Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Spring Buds Program ng Tsina

(GMT+08:00) 2009-07-30 14:11:39       CRI

Ang Spring Buds Program ng Tsina ay nagsisilbing isang proyektong pampubliko sa kampus para tulungan ang pagbalik muli sa paaralan ng mga batang babae sa mahihirap na purok na hindi naipagpapatuloy ang pag-aaral. Sinimulan ang proyektong ito noong 1989 at hanggang sa kasalukuyan, ang unang grupo ng mga bata na nakikinabang sa proyektong ito ay naging mahalagang puwersa sa pagpapabuti ng kalagayan ng edukasyon at kalusugan ng mga mahihirap na purok.

Hanggang sa kasalukuyan, may mahigit 1.8 milyong tao ng Tsina ang nakinabang sa proyektong ito. Sapul nang simulan ito noong 1989, tinanggap ng proyektong ito ang mahigit 800 milyong yuan RMB at naitayo ang mahigit 800 paaralan.

Si Huang ay isang batang babae ng lahing Dong. Lumaki siya sa nayong Rongshui ng rehiyong awtonomo ng Guangxi at may 5 kapatid. Noong panahong iyon, ang pinansya ng kanyang pamiliya ay nagmula sa pag-aruga ng kanyang ama ng mga baka at baboy at kaunting suweldo ng kanyang ate, kaya ang gastusin ni Huang at kanyang mga kapatid sa pag-aaral at pamumuhay ay naging mabigat na pasanin para sa kayang pamiliya. Sinabi niya na

"Noong panahong iyon, nahihirapan nang labis ang aking ama. Bawat taon, dapat ipagbili niya ang 9 na baka at 2 baboy, saka lamang makakapag-ipon ng aming tuition fee. Napakahirap talaga para sa isang pamilya sa nayon."

Noong 1993, pumasok si Huang sa Middle School ng Rongshui, datapuwa't ang lumalaki nang lumalaking gastusin sa pag-aaral at pamumuhay ay mas nagpapahirap ng maralitang pamilyang ito at noong 1996, may malubhang sakit ang tatay ni Huang at hindi natatanggap ang suweldo ng kanyang ate. At sa gayo'y nawala ang pinagmumulan ng piansiya ng pamiliya ni Huang. Sa ganitong mahirap na kalagayan, hindi pa itinakwil niya ang pangarap ng pag-aaral. Sinabi niya na

"Hindi sapat ang kinikita sa pag-aruga ng mga baka at baboy para sa pagsuporta sa aming pag-aaral at pamumuhay at ang mga salapi na hiniram ay pangunahin na napunta sa pagpapagamot ng aking tatay. Datapuwa't sa ganitong mahirap na kalagayan, hindi itinakwil ang aking pangarap sa pag-aaral."

Noong panahong iyon, naglakbay-suri ang Children and Teenager's Fund ng Tsina o CCTF sa nayong Rongshui at natapat si Li Jiguang, asistente ng pangkalahatang kalihim ng CCTF, sa pagbisita sa klase ni Huang. Ikinuwento ng mga kinatawan ng mga mahihirap ng mag-aaral sa klase na kinabibilangan ni Huang ang kanilang mahirap na kalagayan sa pag-aaral. Nang mabanggit ang kalagayan ng panahong iyon, maliwanag ang alaala ni Li. Sinabi niya na

"Lumuha ang naturang mga mahihirap na bata nang ilahad ang kanilang kalagayan. Nakaantig ako. Sa tingin ko, may responsibilidad ako sa pagbibigay-tulong sa kanila. "

Ipinasiya ni Li na isinailalim ang naturang mga mahihirap na mag-aaral na kinabibilangan ni Huang sa Spring Buds Program. Sinabi ni Huang na

"Sa sandali nang malaman ko na ako ay inilakip sa proyektong ito, alam ko na magbabago ang aking buhay. May pagkakataon ako sa pagtanggap ng higher education, pagkamit ng kaalaman at mga kahusayan at sa gayo'y pataasin ang aking sariling kakayahan na harapin ang mga kahirapan."

Noong 2000, nagtapos si Huang sa normal school at bumalik siya sa kanyang lupang-tinubuan para maging isang guro ng mababang paaralan. Nagturo siya sa mga bata ng pagkanta at pagsayaw, ibinalita sa kanila ang mga bagay-bagay sa labas at ikinuwento ang kanyang sariling karanasan. Sinabi niya na ang kanilang kinabukasan ay nasa kani-kanilang palad. Sinabi niya na

"Sa aking lupang tinubuan, kakaunting batang babae ay nag-aaral. Sinabi ko sa kanila na dapat igiit kahit kinakaharap ang anumang kahirapan."

Sa kasalukuyan, ang 28 taong gulang na si Huang ay isang guro ng musika ng sentro ng edukasyong bokasyonal ng Rongshui. Sinabi niya na walang pagkakataon ang mga bata ng lokalidad sa patuloy na pag-aaral pagkatapos ng middle school, kaya kinakailangan nilang mag-aral ng aktuwal na kahusayan para nagkahanap-buhay sa hinanarap.

Salin: Ernest

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>