Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, pangangalaga sa mga intangible cultural heritage

(GMT+08:00) 2009-07-01 11:42:40       CRI

Ang ika-13 ng buwang ito ay araw ng pamanang kultural ng Tsina at sapul nang itakda ng pamahalaang Tsino ang araw na ito noong 2006, unti unting pinataas ang pagbibigay-pansin ng mga sibilyang Tsino sa intangible cultural heritage at ang isyung kung papaanong magpapatuluy-tuloy sa hene-henerasyon ang intangible cultural heritage ay naging ubod ng pansin ng iba't ibang sirkulong panlipunan ng Tsina.

Noong 2006, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang mga dokumento ng pagpapalakas ng pangangalaga sa pamanang kultural na kauna-unahang iniharap ang konsepto ng intangible cultural heritage na kinabibilangan ng mga trandisyonal na sining ng palabas, kahusayan ng handicraft, katutubong aktibidad, kaugalian at kapistahan. Itinakda ng pamahalaang sentral ang araw ng pamanang kultural para malawak na ipalaganap ang may kinalamang kaalaman sa mga mamamayan.

Noong nagdaang araw na ito ng 2007 at 2008, isinapubliko ng Ministri ng Kultura ng Tsina ang mahigit 700 proyekto ng pambansang intangible cultural heritage at sa taong ito, isinapubliko naman ang 711 bagong pryektong ito para walang humpay na palawakin ang saklaw ng pangangalaga sa mga intangible cultural heritage.

Bukod dito, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang isang serye ng hakbangin para enkorahehin at katigan ang pagpapatuloy ng intangible cultural heritage, walang humpay na pinabuti ang may kinalamang batas ng pangangalaga sa intangible cultural heritage at itinatag ang sistema ng pangangalaga mula sa bansa hanggang sa nayon.

Ang 70 taong gulang na si Xu Chuzhu ay isang kilalang manlililok ng puppet ng Tsina at ang kanyang mga katha ay itinanghal minsan sa mga bansa na gaya ng Estados Unidos, Singapore, Timog Korea, Hapon at Australia at inikolekta ng mga art museum ng mahigit 50 bansa, bukod dito, ang kanyang mga katha ay ginamit nang maraming beses bilang mahalagang regalo ng estado na inialay sa mga lider at mahalagang panauhin ng mga bansa. Sa kanyang tingin, dapat ipagpatuloy niya ang ganitong sining. Sinabi niya na

"Salamat sa mabuting patakaran ng pamahalaan, sa kasalukuyan, may matatag na pagkita kami at hindi nangangamba na wala ang pamilihan."

Nagtangka si Xu at ang kanyang anak na si Xu Qiang na ipalaganap ang puppet sa mga kampus para mahubog ang interes ng mga bata sa puppet at mapanumbalik ang kaugalian ng paglaro ng mga puppet. Nilikha nila ang mga bagong anyo ng mga puppet at hinaluan ito ng mas maraming modernong elemento. Umaasa si Xu Qiang na hahanapin ang isang bagong landas para maging isang industriya ang ganitong sining ng bayan. Sinabi niya na may malalim na damdamin siya sa puppet, sinabi niya na

"Nang 9 na taong gulang ako, mag-aaral na ako ng aking ama at unti-unting may interes ako sa sining na ito. Mabuti ang sining na ito at may resposibilidad kami para ganap na patingkarin ito."

Dahil naging mas mabilis ang modernong pamumuhay, naaapektuhan nito ang pagpapatuloy ng ilang trandisyonal na sining, kaya kung papaanong mabisang ipagpapatuloy ang mga trandisyonal na sining sa makabagong lipunan ay naging ubod ng pansin ng iba't ibang sirkulo ng lipunan.

Si Peng Huiheng ay guro sa isang paaralang bokasyonal ng lalawigang Hebei na nagtututo ng Hebei Bangzi, isang trandisyonal na opera ng lokalidad. Iminungkahi niya na dapat patuloy na palakasin ng pamahalaan ang pagkatig sa edukasyon at pagkatha ng opera. Sinabi niya na

"Sa palagay ko, ang edukasyon ng opera ay nagsisilbing pinagmumulan ng pagpapaunlad ng opera at dapat palakasin ang paghubog ng mga guro at mahusay na estudyante. Bukod dito, kung mabuting isasaayos at ipagpapatuloy ang mga klasikal na katha ng opera, ito'y nagsisilbing isang malaking ambag para sa edukasyong ito."

Tinukoy ng mga dalubhasa na kumpara sa mga maunlad na bansa, huli ang pagsasagawa ng Tsina ng pangangalaga sa mga intangible cultural heritage at kinakailangan ng gawaing ito ang walang humpay na pagpapabuti. Datapuwa't ipinalalagay nila na sa pamamagitan ng mga taong pagsisikap, ang gawaing ito ay pumapasok sa landas ng mabuting pag-unlad at tiyak na muling magiging popular ang ganitong mga matandang sining sa hinaharap."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>