|
||||||||
|
||
Wan shang hao, mga giliw na tagapakinig! Miss na miss ko kayo. Welcome sa pakikinig sa mga pinakapopular na kantang Tsino na pinili para sa inyo ni Sissi. Maririnig ninyo ang full version ng mga kanta at ang aking programa sa Filipino.cri.cn, under the subdirectory na tsinaistik.
Nakita ba ninyo ang solar eclipse diyan sa Pilipinas nitong nagdaang Miyerkules? Mula mga bandang alas-8 hanggang alas-10 ng umaga ng araw na nabanggit, sa kahabaan ng Ilog Yangtze ng Tsina at ilang lugar sa Indya at Pacific Ocean, nakita ang total solar eclipse, samantalang sa iba namang lugar na gaya ng Beijing at Pilipinas, nakita ang partial solar eclipse. Alam ba ninyo? Ayon sa astronomo, ang eclipse na ito ay pinakamatagal na total solar eclipse sa loob ng Tsina mula noong taong 1814 hanggang 2309. Sayang nga lang at dahil sa may kakapalan ang ulap noong mga oras na iyon sa Beijing, maraming tao ang hindi nakakita sa eclipse at nakontento na lamang sila sa coverages ng mga pangunahing TV stations at websites. Pero, I was so lucky dahil nasa labas ako ng bahay noon. Kausap ko ang isang kaibigan at sa kalagitnaan ng aming paguusap, tinawag niya ang attention ko: "Hoy, tingnan mo! Hayun ang eclipse!" Nakita ko ang partial solar eclipse pero a few seconds lang. At pagkaraan nito, nalaman ko na dahil sa klima, ilang segundo lamang na lumabas ang araw sa Beijing. Sa loob ng maikling panahong ito, nakita ko ang eclipse. Sa tingin ba ninyo e masuwerte na rin ako? Nakita rin ba ninyo ang eclipse na ito diyan sa Pilipinas? Ano ang masasabi ninyo sa experience na ito? Mag-iwan lang kayo ng comment sa aming message box.
Kayo ay nasa Programang Pop China, China Radio International, Serbisyo Filipino. Patuloy ang mga excitement ng Pop Music ng Tsina. Uulitin ko muna ang limang kanta para sa week na ito: "Madaling Araw" ni Chris Yu, "Sweet Garden" ni Ariel Lin, "Hero" ng F.I.R., "Lumisan" ni Valen Hsu, "Tonight" ni Kimi Qiao. Bumoto na ba kayo para sa pinakapopular na kanta o singer sa iyong puso? Naibahagi na ba ninyo ang inyong love for music kasama ni Sissi? Lagi akong naghihintay.
Ika-3, Chris Yu at ang kanyang bagong kantang "Madaling Araw." Maraming taon nang kasal at may dalawang anak, si Chris Yu ay isang considerate husband at loving father. Hindi lantad ang kanyang pamilya sa mass media. Sa isang banda, hindi niya gustong maapektuhan ang normal na pamumuhay ng kanyang pamilya; sa kabilang banda naman, ito ay nag-iwan ng espasyo sa imahinasyon ng kanyang music fans. Sabi, bago daw irekord ang kanyang video clip, tinanong muna niya ang kanyang asawa kung ano ang puwedeng gawin at ano ang hindi.
Ika-2, "Tonight," na inihatid ni Kimi Qiao. Kung nakita ninyo ang picture ni Kimi sa aming website, kayo na rin ang makapagsasabi na siya ay guwapo. Pasensiya na kayo…anthomaniac ako, hahaha. Ang kantang "Tonight" ay theme song ng bagong pelikulang "Supermarket" at Si kimi ang gumanap ng papel ng isang stock-keeper sa pelikulang ito. Nagtagpo ang stiff stock-keeper at ang sluggish thief. Ano kaya ang nangyari?
Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin namang i-text ninyo ang inyong nararamdaman para sa alinmang kanta o koment dito sa 09212572397.
The winner is…"Lumisan" ni Valen Hsu. Sabi nga ng mesahe ni Librada: dapat siguro bigyan ng malaking break si valen hsu dahil parang promising naman siya…" Totoong promising si Valen. Inilalarawan ng sampung kanta sa kanyang bagong album na " Love, Journey and 1 Kilometer" ang sampung love stories. May sweet, pero may malungkot din. Have you ever gone for a long journey para malimutan ang sakit na dulot ng pag-ibig? Ano ang nasa isip ninyo habang nasa biyahe? Welkam na ibahagi kay Sissi kung ano man ang naramdaman ninyo sa biyaheng iyon. Magpadala ng mensahe sa aming message board o sa pamamagitan ng SMS.
Ok, bago ko i-reveal ang masuwerteng tagapakinig para sa nakaraang Linggo, kung nakikinig ka Romel, natanggap ko na ang iyong address at ang iyong mensahe na nagsasabing "wan an! wei ni hao po, ate sissi. i'm so happy po na ako ang napili. didn't expect na ako ang lucky winner for this week." Ah…sa katotohanan, muling naging masuwerteng tagapakinig ka para sa nagdaang linggo…haha, biro lang. Ang kopya ng DVD ni Angela Zhang ay papunta na diyan sa Philippines. Pls check you mailbox now and then. At magadang gabi po, Marifie, salamat sa inyong mensahe sa aking message board: my Christian greetings to Pop China and Ate Sissi. i'm getting regular in tuning in to your program. MABUHAY! Ang kopya ng DVD ni Jolin Tsai- Dancing Diva ay ipapadala sayo ng serbisyong Filipino. Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397. Pinasasalamatan ko rin ang lahat ng tagapakinig na bumoto sa aming website o sa pamamagitan ng text messages.
Hindi taga-Shanghai ang dalawang miyembro ng duet na "Lalaki at Babae". Pero, kapuwa nakita nila ang kanilang paboritong career sa malaking lunsod na ito. Husky ang boses ng babaeng singer na si Qin Wei at mataas naman ang boses ng lalaking singer na si Yuan Chengjie. Pag kumakanta sila, parang nagdidiyalogo ang isang pares ng lovers. Sa bago nilang kantang " Left and Right", inilalarawan ang suspicion, confirmation, suspicion, confirmation, muling suspicion, muling confirmation sa pagitan ng mga lovers. Naging mahina ang pagmamahalan sa paulit-ulit na suspicion at confirmation.
Sa kantang ito, maririnig din ninyo ang mga rap sa Sichuan at Shanghai dialect. May isang kasabihan sa Tsina: "Ang Sichuan at Shanghai dialect ay pinakatender na wika.
Isinilang sa HongKong at lumipat sa E.U. noong 10 taong gulang, bilang isang international super star, si Coco Lee ay siyang tanging singer na kumanta sa World Cup at unang speakwomen (anchorwoman) ng Channel sa buong Asya, at guest singer ni Ricky Martin. Nagkooperasyon din sila ni Regine Valesquez. Kinanta minsan ni Regine ang best known song ni Coco na Uulitin ko ang limang kanta para sa week na ito: "Madaling Araw" ni Chris Yu, "Lumisan" ni Valen Hsu, "Tonight" ni Kimi Qiao, "Left and Right" ng "Babae at Lalaki", "Party Time" ni Coco Lee. Alin ang pinakanagugustuhan ng inyong puso? Mag-iwan lang kayo ng mensahe sa aming website o magteks sa amin.
Ok, Sa huling bahagi ng ating programa, gusto kong ibahagi sa inyo ang ilang mensaheng ipinadala ng mga giliw na tagapakinig. Sabi ni Donnaire: only love is blind. the lover can very well see. Sabi naman ni Mato: U N UR program are like beauty and the song. UR pop china is an inspiring program for music lovers... sabi nga ni Lyle Dizon: i go more for slow drags because they seem to be more compatible with romantic tunes than r and b... sinabi naman ni min: i never knew what love is until pop china came into play. your songs define love in various ways. Sabi nga ni Mulong: kumusta na kayo, acheng. lagi lang akong nakaantabay sa tabi ng aking radyo para sa pop china. Mesahe galing sa 0041787811412: We listen to music not only to remember but also to forget. Mesahe galing sa 09209244911: music leAds us 2 D highwAys and bywAys of our lives. Ang kantang sinta ni Wilber Pan ay para sa beautiful words ninyo. Thanks for sharing with us your inspirations in life-- at pinasasalamatan ko rin siyempre ang lahat ng mga tagapakinig na patuloy na nagpapadala ng mensahe sa aming website o sa pamamagitan ng text messages. Wan'an.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |