Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-10 2009

(GMT+08:00) 2009-06-29 17:10:11       CRI

Magandang magandang gabi , mga kaibigang Pinoy. Kumusta po kayo nitong mga araw na ito? Ito muli si Sissi, ang inyong happy DJ, na nagpapaabot sa inyo ng matapat na pagbati mula sa Beijing.

Nitong ilang araw na nakalipas, tiyak na nagdadalamhati ang buong daigdig sa pagyao ni Michael Jackson. Iyong mga isyu na may kinalaman sa pagkakaroon niya umano ng skin cancer at pagkakasangkot sa kasong child molestation ay hindi kayang pagtakpan ang kanyang namumukod na talento at dakilang ambag sa pagunlad ng pop music. Sa ating programa ngayong gabi, gusto kong banggitin sa inyo ang sampung bagay na may kinalaman kay MJ. Una, napanatili ni MJ ang rekord na may pinakamalaking naiabuloy sa Charity, na umabot sa 300 milyong dolyares nitong magkakasunod na maraming taong nagdaan. Ika-2, napanatili ni MJ ang rekord na may pinakamalaking bilang ng naibentang album. Umabot sa 140 milyon ang bilang ng benta ng album na sa buong mundo. Ika-3, natamo niya ang dalawang beses na nominasyon sa Nobel Prize at nagkaroon ng copyright ng Beatles at Hillbilly Cat. Ika-4. Si MJ ang kaisa-isang singer na nakasuot ng sun glasses habang nakikipag-usap sa pangulong Amerikano. Ika-5, si MJ ay hindi lamang isang singer kundi isa ring dancer, composer, lyricist, producer at iba pa. ika-6, ang puti sa kanyang balat ay hindi dulot ng plastic surgery kundi ng skin disease. Ika-7, habang inirerekord ang commercial series ng PESPI, nasugatan siya nang grabe sa isang sunog. Pagkaraan nito, inabuloy niya ang lahat ng kita at compensation sa charity. Ika-8, walong taong gulang pa lamang siya ay pumasok na siya sa sirkulo ng entertainment. Sa edad na 12 taong gulang, siya ay tinanghal na pinakabatang kompeon sa isang singing contest. Ika-9, noong siya ay 35 taong gulang, nakilala siya sa buong daigdig bilang king of pop music at nanatiling hawak niya ang sampung Guinness World Records. Ika-10, dahil biktima ng pang-aabuso ng sariling ama noong siya ay bata pa, naging malapit siya sa mga bata. Dito, sa ngalan ng lahat ng music fans, ipinaaabot ko ang aking taos pusong pakikidalamhati sa kapamilyahan at mga kaibigan ni MJ. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa...

Kayo ay nasa programang Pop China ng China Radio International, serbisyo Filipino. Patuloy ang mga excitement ng Pop Music ng Tsina. Nitong nakaraang linggo, inirecomend ko ang limang kanta. Natatandaan pa ba ninyo? "Be With You" nina Wilber at Akon, "Stop the time" ng S.H.E. "Di-kumpletong Awit" ni Wang Xiaokun, "Masaya" ni Lee Hom at "Sweet Garden" ni Ariel Lin. Linggu-linggo, pipili kami ng isang listener na nag-iwan ng mensahe sa aming website o nagteks sa amin at padadalhan namin siya ng CD o DVD ng isang Chinese singer. Sino ang masuwerteng takapakinig for this week?

Iri-reveal ko muna ang mga puwesto sa ating music chart.

Ika-3, ni Wang Xiaokun. 18 taong gulang pa lamang, si Wang Xiaokun ay naging kampeon sa isang malaking singing contest. Pero, kung wala sa stage, katulad ng iba pang batang lalaki, gusto niya ang kaliwang kamay, pusa, ski board, rock and roll at Number 13. Sabi nga ng mensaheng galing sa 0049242188210: "gusto ko yung di kumpletong awit ni wang xiaokun. there is really beauty in simplicity."

Ika-2, ng S.H.E. Mensahe mula sa 09173519951: "let me hear that song 'stop the time' over and over again. i want to join s. h. e. in their singing."

Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin naman kayong mag-text sa 09212572397 kung mayroon kayong request o koment.

The winner is… ni Ariel Lin. Sabi nga ni Shawee: love is perfect if accompanied by a deed of love. it is dead without any action. give me that loving smile of ARIEL LIN and her SWEET GARDEN. Walang-angking powerful voice, ipinapahayag ni Ariel ang damdamin ng matamis na pag-ibig. Ok, enjoy the song, enjoy the love.

Ok, ang masuwerte namang tagapakinig para sa nakaraang Linggo ay ang mobile phone user na 006391061206XX Gndang gabi dj, linggo2 po akong naki2nig sau, sa POP CHINA, ako nga pala c BIEN ng BICOL PHILIPPINES...ga2nda song sainyo. Maraming maraming salamat sa iyong appreciation sa programang Pop China at kay Sissi. Ang kopya ng DVD nina S.H.E. ay ipadadala sa iyo ng Serbisyo Filipino. Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397.

Ang unang kantang iri-recommend ko for this week ay mula kay Amei, isang taiwanese singer. Bago pumasok sa sirkulo ng entertainment, si Amei ay lumalagare sa mga pub, kaya mayaman ang karanasan niya sa stage. Dahil isinilang sa isang pamilyang katutubo sa Taiwan, medyo malakas ang powers ng kanyang tinig. Sa bago niyang kantang "Namimigat na Kaluluwa", pinapayuhan niya ang mga suicidal na hindi maaring matamo ang kalayaan sa pamamagitan ng pagpapakamatay. Isipin niyo muna ang inyong mga kaibigan at kapamilya bago ninyo gawin ang inyong balak. May isang alamat na nagsasabing pagkaraang mamatay ang isang tao, nababawasan ng 21 grams ang kanyang bigat. Marahil 21 grams ang timbang ng kanyang kaluluwa. Mapupuna ninyo ito sa huling bahagi ng awit na ito. Ito ay isang sinaunang awiting ni Nan Bei, na mula sa nasyonalidad na Taywanes ng Tsina.

Susunod, gusto kong i-recommend ang isang espesyal na bagong singer—si Jam Hsiao. Nasabi niya minsan na kung hindi siya naging singer, tiyak na naging hooligan siya. Noong bata pa siya kasi, siya ay isang pasaWAY na anak at isang basaguLERO. Pero, dahil ang mga magulang niya ay matapat na Christian, hindi naman tinatalikdan ni Jam ang pag-awit niya sa church choir. Isang araw tinanong si Jam ng titser niya kung bakit hindi niya gamitin ang lakas niya sa pakikipag-away sa pag-awit. Mula noon, buong sikap na siyang nag-aral ng musika. Ang naririnig ninyo ay ang kanyang bagong kantang "Prinsesa". Isang powerful song… para sa iyong minamahal, hindi sapat na basta mo na lang siya mahalin. Dapat mo rin siyang bihagin-- bihagin ang kanyang puso't kaluluwa ng iyong puso. Naku, para sabihin ko sa inyo, nabihag rin ang puso ko ng kanta ni Jam. E, kayo?

OK, lahat ng limang kanta para sa week na ito: "Di-kumpletong Awit" ni Wang Xiaokun, "Stop the time" ng S.H.E. "Sweet Garden" ni Ariel Lin. Mag-iwan lang kayo ng mensahe sa aming website o magteks sa amin. Linggu-linggo, pipili kami ng isang listener na padadalhan ng CD o DVD ng isang Chinese singer. Hihintayin ko ang inyong messages.

Sa ika-2 bahagi ng programang Pop China ngayong gabi, gusto kong magpatugtog ng kanta para sa ilang listerners. Puwede kayong mag-dedicate ng kanta para sa inyong mga kaibigan o kapamilya sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming website o pagteteks sa amin.

Request mula sa 006391070624XX: wei ni hao...request ko po sana "kung maalala ako" by tank...lage po i20 napa2kinggan sa program ni ate Sissi touch po sa song na ito, gusto ko po kasi marinig d lang isang beses kung maari sana every day. Tuwang tuwa ako at natatandaan na ng mga takapakinig ang mga kantang iniri- recommend ni Sissi. Narito, para sa iyo, "Kung Maaalala Ako" ni tank.

Mensahe mula naman sa 9106120629: Mgandang gabi CRI POP CHINA. Nahanap na po ba ninyo yung request ko? na song ng Korea na team song ng teledramang boys over flowers ng ABS CBN na ONE MORE TIME. Although, kayo'y nasa Pop China not Pop Korea, pero, you ask for it, you got it. "One More Time" ng Tree Bicycle, para sa iyo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>