|
||||||||
|
||
Magandang magandang gabi po, Philippines! Itong muli si Sissi na love na love na ibahagi sa inyo ang kanyang love for music tuwing Linggo ng gabi.
Kahapon, habang binibilang ko ang mga boto, natanggap ko ang mesahe mula kay Poska: Let us all pray for Tita Cory (ex-President Corazon Aquino). She joined her Maker this morning…agarang tsinek ko ang mga balita sa Internet. Bilang unang babaeng presidente ng Asya at matapang na kawal sa pakikibaka sa diktaturya ni Marcos, natanggap niya ang taos-pusong paggagalang mula sa mga mamamayang Pilipino. Anang artikulo ng The Inquirer, punung puno raw ng Cory yellow ribbons ang mga poste ng ilaw, mga puno at mga gusali sa mga pangunahing lansangan ng Makati. Pero doon daw sa paligid ng Makati Med ka makakakita ng talagang maraming-maraming kulay dilaw. Doon daw kasi naratay ang dating pangulo sa loob ng isang buwan. Maski raw si Mayor Lim ng Maynila ay nag-utos rin na magsabit ng yellow ribbons sa paligid ng City Hall at sa kahabaan ng Roxas Boulevard at Taft Avenue. Noong una, ang yellow ribbon daw ay maririnig lang sa homecoming song ni Ninoy Aquino, pero kalaunan, ito na ang naging color signature ng kanyang biyuda-- the color of protest during the waning years of the Marcos dictatorship. Ang nakadilaw na biyuda ng martir na si Ninoy Aquino ay siyang nagsilbing rallying point ng mga protesta. Ang palaki nang palaking bilang ng mga nagpoprotesta sa Edsa I uprising ay nakasuot ng dilaw para ipaalam kay Cory na hindi siya nag-iisa sa pakikipaglaban para sa kalayaan. As she's not alone now. Bye, Cory.
Kayo ay nasa Programang Pop China, China Radio International, Serbisyo Filipino. Patuloy ang mga excitement ng Pop Music ng Tsina. Maririnig ninyo ang full version ng mga kanta at ang aking programa sa Filipino.cri.cn, under the subdirectory na tsinaistik. Uulitin ko muna ang limang kanta para sa week na ito: "Madaling Araw" ni Chris Yu, "Lumisan" ni Valen Hsu, "Tonight" ni Kimi Qiao, "Left and Right" ng "Babae at Lalaki", "Party Time" ni Coco Lee. maraming maraming salamat sa inyong pagkatig sa Pop China nitong nakaraan linggo sa pamamagitan ng mga mensahe sa message board at ng textmessages.
Ika-3, "Lumisan" sa pag-awit ni Valen Hsu. Magkakaiba ng pamamaraan ang mga tao sa pagharap sa pasakit na dulot ng pag-ibig. Pumunta ako minsan sa Shangarila ng Tibet ng Tsina at tumigil doon ng halos kalahating buwan para lang kalimutan ang nakaraan. Sa paglalakbay, marami akong nakitang kawili-wiling tanawin at maraming na-meet na mga tao mula sa iba't ibang sulok ng daigdig. Nagpalitan kami ng ideas at mga karanasan. Pagkaraan nito, parang nagkaroon ako ng panibagong buhay. Nalimutan ko ang lahat ng kapighatian na dulot ng pag-ibig.
Ika-2, "Tonight" ni Kimi Qiao. Nasabi kong kung makikita ninyo ang picture ni Kimi sa aming website, kayo na rin ang makapagsasabi na siya ay guwapo. Sang-ayon sa akin si Ara Mae : kay kim qiao ako. photogenic ang dating.may sariling distinction ang voice. Sabi naman ng mobile phone user 0049242188210: Pop Music-- let the sunshine in. Kim Qiao ako. Tama sabi mo. Pogi siya. Kilig to the bone ako.
Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin namang i-text ninyo ang inyong nararamdaman para sa alinmang kanta o koment dito sa 09212572397.
Ang winner is… "Party Time" ni CoCo Lee. Inilalarawan ng bagong album niyang "East To West" ang karanasan niya sa pagpasok sa sirkulo ng entertainment. Isinilang sa HongKong, lumaki sa E.U. at pinapaunlad ang kanyang career sa Taiwan. 34 taong gulang na si Coco, perpekto pa rin ang bodyshape niya at nananatiling malusog, energetic at sexy. Sinabi ni Poska: Fashion to Passion... Listen to Coco Lee...She has an international appeal...Divine Garcia: naku, huh...coco lee siyempre. charming ito, Day...
Ok, oras sa para sa pagri-reveal ng masuwerteng tagapakinig para sa nagdaang linggo. Sino ang masuwerteng tagapakinig para sa nagdaang programa? Sino ang tatanggap ng kopya ng DVD ni ni Jolin Tsai- Dancing Diva na ipapadala ng serbisyong Filipino? Siya ay walang iba kundi ang mobile phone user no. 09194260570: sA 7.180 mGhz aq naki2nig ng POP CHINA kung Linggo. Gusto q: jay chou, angela zhang, wilbert pan, at ariel lin. Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397. At magadang gabi po, Marifie. Bakit hindi ko nakita ang iyong adress sa aking message board? Naghihintay ako. Pinasasalamatan ko rin ang lahat ng tagapakinig na bumoto sa aming website o sa pamamagitan ng text messages.
Ayon sa remarks ng ilang critics, si Anson Hu daw ay "transformers" ng musika. Lubos na ipinakikita nito ang kanyang pagiging multi-talented sa music-- Hip-Hop, R&B, Rock&Roll, Pop. Nakita ko ang halos lahat ng estilo ng music sa kanyang mga kanta. Nitong 16 taong gulang siya, nagtamo siya ng gantimpalang pinaka-potensiyal na singer sa Asia Music Festival at pagkaraang i-publisize ang kanyang kauna-unahang album na "Crazy For Music" noong 18 taong gulang siya, nabago nang malaki ni Anson ang atomspera ng pop music ng mainland China. Young, energetic, relaxed pero hindi light-minded. Natanggap niya ang mainam na pagtatanggap mula sa mga batang music fans. Bilang isang creative composer at lyricst, siya ang kumatha hindi lang ng lahat ng kanta sa kanyang album kundi para rin sa mga sikat na singer na tulad nina Wilber Pan, Elva Hsiao, Richie Jen at Jaycee Chan. 20 taong gulang lamang siya ng maging big hit singer ng mainland China sa Singapore Hit Awards kasama nina Jolin Tsai at Andy Liu, na mga winner naman ng Taiwan at HongKong. Nitong ilang taong nakaraan, sumisigla ang estilong Tsino sa buong daigdig-- Kongfu Panda ng dreamworks, "blue and white porcelain" ni Jay Chou, "sa tabi ng plumb blossom" ni Lee Hom at iba pa. Si Anson ay mahusay na artista sa genre na ito. Inilarawan ng kantang "Writing brush character" ang pamumuhay ng mga taga-Beijing sa Hutong. Natutuhan ng isang bata ang writing brush character sa kanyang lolo.
Ang ika-2 kanta para sa gabi ito. Bago ko pa man ito isalaysay ay parang nakakarinig na ako ng malakas na palakpakan at hiyawan. Ito ay ang "Perpektong Perpekto" nina Angela Zhang at Harlem Yu. Alam ko na si Angela ay super idol ng maraming music fans na Pilipino. Talagang cute na cute siya. Kung titingnan mo ang kanyang appearance, hindi mo iisipin na mayroon siyang ganoong ka-powerful na voice. Oo, habang sinusubukan niyang kumanta sa isang music company, ipinalalagay naman ng boss ng company na may kapayatan si Angela at baka hindi niya matapos ang kabuuang kanta. Bagama't nakaranas ng maraming kahirapan sa proseso, hindi rin sumuko si Angela at sa bandang huling, pagkaraan ng isang taon, nakakita rin siya ng mahusay na judge para sa kanyang talent-- ang boss ng Linfair Records Ltd. Sa Taiwan.
Ang kantang "Perpektong Perpekto" ay theme song ng pelikulang "Sophie's Revenge."You and I, make a perfect couple.
Ok. Pagkatapos ng "Perpektong Perpekto" nina Angela Zhang at Harlem Xu, malinaw na ang limang kantang para sa week na ito. "Party Time" ni Coco Lee, "Tonight" ni KIMI Qiao, "Lumisan" ni Valen Hsu, "Writing brush character" ni Anson Hu at "Perpektong Perpekto" nina Angela Zhang at Harlem Xu. Mag-iwan lang kayo ng mensahe sa aming website o magteks sa amin. Linggu-linggo, pipili kami ng isang listener na padadalhan ng DVD ng isang Chinese singer. Hihintayin ko ang inyong messages. At Ipinapaalala ko na puwede kayong mag-dedicate ng kanta para sa inyong mga kaibigan o kapamilya sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming website o pagteteks sa amin.
Sa bandang huli, isa pang kanta para sa lahat ng tagapakinig at kaibigang Pilipino-- "Dalawang Lunsod" na inawit ni Wang Xiaokun. Ito ang melody na paulit-ulit kong kinakanta nitong ilang araw na nakalipas at gusto kong ibahagi ito sa lahat ng kaibigan. Ok, kita-kits tayo uli sa susunod na linggo ng gabi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |