Ingles, natamo ni Qing ang unang gatimpala. At nagsisikap siya para sa kanyang ambisyon. Sinabi niya na
"Marami ang aking ambisyon, nais kong maging isang doctor at nais kong pag-aralan ang lindol para magbigay ng tumpak na impormasyon sa lindol."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |