|
||||||||
|
||
Hi, mga kaibigang Pilipino! Hindi ba kayo nasa-sunstroke? Ha ha~ Tuwing papasok ang Hulyo, umiinit nang mainit na mainit ang panahon dito sa Beijing. Pumapanhik sa 37 degrees Centigrade ang karaniwang temperature, kaya andar nang andar ang air-con, at si Sissi? Hayun, nagpupurga ng ice cream.
Sa programang Pop China ngayong gabi, gusto kong ibahagi sa inyo ang kuwento tungkol kay Ramon. Oo, iyong inyong Kuya Ramon. Babalik siya sa Beijing sa malapit na hinaharap. Bagama't naririnig ninyo ang kanyang cooking show at Gabi ng Musika kung weekend, siya ay nasa Manila at doon gumagawa ng programa. Tulad rin ng ibang Pilipino, si Kuya Ramon ay devoted, considerate at industrious. Nagtatrabaho siya kahit weekend at pista opisyal. Siya ay guro ko sa Filipino language at sinasamantala niya ang lahat ng pagkakataon para turuan ako ng Tagalog slang. Siya ay katuwang ko rin sa trabaho. Pag may bago akong idea hinggil sa programa, sinasabi ko ito sa kanya at tinatalakay namin ito. Makaranasan siya at alam niya ang pinakamagandang paraan para mangyari ang iniisip ko. Best friend ko rin siya. Pag medyo nakakaranas ako ng difficulty, he is always there to lend a helping hand. Ngayon, babalik na siya. Iniisip namin na bigyan siya ng warm welcome. Welcome back, Kuya Ramon!
Kayo ay nasa Programang Pop China, China Radio International, Serbisyo Filipino. Patuloy ang excitement sa Pop Music ng Tsina. Natatandaan pa ba ninyo ang limang kantang ini-recommend ko para sa nakaraang linggo? "Sweet Garden" ni Ariel Lin. "Namimigat na Kaluluwa" ni Amei at "Prinsesa" ni Jam Hsiao. "Hero" ng F.I.R., at "Madaling araw" ni Chris Yu. Bumoto na ba kayo para sa pinakapopular na kanta sa aming message board? At sino naman ang ating masuwerteng tagapakinig last week at tatanggap ng DVD ng Chinese Pop singer na ipapadala ng serbisyo Filipino? Haha, iri-reveal ko muna ang tatlong pinakapopular na awit.
Ika-3,"Madaling araw" ni Chris Yu. Sabi ng mensahe ni Pom : "I think i should choose 'Madaling Araw' by chris yu. may naalala lang akong pinoy song artist.". Sa pagsisimula ng kantang ito, maririnig natin ang Bunun Pasibutbut. Ang pasibutbut ay banal na kanta ng mga katutubong Taywanes. Inaawit sa rituwal ng pagtatanim ng millet, ang kantang ito ay may-armonyang inaawit ng di-kukulangin sa 8 kalalakihan sa koro na may tatlo o apat na bahagi at nagpapakita ng pagiging palakaibigan ng mga taga-Taywan.
Ika-2, "Sweet Garden" ni Ariel Lin. Pumasok sa sirkulo ng entertainment sa pamamagitan ng beauty pageants, si Ariel ay isang version ng Cinderella sa tunay na buhay. Lumaki sa piling ng isang single-parent family, walang mamahaling laruan, walang malaking pocket money, sumali siya sa mga beauty pageant sa pag-asang kikita ng mas malaki para matulungan ang kanyang ina. Pero, nananatiling optimistiko si Ariel, kasi mararamdaman ang tamis ng kanyang tinig sa kanyang kanta.
Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin namang i-text ninyo ang inyong nararamdaman para sa alinmang kanta o koment dito sa 09212572397.
Ang kampeon ay…ang F.I.R. at kanilang bagong kantang "Hero". Sabi nga ng mensahe mula sa 09209502716: "F. I. R. deserves my vote. these guys are just great. aside from bayani gusto ko rin iyong neverland." Sabi naman ni May: "siyempre iba kapag belter...sa F I R ako. kung rocker ka, mag-e-enjoy ka sa music nila. belter ang mga singers." Sabi naman ni Syl: i like F. I. R. sound. it's like folk-rock in style. maganda rin boses ng lead vocalist." Mukhang mahilig ata sa rock and roll ang mga tagahanga ng F. I. R., ah.
Ok, ang masuwerte namang tagapakinig para sa nakaraang Linggo ay si Malou Tiu ng Dasmarinas Village, Makati City. Sabi ng kanyang mensahe: "marami akong gusto sa mga kanta ng F.I.R. pero dito sa mga pagpipilian mas may appeal sa akin ang voice ni ariel lin. ok din yung sweet garden niya." Maraming maraming salamat sa iyong pagkatig sa programang Pop China at kay Sissi. Padadalhan ka ng Serbisyo Filipino ng kopya ng DVD ng S.H.E.. Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397. Pinasasalamatan ko rin ang lahat ng tagapakinig na bumoto sa aming website o sa pamamagitan ng text messages.
Ang unang kantang gusto kong i-recommend para sa linggong ito ay galing sa isang Malay Singer na si Gary Cao. Isinilang sa Kota Belud ng Malaysia, lumaki sa New Zealand, pinaunlad ang career sa Taiwan at nanirahan sa HongKong, si Gary ay naimpluwensiyahan ng kultura ng Tsina, mamamayang Maori, Europa at Amerika. Ang lahat ng mga ito ay naging materyal ng kanyang music. Bago nai-publicize ang sariling album, sumusulat na siya ng mga kanta para sa S.H.E. at kay Cindy Wang, Vivian Xu, Cherry Yan at iba pang big stars. Ang naririnig ninyo ay ang kanyang bagong kantang "Excellent Proformer". Kung lilisan ka rin sa bandang huli, bakit kailangan pang magkunwari na you still love me, at bakit kailangan kong maniwala na your are still my true love? Ang kanyang kauna-unahang konsiyerto ay nakatakdang idaos sa Hong Kong at ito ay iniaalay niya sa kanyang isang taong gulang na anak na lalaki. Naalala ko tuloy si Gary V. Both of them are loving fathers.
Speaking of Karen Mok, aling mga bagay sa kanya ang nagiiwan sa inyo ng malalim na impresyon? Perfect body shape? Fluent English, Italian and French? O deep, husky voice? Puwedeng isipin ng ilang music fans na hindi maganda ang kanyang teknik sa pag-awit, pero hindi nito nababawasan ang kanyang popularity. Katangian ang kanyang estilo sa pag-awit, paglabas sa pelikula at pamumuhay nang nagsasarili, free and easy. Nai-publicize kamakailan ni Karen ang kanyang bagong album na may pamagat na "Balik-tanawin"-- isang album ng mga cover songs. Muling umawit si Karen ng ilang klasikal na kanta nitong ilang taon at pagkaraan ng kanyang muling pag-awit, naramdaman ko ang bagong buhay ng mga kanta. Ang naririnig ninyo ay ang kanyang "Daigdig sa labas ng Bintana" na unang inawit ni Chi Chin. Aling version ang mas gusto ninyo?
Ang limang kanta para sa week na ito: "Madaling Araw" ni Chris Yu, "Sweet Garden" ni Ariel Lin, "Hero" ng F.I.R., "Excellent Proformer" ni Gary Cao, at "Daigdig sa labas ng Bintana" ni Karen Mok. Alin ang pinakanagugustuhan sa iyong puso? Mag-iwan lang kayo ng mensahe sa aming website o magteks sa amin.
Ang request para sa gabing ito ay mula sa mobile phone number 90951026XX : "wei ni hao ate sissi...i just want request yi shi de mei hao by angela zhang...she is one of my favorite chinese singers...hopefully ma-play po ninyo ito...Ome". Hi! You must be a Chinese language learner—o Chinese language speaker? Ang kantang " Yi Shi De Mei Hao" o "nawawalang kasiyahan" ni Angela ay para sa iyo. Sana manatili ang iyong kasiyahan sa habang panahon.
Ito muli si Sissi at itong muli ang programang Pop China. Salamat sa pagkatig ng lahat ng takapakinig, wish you are all safe and happy, God Bless. Bye~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |