Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalubhasang Tsino sa pangangalaga sa Great Wall

(GMT+08:00) 2009-06-17 17:41:06       CRI

Ang Great Wall ay pandaigdig na pamanang kultural na may mahigit 2 libong taong kasaysayan. Ito ay mula sa lalawigang Liaoning sa dakong hilagang silangan hanggang lalawigang Gansu sa dakong kanluran ng Tsina na dumaraan ng mahigit 10 lalawigan.

Ang 85 taong gulang na si Luo Zhewen ay isang dalubhasang Tsino sa pangangalaga sa Great Wall. Sinimulan ni Luo ang pag-aaral at pangangalaga sa Great Wall sapul nang 28 taong gulang siya at upang pangalagaan ang Great Wall, nagbukas siya ng kanyang buong buhay at lakas. Para sa kanya, ang Great Wall ay nagiging isang di-maihihiwalay na bahagi ng kanyang pamumuhay. Sinabi niyang

"Palagiang ipinalalagay ko na bilang isang relikya, ang Great Wall ay nagsisilbing pinakamalaki sa Tsina, lalo na sa buong daigdig at may mayamang nilalamang pangkasaysayan at cultural ito. Ito'y nagpapakita ng kasaysayan ng feudalistic society ng Tsina at nagsisilbing bunga ng pagsisikap ng nasyong Tsino."

Sinabi ni Luo na kasunod ng walang humpay na pag-aaral, lumalalim nang lumalalim ang kanyang damdamin sa Great Wall. Noong bata pa siya, nag-aaral si Luo kay Liang Sicheng, kilalang dalubhasang Tsino sa arkitektura. Pagkaraan ng pagkakatatag ng People's Republic of China, nagtrabaho siya sa pambansang kawanihan ng relikya ng Tsina at naging isang dalubhasa sa pag-aaral ng sinaunang arkitektura. Noong panahong iyon, kasunod ng pagpapaunlad ng konstruksyong pangkabuhayan, maayos na isinagawa sa iba't ibang purok ng Tsina ang pagkukumpuni sa mga relikya. Ipinasiya ng pamahalaang sentral ng Tsina na dapat kumpunihin ang Great Wall at bubuksan ito sa publiko sa angkop na panahon. Ang tungkuling ito ay isinabalikat ni Luo. Sinariwa niya na

"Noong panahong iyon, mas mahirap ang pagsusuri namin sa Great Wall kaysa sa kasalukukyan. Noong 1952, naglakbay-suri ako sa Great Wall sa bundok Badaling. Noong panahong iyon, mapanglaw ang purok na ito at walang taong nakatira roon."

Sinabi niya na dahil sa masamang kapaligiran doon, umakyat siya sa Great Wall sa bundok Badaling sakay ng buriko. Pagkaraan ng ilang buwang surveying at mapping, binalangkas ni Luo at ng kanyang mga asistente ang isang plano ng pagkukumpuni at iniabot ito sa kanyang guro na si Liang Sicheng. Sinabi ni Luo na

"Iniharap ni Liang ang mabubuting mungkahi na dapat panatilihin ang orihinal na anyo ng Great Wall at ng kapaligiran nito."

Ang ideyang ito ni Liang ay nakaapekto nang malaki kay Luo. Buong sikap na hinanap ni Luo at ng kanyang mga asistente sa paligid ng Great Wall ang mga bato at ladrilyo na nahulog mula sa Great Wall at ginamit ang mga ito para kumpunihin ang Great Wall.

Mula noon, ang Great Wall ay naging isang di-mahihiwalay na bahagi ng trabaho at pamumuhay ni Luo. Bumisita siya sa mga mahalagang bahagi ng Great Wall na gaya ng Badaling, Shanhaiguan, Simatai at Mutianyu, lalo na sa mga purok na hindi pinuntahan ng mga turista.. Sa kanyang paglalakbay-suri, nakatagpo marami siyang sinuong kahirapan, lalo na sa kaligtasan ng buhay. Datapuwa't hindi yumuko nito siya sa halip na hinanap niya ang kasayahan mula rito.

Sa pamamagitan ng paglalakbay-suri at pagbabasa ng mga dokumento, may sariling palagay si Luo sa katuturan at papel na pangkasaysayan ng Great Wall. Sinabi niya na

"Bakit namin pinapangalagaan, pinag-aaralan at kinukumpuni ang Great Wall? Kasi masyadong mahalagahan ito. Ang Great Wall ay tangi sa daigdig at nagsisilbing bunga ng pagsisikap at talino ng nayong Tsino nitong nakaraang mahigit 2 libong taon. Kaya nitong nakaraang 60 taon, palagiang isinasagawa ko ang mga Gawain ng pangangalaga sa Great Wall. Sa tingin ko, ito ay may masyadong mayamang nilalaman at malaking kahalagahan."

Naniniwala si Luo na tiyak na may mas malalim na pagkaunawa ang mga darating na henerasyong Tsino sa Great Wall at ang tungkulin ng mga tao sa kanyang henerasyon ay para pangalagaan nang mabuti ang Great Wall.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>