|
||||||||
|
||
Nang mabanggit ang Datong City sa Lalawigang Shanxi ng Tsina, ang Yungang Grottoes doon ay dapat papaksain namin. Ang Yungang Grottoes ay pamanang kultural ng daigdig, ito rin ang isa sa mga pinakamalaking sinaunang grottoes sa Tsina. Delikado ang mga istatuwa sa loob ng grottoes, kaya tinatawag itong "himala sa kasaysayan ng arte ng Tsina". Bukod sa Yungang Grottoes, may maraming iba pang pamanang kultural sa Datong na gaya ng matandang arkitektura at istatuwa. Umaasa ang mga iskolar at dalubhasa na mapapangalagaan ang naturang mga pamanang kultural sa proseso ng konstruksyon ng modernong lunsod ng Datong. Batay sa kaisipang ito, sinimulang isagawa kamakailan ng Datong City ang plano ng bagong Yungang para gawing kapital ng iskultura sa Tsina ang Datong.
Nasa southern foot ng Wuzhou Mountain sa kanlurang kanugnog ng Datong ang Yungang Grottoes. Sa loob ng 45 grottoes doon, may mahigit 51 libong istatuwa, datapuwa't sanlibong taon na ang nakararaan, nananatiling makukulay at buhay na buhay ang mga istatuwa.
Isinalaysay ni Wang Jia, giya ng Instituto ng Pananaliksik ng Yungang Grottoes, na sa kasalukuyan, ang gawain ng pangangalaga sa naturang grottoes ay nababatay sa orihinal na kalagayan nito.
"Napapanatili namin ang kulay ng mga istatuwa noong una. Ang kulay nito ay hinango sa ilang ore at halaman, kaya hindi kumukupas ito sa mahabang panahon."
May marami ring kilalang matandang arkitektura sa Datong. Ang Huayan Temple na nasa kalunsuran ng Datong ay isa sa mga ito. Halos 1000 taon ang kasaysayan ng Huayan Temple, ang mga arkitektura, isatatuwa at mural sa loob ng templo ay modelo ng kultura noong Liao Dynasty. Halos 900 taon ang kasaysayan ng isa pang templo sa Datong—Shanhua Temple. Pagkaraan ng kanyang kauna-unahang paglalakbay sa Shanhua Temple, ikinagulat ni Feng Jicai, kilalang manunulat, ang kultura ng istatuwa doon. Ipinalalagay niya na,
"Sa iba't ibang epoka sa kasaysayan, naiwan ang mga namumukod na istatuwa sa Datong, halimbawa, Yungang Grottoes. Sa katunayan, ito ang pamanang kultural ng daigdig, ibig sabihin, pamanang kultural at yamang pandiwa ng buong sangkatauhan na kinikilala ng daigdig."
Palagiang nagkokonsentra si Ginoong Feng Jicai sa pangangalaga sa katutubong kultura. Tinatawag niya ang Datong na "museo ng sinaunang istatuwa sa Tsina". Iminungkahi niyang isagawa ang "plano ng bagong Yungang" at komprehensibong napangalagaan ang kultura ng istatuwa sa Datong. Sinabi niya na,
"Iniharap namin ang plano ng bagong Yungang at umaasa kaming habang pinauunlad ang lunsod, hahanapin muna ang katangiang kultural ng lunsod na ito at mga puntamental na elementong kultural na kumakatig sa naturang katangiang kultural, dapat paunlarin ang kultura ng isang lunsod batay sa orihinal na katangian nito."
Sinabi naman ni Geng Yanbo, alkalde ng Datong, na ang plano ng bagong Yungang ay nagpapakita ng 2 katangian, alalaong baga'y pagmamana at pagkamalikhain. Sinabi niya sa seremonya ng pagsisimula ng planong ito na,
"Isinasabalikat ng plano ng bagong Yungang ang 2 mahalagang tungkulin, isa'y pangangalaga, pagkukumpuni at pagpapalaganap ng maluningning na kultura ng tradisyonal na istatuwa, isa pa'y pagpapaplano, pagdidisenyo at paglilikha ng arte ng modernong istatuwa na kasing ganda ng tradisyonal na kultura para maisakatuparan ang pagkakaisa ng tradisyonal at modernong kultura at pagtatatag ng kapital ng iskultura sa Tsina."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |