|
||||||||
|
||
Mga giliw na kaibigang Tsino at Pinoy, kumusta po kayo? Welcome sa programang Pop China na inihahatid sa inyo ni Sissi-- ang inyong happy, lovely at energetic DJ.
Noong isang linggo, dumalo ako sa graduation rite ng aking kaibigan. Di-tulad sa Pilipinas, ang buwan ng pagtatapos ng mga mag-aaral na Tsino ay July. Maluluwag na toga, makukulay na bouquet at maliliwanag na ngiti. Mabigat ang loob sa paghiwalay sa mga guro at kamag-aral, hindi ninyo alam kung ano na ang mangyayari sa inyo at kung saan ninyo matatagpuan ang inyong mga sarili sa darating na mga panahon. Ang kaibigan ko ay isang doktor sa environmental protection. Pinag-aaralan niya kung paanong hawakan ang iba't ibang klase ng polusyon sa pamamagitan ng teknik na kemikal. Pangarap niyang maging garden country ang Tsina katulad ng mga European Countries. That's why I appreciate him. May pangarap siya at nagsisikap siya para rito. Pupunta siya sa Tianjin, isang port city, sa dakong silangan ng Tsina. Maaring hindi na kami magkita nang madalas, pero umaasa ako na hindi magbabago ang aming relasyon. Natatandaan pa ba ninyo ang inyong kaibigan o kaklase na kalaru-laro ninyo o kasa-kasama ninyo sa pag-aaral? Para matupad ang inyong mga pangarap, kailangan ninyong maghiwalay. Maari kayong magtagumpay at maari rin namang hindi, pero ang mahalaga, mapanatili ninyo ang inyong magandang pag-uugnayan, ang inyong care para sa isa't isa. Pick up the phone at tawagan siya right here and now.
Kayo ay nasa Programang Pop China, China Radio International, Serbisyo Filipino. Patuloy ang mga excitement sa Pop Music ng Tsina. Ang limang kanta na inirecommend ko para sa noong isang linggo: "Madaling Araw" ni Chris Yu, "Sweet Garden" ni Ariel Lin, "Hero" ng F.I.R., "Excellent Proformer" ni Gary Cao, "Daigdig sa labas ng Bintana" ni Karen Mok. Alin ang pinakanagugustuhan ng inyong mga puso? Naipakita na ba ninyo ang inyong pag-ibig sa kanta o pagkatig sa singer sa pamamagitan ng mga mensahe sa aking programa?
Ika-3, sweet na sweet Ariel Lin, inihahatid sa inyo ang sweet na sweet na "Sweet Garden". Bagama't lumaki sa isang single-parent family, katulad din naman ng ibang batang babae, si Ariel ay mahilig magbasa ng fairy tales na may Mr Right at Snow White, kumain ng chocolate at sweets, humatak ng mga big-eyed beauty at dress them with a lot of flower and lace. Maybe, just because of the happiness na ipinakita sa kanyang kanta, popular na popular si Ariel sa mga music fans.
Ika-2, F.I.R. at ang kanilang bagong kanta- Hero. Nasabi ko na noon na ang F.I.R ay kumakatawan sa pangalan ng tatlong miyembro na sina Faye, lead vocalist、Ian, producer、Real, guitarist at composer. May isang pang kaututuran ang kanilang pangalan na Fairyland In Reality. Sabi nga ng mensahe na galing sa 9209502716: FIR is like a hero to me. not hero in the real sense but a hero in the sense that its music brings magic to my ear.
Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin namang i-text ninyo ang inyong nararamdaman para sa alinmang kanta o koment dito sa 09212572397.
Ang kampeon ay "Madaling Araw" ni Chris Yu. Sabi nga ng Mesahe ni Kate.A: "let's try chris yu. mukhang may sinasabi ang boses at style. give him the break that he deserves." Sabi naman ni Pat Cusi : "boto po ako kay chris yu. okay siya sa akin. kung pakikinggan mo paulitulit kanta niya maaappreciate mo."
Ok, ang masuwerte namang tagapakinig para sa nakaraang Linggo ay mobile phone user : 09095102608 . xie xie din ate at kuya. always naman poh eh...kata2pos ko lang makinig ng pagaaral ng wikang tsino. hopefully maiplay poh ninyo uli iyong yi shi de mei hao. gusto ko rin sanang magkaroon ng cd, ate...thanks po uli, ate at kuya.... Maraming maraming salamat sa iyong pagkatig sa programang Pop China at kay Sissi. Miss Saint Clause will give you what you want. Ang kopya ng DVD nina Angela Zhang ay ipadadala sa iyo ng Serbisyo Filipino. Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397. Pinasasalamatan ko rin ang lahat ng tagapakinig na bumoto sa aming website o sa pamamagitan ng text messages.
Hindi ko alam kung pamilyar ang mga music fans ng Philippines kay Valen Hsu. Si Valen ay sumikat noong 1996 dahil sa kantang "Dagat ng Luha". Lumalagare rin siya noon sa mga pub at tumanggap ng mainit na pagtanggap mula sa mga pub hoppers. Ini-recommend siya sa music company ng isang kaibigan, pero hindi maganda ang resulta ng kanyang unang record sa pamilihan. Hanggang sa makatagpo niya si Tommy Chi, isang talentong producer pero walang pagkakataon na maipakita ang kanyang husay. Nagtulungan sila at na-publicize ang first well-known na kantang "Dagat ng Luha". Sa pamamagitan ng kantang ito, si Valen ay naging kampeon sa iba't ibang music awards at Si Tommy Chi naman ay naging top producer. Nagpahinga nang 3 taon, bumalik si Valen Hsu kasama ng kanyang bagong kantang "Lumisan." Narinig na ninyo ang hinggil sa kanyang katangiang aspiration sound na lubos na nagpapakita ng pasakit at ng pagtimo sa loving matter na sinasabing oras na para sa paglisan, huwag hihintaying makalimutan niya ang kanyang "ex." Kung hindi natamo ang kanyang pag-ibig sa bandang huli, puwedeng bumati sa kanya at lumisan.
Sa pangalang KIMI, ang K ay nangangahulugan ng king, king of stage; ang I ay ideal, ideal na idol sa stage at pamumuhay; ang M ay magic, may magical na pang-akit; at ang I ay idiosyncrasy. 18 taong gulang lamang, si Kimi Qiao nang mag-kampeon siya sa isang malaking singing contest. Tagahanga ni Green Day at linking park, sumulat siya ng maraming kantang may estilo ng Britpop. Kung rocker ka, tiyak na maapreciate mo siya. Ang naririnig ninyo ay ang bago niyang kantang "Tonight". Bukod dito, guwapong guwapo rin siya. Tagahanga rin ako ni Kimi.
Uulitin ko ang limang kanta para sa week na ito: "Madaling Araw" ni Chris Yu, "Sweet Garden" ni Ariel Lin, "Hero" ng F.I.R., "Lumisan" ni Valen Hsu, at "Tonight" ni Kimi Qiao. Alin ang pinakanagugustuhan ng inyong mga puso? Mag-iwan lang kayo ng mensahe sa aming website o magteks sa amin.
Bago ang ika-2 bahagi ng ating programa, gusto ko munang gumawa ng konting promosyon para sa aking website. May ilang tagapakinig kasi na nagsasabi na gusto nilang marinig nang buo ang mga pinatutugtog kong kanta. Ang problema, limitado ang oras natin, 15 minutes lang, kaya madalas pinuputol ko ang mga kanta. Pero, maririnig naman ninyo ang full version ng mga kanta at ang aking programa sa Filipino.cri.cn, under the subdirectory na tsinaistik. Nag-a-auto-play ang aking programa pag pumasok kayo sa page na ito. Huwag niyong kalilimutang mag-iwan ng mensahe o mungkahi sa akin, OK?
Mensahe galing kay Ara Mae: "Sana, ate, mapatugtog mo nang buong buo kanta ni ANGEL. Maganda. Kasing-ganda niya." Ni-request naman ng aming masuwerteng tagapakining ang kanta ni Angela na yi shi de mei hao o nawawalang kasiyahan. Let's enjoy this song muli. Sana makasalubong ng kasiyahan at kasaganaan ang lahat ng mga tagapakinig sa darating na linggo.
Ok, wish you are all safe and sound and happy. Ito muli si Sissi. Ito muli ang programang Pop China. Magkita-kita tayo uli sa susunod na Linggo ng gabi. Bye~.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |