|
||||||||
|
||
Sapul noong 1851, idinaos na nang 124 na ulit sa halos 30 bansa ang World Expo at ang pagdaraos ng bawat ekspong ito ay kumatawan sa pag-unlad ng daigdig sa iba't ibang aspektong gaya ng siyensiya't teknolohiya, kultura, arte, arkitektura at pamumuhay, sa gayo'y nagpasulong sa bagong round ng pag-aaral, kompetisyon at progreso. Idaraos sa Shanghai, Tsina, ang 2010 World Expo na may temang "City, better life". Sa palatuntunan ngayong gabi, bibisita kami sa Shanghai World Expo Park.
Ang pagdarauhan ng Shanghai World Expo ay nasa dakong timog ng sonang sentral ng Shanghai. 5.28 kilometro kuwadrado ang kabuuang saklaw nito na kinabibilangan ng 3.28 kilometro kuwadrado na bulwagan ng pagtatanghal at 2 kilometro kuwadradong expo village at iba pang impraestruktura. Isinalaysay ni Ginang Diao Feicui, tauhan ng Kawanihan ng Shanghai World Expo na,
"Ang 3.28 kilometro kuwadrado na mga bulwagan ng pagtatanghal ay inihahati sa 5 bahagi. Ang bahagi A ay, pangunahin na, bulwagan ng pagtatanghal ng mga bansang Asyano. Ang bahagi B ay mga permanenteng gusali na kinabibilangan ng linya ng World Expo, China Pavilion, Sentro ng Palabas, Sentro ng World Expo, Theme Pavilion at mga bulwagan ng pagtatanghal ng mga bansa sa Atlantic Ocean at mga organisasyong pandaigdig. Ang bulwagan ng pagtatanghal ng mga bansang Europeo, Aprikano at Amerikano ay nasa bahagi C at ang mga bulwagan ng mga bahay-kalakal naman ay nasa bahagi D. Ang bahagi E ay isa sa mga tampok ng kasalukuyang ekspo, ang tema nito ay rehiyon ng pinakamabuting praktis ng konstruksyon ng mga lunsod."
Ang China Pavilion ay isa sa mga permanenteng gusali ng Shanghai World Expo at tinatawag itong "Oriental Crown". Isinalaysay ni She Zhipeng, namamahalang tauhan ng departamento ng proyekto ng Kawanihan ng Shanghai World Expo na ididispley ng China Pavilion ang pagkaunawa ng mga mamamayang Tsino sa temang "Better City, Better Life".
"Ang napakahalagang paraan ng pagdidispley ng bansang tagapagtaguyod ng World Expo ay ipahayag ang sariling pagkaunawa at pagdidispley sa pagtataguyod ng World Expo sa pamamagitan ng pagtatatag ng bulwagan ng pagtatanghal ng sariling bansa. Sa China Pavilion, ididispley doon ang hinggil sa pagkaunawa at pagpapakita ng tema ng Shanghai World Expo."
Upang malalimang ipaliwanag ang tema ng Shanghai World Expo, itinayo ng kasalukuyang ekspo ang Theme Pavilion kung saan tatalakayin ang relasyon ng sangkatauhan at pamumuhay, mga mundo at kinabukasan. Inilakip ang ideya ng pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran sa 2 rehiyon ng pagtatanghal nito. Isinalaysay ni Ginang Zhang Xi, tagapagliwanag ng nabanggit na kawanihan na,
"Sa bubungan ng Theme Pavilion, may pasilidad ng pagtitipon ng ulan para sa direktang pagdidilig sa mga halaman sa 7000 metro kubiko sa paligid nito."
Ayon sa salaysay ng kinauukulang tauhan, ang isa sa mga target ng Shanghai World Expo ay makakahikayat ng 70 milyong person-time na bisita, kaya kung papaanong malulutas ang isyu ng trapiko sa loob ng expo park ay nagiging mahalagang problema. Isinalaysay ni Ginang Diao Feicui na,
"May limang rail traffic line sa paligid ng buong expo park, kabilang dito, ang line 13 ay espesyal na linya para sa World Expo. Sa panahon ng ekspo, bubuksan lamang ito sa loob ng parke. Bukod dito, may 2 river tunnel at 3 dock, bagay na nagkakaloob ng ginhawa sa paglabas-pasok sa pagitan ng Puxi District at Pudong District para bumisita sa Shanghai World Expo."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |