|
||||||||
|
||
Ang lawa ng Xianghai ng lalawigang Jilin sa dakong hilagang silangan ng Tsina ay pambansang natural reserve zone at mahigit 100 libong hektarya ang saklaw nito. Masagana ang yamang tubig, damo at puno doon, kaya kay rami ng mga ibon na kinabibilangan ng mga pambihirang ibon sa daigdig.
Ang ibon ay nagsisilbing kaibigan ng sangkatauhan at habang lumilipat sa ibang purok, nag-aanak at lumilipad, paminsan-minsang nakakatagpo ang mga ito ng panganib, kaya sa sandaling ito, kinakailangan nito ang tulong ng mga tao. Si Lin Baoqing ay namamahalang tauhan sa grupo sa pag-aalaga sa mga ibon ng sonang ito, sinabi niya na
"Ang lawa ng Xianghai ay nasa isang mahalagang daanan ng paglilipat ng mga ibon, ang panganib ay laging naganap sa kanilang paglilipad sa iba't ibang dahilan na gaya ng kulang sa pagkain, sakit at iba pa."
Upang iligtas ang naturang nasaktang ibon at tulungan silang muling bumalik sa kalikasan, espesyal na nabuo sa sonang ito ang nabanggit na grupo at kung may natuklas na nasaktang ibon, agarang binibigyan sila ng pangkagipitang tulong. Natanggap minsan ang grupo ng isang tawag mula sa isang lunsod na ilang daang kilometrong layo sa kanila na hiningian sila ng tulong sa isang may sakit na ibon.. Sinabi ni Lin na
"Ito'y isang red-crowned crane at nalason ito. Agarang itong ininiksyunan ng gamot na panlaban at iniuwi sa sona. Hanggang sa kasalukuyan, nakatira ito dito nang 7 taon at may 7 anak."
Sa sonang ito, ang pag-aalaga sa mga nasaktang ibon ay hindi atupag lamang ng grupong ito, isang responsibilidad ito ng mga mamamayang lokal. Natuklasan minsan ni Li Chunfu, magsasaka sa lawa ng Xianghai, ang isang nasaktang puting tagak at agad niyang isinugod ito sa sonang ito para lunasan.
Maganda ang kapaligiran ng lawang ito at maganda rin ang mga ibon doon, datapuwa't mas maganda roon ang puso ng mga taong nag-aalaga sa mga ibon na katulad ni Li Chunfu. Nitong ilang taong nakalipas, iniligtas na ng sonang ito ang 15 uri at 113 mga ibon na gaya ng maiilap na red-crowned crane, bustard, golden eagle at iba pa.
Inilahad ni Wang Liwei, isang tauhan sa sonang ito, na iniligtas minsan nila ang isang red-crowned crane at pagkagaling nito, ayaw itong bumalik sa kalikasan at nananatili sa isang reedy area sa sonang ito hanggang sa kasalukuyan.
Nitong ilang taong nakalipas, inilaan ng sonang ito ang mahigit 500 libong yuan RMB para bumili ng 2 ambulansiya na espesyal na gamitin para iligtas ang mga ibon, ang emergency telephone ay 24 na oras na bukas sa publiko at pinalawak ang prupong ito. Sa kasalukuyan, kung kailangan, lilitaw agad sa anumang sandali ang grupong ito sa lugar na pinangyarihan ng mga sakuna para iligtas ang mga ibon. Bukod dito, itinatag na ng sonang ito ang modernong sentro ng pagliligtas ng mga ibon na nagkakaroon ng 16 na tauhang may kinalamang karanasan at 3 mananaliksik ng mga ibon.
Sinabi ni Bao Jun, pangalawang puno ng kawanihan ng pangangasiwa sa sonang ito, na
"Nitong ilang taong nakalipas, matagumpay na iniligtas ang mahigit 1 libong iba't ibang uring ibon at ang aming saklaw ng pagliligtas ng mga ibon ay sumasaklaw sa purok sa dakong kanluran at gitna ng Jilin at Inner Mongolia. Laging isinasagawa namin ang pagpapalaganap ng kaalaman ng pangangalaga sa mga ibon para pataasin ang kamalayan ng mga mamamayan ng lokalidad sa pangangalaga ng mga ibon. Kaya kung matutuklasan ng mga mamamayan ang nasaktang ibon, agarang magpaalam sila sa amin. Hanggang sa kasalukuyan, ang bilang ng mga ibon na iniligtas ng mga mamamayang lokal ay umabot sa mahigit 1000 na kinabibilangan ng 48 na nasa listahan ng pangangalaga ng estado."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |