|
||||||||
|
||
Noong unang dako ng taong ito, may isang Hapones ay dumating ng nayong Xinyang ng lalawigang Henan sa dakong gitna ng Tsina para arkilahin ang mga lupa ng lokalidad para itanim ang mga palay. Siya ay Tatematsu Kunihiko.
Ang 53 taong gulang na si Tatematsu ay isang farmer ng nayong Aichi ng Hapon. Sinabi niya na ang pangunahing intension niya sa pagtatanim ng mga palay sa Tsina ay nagmula sa pag-akit ng patakaran ng pamahalaang Tsino sa pagbibigay-tulong sa arikultura. Sinabi niya na
"Noong unang panahong iyon, ang pamumuhunan ng aking bansa sa Tsina ay pangunahin na, sa larangang industriyal at wala sa arigultura. Datapuwa't nakikita kong sa kasalukuyan, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang agrikultura at mabuti ang mga patakarang ng lupa, kaya pumarito ako sa Tsina para itanim ang mga palay."
Noong Oktubre ng 2008, sinusog ng pamahalaang Tsino ang mga may kinalamang patakaran na pahintulutan ang mga magsasaka na magpaupa ng kanilang lupa. Kaya hanggang sa kasalukuyan, dumarami nang dumaraming lupa ng mga magsasakang Tsino ay iniupa. Datapuwa't ang pagpapaupa ng lupa sa isang Hapones ay nagsisilbing bagay na hindi lamang kauna-unahang naganap sa Xinyang at Henan, kundi pambihira sa Tsina.
Sa ilalim ng pagkokoordinahan ng mga opisyal ng pamahalaang lokal, umupa si Tatematsu sa mahigit 140 taganayon ng halos 20 hektaryang bukirin at ang termino nito ay 10 taon. Ang upa nito bawat taon ay 3.75 toneladang palay o perang kahalaga nito.
Kaya ikinasisiya ng naturang mga taganayon ang kasunduang ito nila ni Tatematsu. Sinabi ni You Guangzhong, isa sa kanila, na sa aktuwal na kalagayan, mas marami ang pagkita ng pagpapaupa ng lupa kaysa sa kanilang sariling pagsasaka. Sinabi niya na
"Mas malaki ang kikita sa pagpapaupa ng lupa. Kung magtatanim kaming sarili, mga tatlong daang yuan ang kikita lamang isang taon. Sa pagpapaupa ng lupa, hindi lamang malaki ang upa, kundi maghahanap-buhay pa kami sa ibang lugar."
Nagkakaroon pa si Tatematsu ng halos 150 hektaryang bukirin sa kanyang lupang tinubuan, mekanisado ang lahat ng trabaho sa bukirin. Kaya ang isa pang target niya ay para ipalaganap ang mekanisasyon sa Tsina para isakatuparan ang moderno at mabisang produksyong agrikultural. Sinabi ni Yu Chunxia, isang emploee ni Tatematsu, na natamo ang malaking progreso nila sa pagpapatupad ng mekanisadong pagtanim, sinabi niya na
"Hanggang sa kasalukuyan, namuhunan na namin ang mahigit 2 milyong yuan RMB at binili ang mga bagong makinaryang agrikultural. Bukod dito, may 12 pa ay mula sa Hapon."
Kahit inisiyal na natamo ang progreso, sinabi ni Tatematsu na nagtangka siyang umupa muli ng 60 hektaryang bukiran para palawakin ang saklaw ng pagtanim at kung may ponsibilidad, gagamitin niya ang mga butil ng palay ng Hapon. Bukod dito, nakahanda pang itatag ang isang sentro ng pagsasanay sa mga magsasakang lokal sa aspeto ng sulong na teknikal ng pagtanim. Sinabi niya na
'Nais kong palawakin ang saklaw ng aking usapin, itatag ang isang sentro para sanayin ang mga magsasaka ng wikang Hapones, kaya kung pupunta sila sa Hapon, madali para sa kanila sa paghahanap ng trabaho at kung babalik sila, maaari silang magtatrabaho dito. Kaya umaasa akong magbibigay ang pamahalaang Tsino ng maramaming preperensiyal na patakaran sa akin para tulungan ang pagsasakatuparan ng hangaring ito."
Kahit si Tatematsu ay isang dayuhan, nagtatamasa siya ng benipisyong kapareho ng mg Tsino sa pagsasaka na nakakatanggap siya ng 1500 yuan RMB na subsidy bawat hektarya.
Sa kasalukuyan, lumilitaw sa Xinyang at buong bansa ang mga paraan ng paggagalugad sa pagpapaupa ng lupa at ang patakaran ng pagpapaupa ng lupa ay nagkakaloob ng mas maraming pagkakataon sa mga balik-bayan at mga dayuhang mangangalakal na tulad ni Tatematsu sa pagpapasimula ng kanilang negosyo.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |