Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, binigyang-dagok ang mga ponograpikong produkto

(GMT+08:00) 2009-07-29 15:20:40       CRI

Nitong ilang araw na nakalipas, magkakasamang isinagawa ng mga departamento ng pamahalaang Tsino na gaya ng General Administration of Press and Publication o GAPP ang espesyal na aksyon para bigyang-dagok ang mga ponograpikong produkto ng video at audio at parusahan ang mga kompanyang nagpoprodyus at nagbebenta ng mga produksyong ito. Ang aksyong ito ay tinanggap ng pagkatig at pagpuri ng iba't ibang sirkulo ng lipunan. Umaasa silang ibayo pang palapalakasin ang pagbibigay-dagok sa ganitong mga produkto para likhain ang isang malusog na kapaligirang kultural para sa paglaki ng mga bata.

Ang 15 taong gulang na si Tang Qiao ay isang mag-aaral ng high school ng Beijing, sinabi niya na

"Sa tingin ko, pera ang natatanging layunin ng ganitong mga kompanya at para sa aming mga bata, madaling naapektuhan nang masama kami ng naturang mga ponograpikong produkto, kaya walang itong idinulot na buti."

Upang likhain ang isang malusog na kapaligirang kultural ng paglaki ng mga bata, sapul noong nagdaang Abril, makakasamang isinagawa ng mga departamento ng pamahalaang Tsino ang espesyal na akyon sa buong bansa para imbestigahan at hawakan ang mga legal na kompanyang nagpoprodyus at nagbebenta ng mga produkto ng video at audio para samsamin ang produktong may ponograpikong nilalaman.

Sinabi ni Jiang Jianguo, pangalawang puno ng GAPP na namamahala sa nabanggit na aksyon, na para sa mga bata, malaki ang masamang epekto ng mga ponograpikong produkto at kung magpoprodyus at magbebenta ang mga legal na kompanya ng ganitong mga produkto, mas malaki ang idudulot na masamang epekto, kaya dapat matinding bigyang-dagok ang kompanya na nagpoprodyus at nagbebenta ng mga produktong ito, sinabi niya na

"Sapul nang isagawa ang aksyong ito, pinarusahan ng may kinalamang departamento ang 10 kompanya na ilegal na nagpoprodyus at nagbebenta ng mga produktong may ponograpikong nilalaman at iniabot ang mga kasong ito sa departamento ng seguridad na pampubliko."

Kaugnay ng malawak na pagkalat ng mga produktong ponograpiko, ikinababahala nang malaki ng mga magulang ng mag-aaral, sinabi ni Liu Jianhua, isa sa kanila, na

"Noong panahong iyon, naging popular ang napiratang produkto, sa kasalukuyan, lumitaw ang mga ponograpikong produkto sa legal na pamilihan, labis na ikinababahala ng aming mga magulang, dahil mausisa ang mga bata at kulang silang paggawa ng tumpak na konklusyon."

Sa pamamagitan ng pagsisikap ng pamahalaan, bumaba ang bilang ng ilegal na ponograpikong produkto, ngunit ikinababahala nang malaki ang hayagang pagpoprodyus at pagbebenta ng ilang legal na kompanya ng mga produktong may ponograpikong nilalaman. Kaugnay nito, sinabi ni Li Baozhong, opisyal ng GAPP, na ang ganitong aksyong ito ay nagdulot ng masamang epekto sa lipunan, kaya dapat isagawa ang pagsasaayos sa industriya ng video at audio. Sinabi niya na

"Sa pamamagitan ng isang lubos na pagsasaayos sa industriyang ito, matinding binigyang-dagok ang malubhang ilegal na aksyon at ibayo pang dinalisay ang kapaligirang panlipunan at kultural para mapasulong ang malusog na paglaki ng mga bata."

Ang mga hakbangin ng pamahalaang Tsino sa pagbibigay-dagok sa mga ponograpikong produkto ay kinatigan ng sirkulo ng edukasyon at mga magulang ng mag-aaral. Kasabay nito, nanawagan silang magprodyus ng mas maraming produktong kultural na nakakabuti sa paglaki ng mga bata para makatugon sa walang humpay na paglaki ng kanilang pangangailangang kultural. Si Xu Jian, pangalawang principal ng isang paaralan, na

"Sa isang dako, dapat boykoteyuhin namin ang malawak na pagpasok ng mga ponograpikong produkto sa pamilihan, sa kabilang dako naman, batay sa katangian ng mga bata, magpoprodyus ng mas maraming malusog at angkop na mabuting produkto at sa tingin ko, ito'y mas mahalaga."

Nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng pagsisikap ng pamahalaan at mga may kinalamang kompanya, unti-unting dumarami ang produktong kultural na angkop sa mga bata at yumayaman nang yumayaman ang uri at nilalaman nito. Bukod dito, itatatag ng may kinalamang departamento ang pangmatagalang sistema ng pagbibigay-dagok sa mga ponograpikong produkto para likhain ang mabuting kapaligiran ng paglaki ng mga bata.

Salin:Ernest

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>