|
||||||||
|
||
Sa dakong kanluran ng Tsina, may ganitong mga bata: itinakwil nila ang pagkakataon ng pagkahanap-buhay at pamumuhay sa mayabong malaking lunsod, walang pag-imbot na binigyan nila ng buong panahong-pagkabata at enerhiya ang purok na ito. Sila ay mga boluntaryong nagtapos ng pamantasan na kusang-loob na nakahandang tumupad ng plano ng pagpapalingkod sa dakong kanluran ng Tsina.
Ang nabanggit na plano ay itinatangkilik ng Communist Youth League ng Tsina o CCYL at sapul nang simulan ang plano noong 2003, may 100 libong boluntaryong nagtapos ng pamantasan ang pumunta sa dakong kanluran at gitna ng Tsina para magkaloob ng mga serbisyo sa mag aspeto ng edukasyon, kalusugan, agrikultura at pagbibigay-tulong sa batas sa mahigit 500 mahihirap na nayon ng 26 na lalawigan at munisipalidad.
Ang 29 na taong gulang na si Li Wei ay isa sa naturang mga boluntaryo. 6 na taon na ang nakaraan, nagtapos siya sa Xuzhou Normal University sa dakong silangan ng Tsina at ipinasiyang pumunta sa nayong Sanyuan ng lalawigang Shaanxi sa dakong kanluran para maging isang guro sa wikang Ingles. Ang kapasiyahang ito ay tinutulan ng kaniyang mga kamag-anak at kaibigan, datapuwa't ipinalalagay niya na dapat isakatuparan ang kahalagahan ng sariling buhay at puno siya ng ekspektasyon sa dakong kanluran. Sinabi niya na
"Noong panahong iyon, dinamdam kong nakapapayak ng pamumuhay, kaya wala akong balak na pumunta sa malayong purok. Ngunit nang malaman ko ang planong ito, agad akong nagpatala para maging boluntaryo."
Pero kararating lamang sa dakong kanluran ng Tsina, masyadong nagulat siya nang makita ang masyadong mahirap na lagay doon. Sinariwa niya ang tagpo ng unang araw niya sa pagdating ng paaralan. Sinabi niya na
"Mahigit 20 kilometro ang layo ng aking paalaran sa bayan at nang gumising ako sa umaga, ang unang nakita ko'y maraming daga."
Bukod dito, di-sanay si Li sa pagkain ng lokalidad. Gusto niyang kumain ng kanin, pero ang harina ay pangunahing pagkain ng mga mamamyang lokal. Kaya naging payat siya pagkatapos ng maiksing panahon. Datapuwa' hindi itinakwil niya ang gawaing ito at pagkaraan ng 2 taon, ipinasiya niyang patuloy na nananatili sa purok na ito. Sinabi niyang natuklasan doon ang kahalagahan ng kanyang buhay. sinabi niya na
"Sa tingin ko, nakikisalamuhang mabuti ngayon ako sa mga mamamayang lokal at gusto ko sila at espesyal na iginalang ako nila. Ang ginawa ko dito ay makabuluhan."
Ang lagay ng pag-aaral ng kanyang mga mag-aaral ay bagay na lubos na ikinababahala ni Li. Walang karanasan ang mga mag-aaral ng lokalidad sa pag-aaral ng Ingles bago pumasok sila sa middle school. Upang mapukaw ang kailang pasiglahan sa pag-aaral ng Ingles, binili ni Li ang mga libro ng Ingles at lagi niyang dinala ang kanyang mga mag-aaral, sa labas ng silid-aralan para mag-laro at kumanta ng awiting Ingles.
Para kay Li, ang pinakamalungkot ay hindi pagpapatuloy ng pag-aaral ng kanyang mga mag-aaral sa nayon dahil sa kahirapan sa halip na masama ang rekord. Bilang isang guro, determinado siya sa pagpigil ng pagganap ng ganitong bagay. Sinabi niya na
"Bumisita ako sa pamilya ng mga mag-aaral na ayaw ipagpatuloy ang pag-aaral at nakipagpalitan sa naturang mga mag-aaral at kanilang mga magulang para bumalik ang naturang mga mag-aaral sa paaralan. Hinanap ko ang mga paraan para tulungan sila. Binigyan ako ng mga salapi ng aking mga magulang, inabuloy ang mga bagay ng aking alma mater at pinagmamalasakitan ng mga kaibigan at kaklase ko ang aking mga mag-aaral at binigyan ako ng mga tulong. Kaya iilan lang ang aking mag-aaral na itinigil ang pag-aaral at ipinagmamalaki ko ito."
Sa kasalukuyan, pinakasalan ni Li at ang isang lokal na dalaga at may isang masayang pamiliya. Sinabi niya na masaya ang kanyang pamumuhay at nahanap ang kanyang habambuhay na usapin. Sinabi niyang
"Noong una ng pagdating ko, walang balak akong gumaga ng kung anu-anong dakilang bagay at walang malaking ambisyon, pero nagkaloob ang komite sentral ng CCYL ng isang plataporma sa akin para isakatuparan ang aking sariling kahalagahan."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |